1 Cazadora I

Venice POV

K A S A L U K U Y A N G P A N A H O N

Pinagmasdan ko ang silid na tinutuluyan ko. Malaki, magara, engrade at marangya. Depinisyon sa buhay na gusto ko, na pinapangarap ko. Hinaplos ko ang kama na hinihigaan ko. Malambot at sobrang bango. Hinawakan ko ang unan at dinala ito sa mukha ko. Parang ayoko ng bumangon. Parang ayoko ng umalis dito.

"VENICE! Wake up!" I heard Night shouting in front of my door. I pouted. I want to stay here forever. I want to explore this exclusive Hotel more.

Kaya umikot ako sa kama ko at siniksik ang sarili ko sa pinakasulok kung nasaan na katapat ang Aircon. Tiningnan ko ito at hinawakan.

Ito ang huling araw namin sa Hotel dahil sa trabaho. Kaya sinusulit ko na ang bawat segundo na nakatapak pa ako rito. Hindi naman kasi basta-basta ang hotel na 'to. Puro mayayaman at kilalang tao lang ang nakakatapak dito pero kita mo nga naman isang dukhang katulad ko ang makakatulog dito ng tatlong araw.

Muli kong hinaplos ang Aircon. Dalhin na lang kaya kita. Isama kita sa mga bayad nila. Mayaman naman sila. Ako hindi. Nilapit ko ang mukha ko rito para halikan pero biglang may humawak sa balikat ko.

"Venice naman pati ba naman inosenteng aircon pinagsasamantalahan mo?" rinig kong boses ni Night. Pilit niya akong nilalayo roon pero pilit ko namang hinahabol 'yong Aircon.

"Huwag mo akong ilayo sa kaniya." mahina kong saad pero bigla niyang kinuha ang remote control ng aircon. Kaya unti-unting namamatay ang lamig. Masama ko siyang tiningnan.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?" seryoso kong saad. Naramdaman kong unti-unti na niyang binibitawan ang pagkakahawak ng balikat ko.

"V-Venice.." bulong niya. Pinandilatan ko siya ng mata.

"GUSTO KO MAGKA-AIRCON! TAPOS PIPIGILAN MO PA!" sigaw ko. Nakita ko kung paano dumaan ang takot sa mukha niya.

"M-May p-pera naman po tayo." mabilis niyang saad. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Haist! Hindi nga pwedeng galawin 'yong pera na 'yon! Paulit-ulit!" irita kong saad at inagaw sa kaniya ang remote. Binuksan muli ang Aircon. Sisinghalan ko pa sana siya nang bumukas ang pintuan dahilan kaya tumingin ako roon at iayos ang tayo ko. Nakita kong sumilip ang matandang lalaking na kliyente ko. Ngumiti ako ng malawak at napalakpak ako sa tuwa. Lumapit ako sa kaniya at matamis na ngumiti.

"Hi Mr. Vargas may maitutulong pa po ba ako sa inyo?" mabait kong usal pero ngiting umiling ito sa akin. Hinawakan pa nito ang kamay ko at bahagya niya itong pinisil na pangiwi naman ako. Pinigilan kong tumaas ang kilay ko at ang timpla ng dugo ko.

Naglakad kami papunta sa may table. Umupo siya sa tabi ko kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko pero noong makita ko ang mukha niya. Mukha talaga siyang living money sa akin. Sarap niyang ilagay sa bangko.

"Dapat nga sa'yo ako magpasalamat dahil dinagdagan mo ang buhay ko. Natanggap mo na ba 'yong pera?" sabi ng matandang manyakis na kaharap ko. Hinaplos-haplos niya pa ang kamay ko. Malapit ko na itong mabalibag at ibigay kay Night para ilibing ng buhay. Kung hindi lang malaki ang bayad nito sa akin. Baka ako pa ang pumatay sa kaniya.

Naalala ko iyong bayad niya sa akin at tumingin ako kay Night at sa Aircon na tinatabingan niya. Napangisi naman ako

"Opo ang kaso may gusto sana akong hilingin." malambing kong saad. Ngumiti ako sa kaniya at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko para hawakan ito ng mahigpit. Tumingin ako sa mata niya ng deretso.

"Ano ba 'yong gusto mo at ibibigay ko sa'yo." napangiti naman ako. Ipapangako ko talaga kapag namatay 'to hindi ko na siya papahirapan. Ngumiti ako ng malawak.

