1 Prologue

Alyana's POV

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Yaya Mely habang tinutulungan akong mag-impake ng gamit. Kita sa mata niyang hindi siya sumasang-ayon sa desisyon ko pero nandito pa din siya sa tabi ko.

"Basta yaya 'wag kang maingay kay Mommy ahh."

Napakamot siya ng ulo. "Ewan ko ba sa inyong mga kabataan, may maisipan lang, gagawin na agad." Sagit nito sa akin.

"Carpe diem."

"Ha?"

"Seize the day. You only live once. Ganun." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Ayoko namang pag tumanda ako pagsisihan kong hindi ko na-pursue ang pangarap ko."

Natawa siya sa sinabi ko. "Pangarap na lalaki." Pagtatama niya sa akin.

Si Yaya Mely lang nakakaalam ng kabaliwan ko kay Nathan Saavedra. Lahat ng pang-stalk ko sa kanya noong high school, lahat ng pinagdaanan ko para mapalapit sa kanya.

"Ano daw bang magiging trabaho mo?"

"Sabi ni Uno, ang papasukan ko ay personal assistant ni Nathan." Sagot ko at hindi mapigilan ang ngiti sa labi. "Finally, mapapalapit na ako sa kanya."

Sinuklay nito ang buhok ko. "Ano namang alam mo sa pagiging personal assistant? Simpleng pagwawalis hindi ka marunong. Tandaan mo, wala ako sa tabi doon." Paalala nito sa akin.

Nawala ang ngiti ko. "Pero you're one call away lang naman di ba? Kaya matutulungan mo pa din ako." Tanong ko dito.

"Kung hindi lang kita mahal, hindi kita tutulungan sa kalokohan mo." Sagot nito at ngumiti naman ako. "Huling tanong, sigurado ka na sa desisyon mo?"

Tumango naman ako.

"Para sa pag-ibig."

avataravatar