11 Kabanata 10

Gaya ng ipinangako ko kay Brenda ipinasyal ko nga s'ya dito sa Maynila. Luneta Park, National Museum, Intramuros, Manila Zoo at ang huli naming pinuntahan ay sa Shangri-La.

"I love you na talaga Scent. Hindi ako napagod, grabe sangkatutak ung picture ko.Mga 8GB siguro! Tapos heto tayo ngayon sa Shangri-La. Alam mo dito talaga ako mas nalula kesa sa mga pinuntahan natin. "

Tinawanan ko lamang s'ya dahil alam ko na ang tinutukoy n'ya kung bakit s'ya nalula.'Yung mga presyo ng bilihin kasi dito ay sadyang mamahal pero sa tulad kong rich kid ay hindi na bago sa akin ang ganitong presyo.Pero hindi ko naman ini spoiled ang sarili ko na bumili lagi ng mga mamahaling damit. Sadyang si Mommy, Daddy at mga kuya ko ang nag spoiled sa akin, halos lahat ng regalo nila puro mamahalin.

"Pili ka ng damit, "tanging nasabi ko na lamang sa kanya.Nanlaki mga mata n'ya, parang sa tarsier.

"Talaga Scent? Kaso ang mahal. Look oh 3500 simpleng T-shirt lamang. Naku kung sa labas or ukay sangkaterba na mabibili ko sa halagang 3500."

"Sige na minsan lang naman 'yan. Treat ko promise. "Galante talaga s'ya sa mga friends n'ya lalo na kung true friends talaga at si Brenda ay belong na belong sa true friend society.

"Sige sabi mo ah. Thank you very big "at nagsimula na itong pumili at magsukat.

Naupo ako sa may sofa dahil nangalay na ang mga tuhod ko kakagala namin kanina ng may masulyapan akong pamilyar na mukha. Hindi ako pwedeng magkamali, si Candy iyon at sinu ung lalaki na kung nakaakbay sa kanya ay talo pa ang nobyo?

Nasulyapan ko sila na papasok sa store na pinasukan namin kaya agad kong dinampot ang magazine sa may tabi ko. Hindi ako pwedeng makita ni Candy lalo na at may duda ako sa lalaking kasama n'ya.

Nang dumaan sila sa may tapat ko narinig ko pang nagsalita ang lalaki.

"What do you want, Sweetheart? "

Muntikan ko nang malaglag ang magazine na hawak ko sa sinabi ng lalaki.

Sweetheart? Nagpantig ang tainga ko sa narinig kaya gusto ko silang puntahan para usisain but I controlled myself.

Naglaro na lamang sa isipan ko kung ang ibig bang sabihin nito, niloloko ni Candy si Zion?

No!Yes? Maybe...

Or baka naman kaibigan lang ito,pinsan or else boyfriend nga!Pero hindi eh, may doubt talaga ako.

"Scent! "

Natigil ako sa pag iisip ng lumapit sa akin si Brenda dala-dala ang napiling T-shirt. Ang lakas pa naman ng pagkakatawag sa pangalan ko kaya nabaling sa akin ang tingin ni Candy. Biglang namutla si Candy, nakita ko din na umiba yung reaksyon ng kanyang mukha.

Dumistansya ito sa kasamang lalaki. Kunwari hindi ko napansin na may kasama s'ya at para hindi naman awkward agad ko s'yang nilapitan.Nakipag beso beso ako na dati naman naming ginagawa.

"Oh hi Candy. Long time no see, dito lang pala ulit tayo magkikita."

"Oo nga, long time no see."Ngumiti sa akin si Candy pero para nga talaga s'yang tuliro sa mga oras na yun kaya nagpaalam agad ako sa kanya.

"Anyway congrats sainyo ni Zion. Sige next time na lang tayo magchikahan. May pupuntahan pa kasi kami. "

"Sige, sige. "

Habang nasa cashier kami para magbayad, nakita kong hinatak ni Candy ang kasama n'yang lalaki at nagmamadali itong lumabas ng store.

Is there something wrong, Candy? Anong ibig sabihin ng mga nakita ko at narinig? Niloloko mo lang ba si Zion? What's wrong Candy?

If ever man na totoo ang hinala ko mas masasaktan ako ng bongga. Alam mo ung pakiramdam na yung gusto mong lalaki ay taken na at mahal na mahal ang fiancee tapos ung fiancee n'ya naman niloloko lang pala s'ya.

Naisip ko din dapat nga matuwa ako if ever man na nagloloko si Candy dahil baka ito na yung way and time para iwanan ni Zion si Candy at mahumaling sa akin si Zion, sa akin s'ya mapunta sa pamamagitan ng pikot pero syempre matino parin naman ang utak ko sa mga panahong ito.Against na against ako sa pikot scenario!

Alam mo ba to Zion?

Nagdadalawang isip ako na sabihin ito kay Zion. Ayaw ko kasing makita si Zion at makausap pero sabi ng konsensya ko parang gusto ko s'yang makita at sabihin ang mga nakita ko kaso maniwala naman kaya s'ya sa akin? Alam ko namang mahal na mahal n'ya si Candy at baka anu pang isipin n'ya. Baka isipin n'ya sinisiraan ko si Candy sa kanya.

Bahala na nga si Zion na lang ang makadiskubre nito!

Awat na self. Waley pa rin, the best pa rin si Candy para kay Zion. I'm just a chaperone, a little sister to him,special friend for him. Ouch but sad reality.

"Scent, may problema ka ba? Para kang may malalim na iniisip. "

"Ah wala ah. Sige ano okay na? Uwi na tayo? "

"Thank you dito ah. Naku iingatan ko talaga ang Tshirt na ito. "

Niyakap yakap pa nito ang paper bag na may lamang T-shirt.

avataravatar
Next chapter