webnovel

Paano kung ikaw to?

Ako si gong. Maaga ang pasukan namin sa school. 5am pa lang gumigising na ako para maligo, magbihis, at kumain bago umalis ng bahay.

Dumadating ako sa school ng 7:00am

"Ako ang unang dumating sa classroom. Wala pa ang aking mga kaklase. Gusto ko silang gulatin pag dumating sila"

pero nagtataka ako. Ang tagal nilang dumating kaya natulog na lang muna ako sa paburito kong upuan.

Nang magising ako,…

hapon na,.. dumidilim na ang paligid.

Nagulat ako sa sarili ko!

"Nakatulog ba ako ng matagal? Bakit wala pa rin ang mga kaklase ko? Nasaan si teacher? Bakit wala pa sila? Wala bang pasok ngayon?..uwi na nga lang ako.."

Paglabas ko ng school, nagtataka ako..

"bakit walang sidecar? Bakit walang mga sasakyan? Paano ako uuwe? .. maglalakad na nga lang ako."

Dumidilim na ang paligid habang ako ay pauwe na sa bahay namin.

At sa aking paglalakad pauwe, natanaw ko ang bahay ko na napakaliwanag at maraming tao.

"Anong meron? Bakit maraming tao?

Bakit maliwanag ang bahay namin?

May malaking handaan ba? "

Habang palapit ako ng palapit, nakita ko si tito at si tita na umiiyak.

"Bakit sila umiiyak?"

Nilapitan ko.

" Tito, tita, bakit kayo umiiyak?"

Pero hindi nila ako sinagot. Pumasok pa ako sa loob ng bahay.

Nakita ko si lola at lolo na umiiyak din. Tinanong ko sila. "Lolo, lola bakit kayo umiiyak?"

Pero hindi nila ako pinansin.

At sa loob ng aming bahay, nakita ko pa si mama at si papa nasa harap ng kabaong na humahagulgol sa iyak.

Gusto kong Makita kung sino ang nasa kabaong. Para malaman kung bakit sila umiiyak.

"HALA! BAKIT KAMUKHA KO YUNG NASA KABAONG? BAKIT AKO NANDITO? BAKIT NASA KABAONG AKO? MA! PA! ANDITO AKO BUHAY NA BUHAY!

PANSININ NYO NAMAN AKO! ANDITO LANG AKO!

MA! HINDI NYO BA AKO NAKIKITA?!!! MA!!! PA!!!"

Lungkot na lungkot ako habang tinatawag ko sila isa isa pero hindi nila ako pinapansin.

Kaya tumakbo ako palayo sa aming bahay na umiiyak. Tumakbo ako ng tumakbo na walang tigil na halos maubusan na ako ng hininga sa kakatakbo.

Hindi ko na tinitignan ang dinadaanan ko basta makalayo ako sa bahay namin.

Sa pagtakbo ko, may nabangga akong isang malaking lalaki.

Tinitigan nya ako at sinabi nya sa akin, "BATA,.. BAKIT KA UMIIYAK?"

Nang tiningnan ko ang mukha ng malaking lalaki,..

"PARANG KILALA KITA? DI BA IKAW SI JESUS?"

"OO" ako nga. Ang sagot nya.

Nang makita ko si Jesus, napakarami ng tinanong ko sa kanya.

"JESUS, BAKIT UMIIYAK ANG LOLO AT LOLA KO?

BAKIT SI TITO AT TITA UMIIYAK?

BAKIT ANG MGA PINSAN KO UMIIYAK DIN?

BAKIT ANG MAMA AT PAPA KO UMIIYAK?

AT BAKIT AKO NAMATAY?"

sagot ni Jesus, "Anak, ano ba ng ginagawa mo noong nabubuhay ka pa?

Sumusunod ka ba sa magulang mo?

Ginagawa mo ba ang payo nila?

Alam mo anak? Mahal na mahal ka ng magulang mo.

Sa twing nagdadabog ka sa kanila, nasasaktan sila

Sa twing hindi ka nakikinig sa mga sinasabi nila na parang balewala sayo, nalulungkot sila.

