12 Kabanata 11

Scent POV

Nagising ako dahil may incoming call. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan ko na i silent mode ang cellphone ko.

Friend Luna's calling

"Hi,Scent.Balita namin nandito ka na sa Maynila? Baka naman available ka tonight? Hang out with us. Itetext ko sayo ang place. Please with us, okay? "

"Pag iisipan ko pa---".

"No! Despidida ko eh. "Spoiled brat na sabi nito. Ano pa nga ba ang magagawa n'ya kundi pagbigyan ito. She knows Luna, makulit,maldita, prangka pero totoong kaibigan.

"Okay. Can I bring someone? "Si Brenda ang tinutukoy ko, syempre kailangang kasama s'ya. Hindi ko naman s'ya pwedeng iwanan dito dahil baka magtampo pa. Kailangan n'ya rin maranasan ang maging rich kid at ipaparanas ko yun sa kanya.

"Wow really? Sino kaya ang someone na yan? Wow! For the first time sis may isasama ka ng boyfriend! "Excited na pagkakasabi nito. Maling akala nga, lalaki nga ang nasa isip nito.

"Huh mali yang nasa mind mo sis. Babae ang isasama ko from Palawan. "

"Ganun! Akala ko pa naman boy na eh. Sige asahan ko kayo. "Ibinaba na nito ang phone at ako naman ay pumikit ulit. Ang sarap kayang matulog!

R18 BAR&RESTO

9PM pa lang pero marami ng tao. Pagpasok pa lang namin ang ingay na kaagad, marami ng tipsy habang sumasayaw sa dance floor, mapa girls, boy, bakla at tomboy.

"Scent, OMG! Grabe mga tao dito sis, ang wawild nila tapos ang daming pogi, "kinikilig sobra si Brenda.

"Ganyan talaga Bren. Basta yung bilin ko sayo huwag mong kakalimutan. Maraming pogi dyan pero mga manyak lalo na kapag lasing na, nanghahatak na lang ng lasing na babae. "

"Don't worry sis I can manage. So pano feeling rich muna ako ngayon. Ang ganda ko kaya tonight, bongga diba? Salamat sa damit at bag".

"Your always welcome. Tara nandun sila sa VIP room. "

"VIP room? OMG super cozy! "

"Yeah, mas maganda kasi dun may privacy. "

"Yeah, alright. Anyway, is Mr. Pogi present? "

"Who? "

"Mr. Pogi, ung Zion. "

Natigilan ako sa sinabi n'ya, oo nga noh. Hindi ko naisip yun, ngayon ko lang talaga na realized.Pero hoping na sana wala at hoping na wala din si Candy. Siguro naman di na yun pupunta kasi bawal na syang uminom dahil buntis na.

"Wala siguro. Busy yun sa work or baka nandun sa fiancee n'ya. Tara pasok na tayo.

Pipihitin ko palang ang door knob ng biglang bumukas ang pinto at sa kamalas malasan si Zion pa ang nagbukas. Ngumiti s'ya sa amin at binati kami "hi, Scent and Brenda. Nice to see you ladies. "

Shit naman oh ang pogi n'ya talaga. Lumakas yata heart beat ko. OMG paano ba kalimutan ang isang Zion? Sabi ko ayaw ko na s'yang makita, kakalimutan ko na s'ya pero wala eh, kulang na lang malalaglag panty ko sa kapogian n'ya. Yung puso ko at isip ko ngayon ay nagtatalo tuloy. Sabi ng isip ko, kalimutan ko na s'ya, itigil ko na pero ung puso ko ang sabi ituloy ko lang baka sakaling mabago pa ang lahat.

Hindi ko na s'ya nagawang sagutin at batiin pa ng sumingit si Luna.

"Hey, sis come in. Zion, sunduin mo muna sa Candy sa labas."

OmG pati si Candy invited din! Lord, please po sana hindi dumulas ang aking dila mamaya na nakita ko si Candy at may kasamang lalaki. This is not the right time and place.

Pero hindi lang yon, makakakita na naman ako ng mga langgam. Pano ba naman kasi sobrang sweet nila sa isat-isa. Sarap tirisin! Bwisit!

Bahala na, basta eenjoy ko ang gabi na ito!

This is my night!

avataravatar
Next chapter