"Alam kung sobra-sobra ang hiling ko per--" hinawakan niya ang baba ko.

"H'wag ka ng mag-alala ibibigay ko sa'yo lahat. Sabihin mo na." bulong nito sa akin.

"Gusto ko po kasi ng Aircon 'yong pinakamahal iyong katulad ng nandito sa hotel niyo." sabi ko. Ngumiti ito ng malawak sa akin.

"Kahit lima pa ibibigay ko sayo." sabi niya. Halos mapalakpak naman ako sa tuwa pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang pagdaan ng isang bagay sa mata niya. Napangisi naman ako.

"Basta dagdagan mo ang buhay ko." seryosong saad niya. Kaya napangiti naman ako ng malaki.

"Oo naman dagdagan ko ng tatlong buwan ang buhay mo. Sapat na 'yon para magawa mo lahat ng gusto mo bago ka mamatay at pinapangako ko..." Tumingin ako kay Night na nakatingin lang sa akin at umiling. "... walang mangyayari sa'yong masama sa mga huling sandali ng buhay mo." pangako ko sa kaniya. Napangiti naman ito sa akin.

"'Yan ang gusto ko sa'yo marunong kang tumupad ng kasunduan." sabi niya.

"Magaling lang ho akong negosyante." At muling pinakita sa kaniya ang Life Contract kung saan siya nakapirma. Ngumiti ito ng malawak sa akin.

"O siya! Aalis na kami..." nakita kong napakunot noo ito " ...este ako." Kaya alanganin akong ngumiti.

"Padala na lang po sa bahay ko ang aircon. Maraming salamat." Tumayo na ako at muling kinuha ang kontrata ko sa kaniya. Tumango ako bilang paalam at ganoon din ito. Naglakad ako papunta sa may gamit ko at kinuha ko na ang bag ko para umalis. Binuksan ko ang pintuan para lumabas na.

Nakita ko si Night na nakatayo sa may gilid. Tumaas naman ang kilay ko. Nang may maalala ko mabilis kong kinapa ang black card sa bulsa ko at binigay sa kaniya.

"Keep it." I whispered. He looked at the card and he creased his forehead. He put my hands down.

"Are you aware that you have 50 black cards, right?" he seriously said. Tumaas ang kilay ko pero tumango pa rin ako.

"Are you aware that you gave 50 Life Contracts?" Napatango naman ako at naglakad na papuntang elevator.

"It means you are aware that you ruined the balance of life and death." Tumingin ako sa kaniya at masama ko siyang tiningnan.

"Midnight." I whispered. Pagak akong napatawa. Nakarating kami sa may harapan ng elevator. Napansin kong walang masyadong tao. Sumandal ako sa gilid paharap sa kaniya.

"Nice to see you again their loyal Grim Reaper." Nakita kong nagtagis ang bagang nito. Napangisi naman ako.

Midnight is the most loyal leader of all the Grim Reaper in the heaven. Siya ang sunod-sunuran sa mga nasa taas. At oo nakikita ko siya, lahat sila.

"Are you here to lecture me about life and death but unfortunately I don't have time for that." Narinig kong tumunog ang elevator badyang bubukas na ito pero biglang namatay ang ilaw at tanging sa tapat lang namin ang naiiwang bukas. Huminto ang takbo ng oras sa pagitan naming dalawa.

Napahalakhak naman ako ng malakas at tumingin sa kaniya. Ngumisi ng nakakaloko. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya.

"Ano bang kinagagalit mo? Ang pagbibigay ko ng kontratang mamatay na dapat ngayon o 'yong hindi pa isisilang ngayon?" Umiling ito sa akin.

Ang kamatayan ng isang tao ay isang pagbubukas ng pinto para sa mga batang isisilang. Ibig sabihin kapag hindi pa sila namatay hindi magsisilang ng isang supling ang singkwentang pamilya. Napangisi naman ako.

"You are hopeless Venice. You ruined everything and your stupid connection to Night." He said. I shrugged.

"You don't get it right? And why would I expect from you? You are worst and selfish." If looked could kill maybe he was died right here. Right now. But sadly I can kill him because he is already died.

"Why? Are you mad?" He asked but I laughed.

"No." I stated. I stared directly in his eyes and grinned.

"Why would I? If we are just the same." bulong ko. Nakita kong unti-unting dumadaan ang galit sa mga mata niya. Napapansin kong namamatay-matay na rin ang ilaw sa harapan namin. Hanggang sa tuluyan na itong namatay. Nawalan ng ilaw sa buong paligid.