Sa twing hindi mo sila nirerespeto, umiiyak sila.

Pinapangaralan ka pero parang ikaw yung parang may maraming alam.

Hindi ka nakikinig sa kanila at padabog ka pang sumagot sa kanila.

Bakit ganun ang anak ko? Inuutusan ko pero hindi siya sumusunod?

Mahal ko ang anak ko pero bakit niya ako inaaway?

Nalulungkot ang mama mo sa twing nagdadabog ka"

"Tandaan mo anak, laging sinasabi ito ng mga matatanda. Papunta ka pa lang pabalik na kami

Ang ibig sabihin noon, alam na nila ang tinatahak mong landas kaya ka nila pinapayuhan kasi mahal ka nila. Ayaw ka nilang mapahamak.

Sumusunod ka ba sa sinasabi ng magulang mo?

O palagi ka nalang naglalaro o nanonood ng TV na kahit maghugas ng plato ay hindi ka na mautusan ng magulang mo.

Lagi ka nilang pinagsasabihan pero ano ang ginawa mo,.. palagi ka nalang nagdadabog

Lagi kang nagrereklamo.

Nakikipag-away ka pa sa mga kaklase mo

Hindi mo ba naisip na nagpapakahirap silang magtrabaho para lang may makain kayo sa araw-araw?

Hindi mo ba naisip na sumasakit na ang katawan nila kakatrabaho sa upisina tapos pag-uwi nila ng bahay, maglilinis pa sila sa mga kalat mo, sa mga pinagkainan mo.

Tumatanda na sila. Kailangan ka nila. Pero binabalewala mo lang ang lahat ng ginagawa nila.

Halos hindi na sila makakain bastat makakain ka lang ng maayos tatlong beses sa isang araw.

Malulungkot talaga ang magulang mo kung ganyan palagi ang ginagawa mo.

Lumuluha ang kanilang mga mata ng hindi mo napapansin."

"Mahal mo ba ang magulang mo? Talaga bang mahal mo ang magulang mo? Ang nagaalaga sayo mula ng maliit ka pa hanggang ngayon?"

Sising sisi ako sa mga nagawa kong kasalanan sa mga magulang ko. Gusto ko silang yakapin ng mahigpit pero huli na ang lahat.

Patay na ako.

Gusto ko pang mabuhay para ipakita sa kanila ang aking pagmamahal pero hindi ko na magawa. Ano na ang gagawin ko.? Malungkot sila dahil sa akin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanila, sa mga kasalanan kong nagawa.

Ma, Pa, patawarin nyo po ako, sa mga kasalanan ko.

umiiyak kayo dahil sa akin. Patawarin nyo po ako sa hindi ko pagsunod sa utos ninyo, dahil binigyan ko kayo ng sama ng loob alam ko gusto nyo akong Makita na maging isang mabuting tao, may maipagmamalaki, nakapagtapos sap ag-aaral, at masabi ninyo na ANAK KO YAN IPINAGMAMALAKI KO YAN.. pero

Ngayong wala na ako, Hindi ko na kayo makakasama. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. May pangarap pa ako na gusto kong matupad. Para matulungan ko po kayo. Susunod na po ako sa payo ninyo , susunod na po ako sa utos ninyo. Hindi na po ako magdadabog. Susunod na po ako sa inyo. Ayaw kong umiiyak kayo dahil sa mga kamalian ko. Gusto ko pang Makita nyo ako sa stage na suot-suot ang toga at hawak ang diploma.

Pero,.. huli na ang lahat.

Huli na ang lahat…

Kayong mga nagbabasa..

May pagkakataon pa kayo para magbago. Humingi kayo ng kapatawaran sa taong nagpalaki sayo kung may nagawa kayong kamalian sa magulang nyo na, nagpakain sayo, nagmahal sayo ng totoo na binabaliwala mo.

Matanda na sila, wag na natin pa silang bigyan ng sama ng loob dahil lang sa ninanais nyo.

Dahil ang totoong nagmamahal sa magulang, ay ang sumusunod sa utos ng magulang.