Hindi niya ako pwedeng patayin. Hindi niya ako pwedeng saktan dahil magagalit ang mga nasa taas. Napailing naman ako.

Bumalik na ang daloy ng oras. Hanggang sa may nagbukas ng ilaw. Nakita kong nawala na ang lalaking kinakausap ko kanina. Napangisi ako. He never changed. Kaunti pa rin ang pasensya niya.

"Naku pasensya na Ma'am. Nagkaroon po kasi ng malfunction sa Electricity." sabi ng Lalaki. Nakita ko pang may hawak itong tools sa kamay. Tiningnan ko ang mukha niya. Ngumisi naman ako. I'm sure matutuwa talaga si Mr. Vargas sa buhay niya dahil may mga loyal siyang empleyado.

"Okay lang po. Safe po bang gumamit ng elevator?" tanong ko. Tumango naman ito sa akin at ngumiti. Kaya pumindot ako at bumukas naman ito pero bago ako pumasok. Muli kong sinulyapan ang lalaki nang makita ko ang mukha nito.

"Do your job well Kuya. Make my client happy on his remaining days." ngumisi pa ako. Tumango naman ito sa akin. Bago ako pumasok. Nakita ko kung paano niya hawakan ng mahigpit ang mga tools. Napatango naman ako at napagdesisyunan ko ng pumasok na sa loob. Unti-unting nagsarado ang pintuan. Napayuko naman ako at napatitig sa salamin. Hanggang sa napaisip ko na naman ang nangyari kanina.

"Unti-unti na silang bumabalik. Kailangan ko na naman palang magtago." Napahinga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

"Nakita mo na pala si Kuya." Napamulat ako sa boses niya. Tumango naman ako at napahinga ng malalim. Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Night na nakasandal sa may harapan. Napangisi naman ako.

"Please tell to your goody brother. Don't do anything about those person I gave a life contract because if he did. I will ruined his plan. Don't try me." I said. Tumitig ako sa mata niya. Nakita ko ang pag-aalangan niya sa akin. Matagal na kaming magkasama. Pero hindi niya pa rin ako kilala. Napatawa ako ng pagak.

"Why do you do that? And why are you giving them a chance to live if they are doing bad things." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"You don't understand huh?! I did that because of the black cards to get their money." Let them suffer. And that is my secret.

I remember the man earlier, the electric maintenance. The man who opened the lights. The man I talked to is already died but I gave a chance to do his job more and I give Mr. Vargas those months to let him suffer for what he did.

I know Mr. Vargas is a killer and a murderer and he think he can kill more using those months but unfortunately, those remaining days is a living hell day for him.

Na kung saan mas pipiliin niya pang mamatay at magmakaawang kinuha na siya ngayong araw na 'to. Tiningnan ko ang Life Contract sa bulsa ko. Binuksan ko ito at unti-unti itong nasunog hanggang sa unti-unting napalitan ng itim na kulay. Ang mga gintong letra kanina ay naging isang dugo. Nakita ko ang simbolo ng papel "Hell". Narinig kong napasinghap siya.

"I-Is that a d-death contract?" Tumingin ako sa kaniya at dahan-dahang tumango. Pinaypay ko pa ito sa mukha ko. Hanggang sa mawala ang lukot nito. Tinitigan ko ang pirmang ni Mr. Vargas.

Death Contract is an opposite of Life Contract. Ito ang uri ng kontrata kung saan mas pipiliin mo pang-mamatay sa eksatong araw ng kamatayan mo. Oo bibigyan ka ng pansamantalang buhay pero ang mararamdaman mo lang ay matinding pagdurusa at kalungkutan kabayaran sa mga taong pinahirapan mo nang nabubuhay ka pa. Ito iyong tipong buhay ka pa pero unti-unti ka ng pinapatay.

"Three months of suffering is really worth it." Bulong ko. Narinig kong nagsalita siya. Kaya napangisi naman ako.

"That's the reason why they need you. You are not ordinary." Tumingin ako sa kaniya. Nakita kong naguguluhan na siya sa nakikita niya sa akin.

"I am ordinary. I'm just a merely human who passed by." Ngisi ko. Narinig kong tumunog na ang elevator. Hudyat na bubukas na ito. Naglakad na ako pero bago ako lumabas narinig ko pa siyang bumulong.

"Who are you?" I grinned. No one knows. No one.

avataravatar
Next chapter