1 Prologue

Prologue

"Good morning!" she exclaimed. Her giggles echoed in the four corners of my room.

Umagang-umaga nambubulahaw na naman itong babaeng ito. Naku naman talaga. She pounced on my bed and went on hopping on it. Damn! Heto na naman siya. Ginugulo na naman ako nang lukaret na Janisse na ito. Gusto ko pang matulog.

"Stop pouncing! Damn it woman, I still want to sleep! Get off my bed!" I growled at her.

She stopped and get off the bed. At times like this, whenever I'll growl or sjout at her, she would stop.

"Sorry Au. By the way I brought your breakfast here." She said as she took a tray of sumptuous food and placed it on my lap.

"Ako nagluto niyan para sa'yo." She smiled sweetly.

Araw-araw naman siyang ganito. Gigisingin ako at dadalhan ng breakfast na siya 'daw' ang nagluto. Hindi naman sa ayaw ko siyang paniwalaan, pero sa isang gaya niya na mayaman at maganda? Kaya ba talaga niyang magluto nang mga ganito kasarap na pagkain?

Baka nga sinusuhulan niya yung chef sa bahay nila para lang may masabi siyang siya ang nagluluto ng mga ito araw-araw. Magfou-four years na kaming ganito pero hindi pa rin ako nasasanay. Naiirita pa rin ako.

"Hey Au, kumain ka na. Masama ang pinaghihintay ang pagkain."

"Thanks." I muttered as I munch a toast and gulped the mug of coffee.

Hmmmm...my favorite blend and taste in my coffee.

"Bilisan mo dyan at mag-shower ka na. Ssabay ako sa'yo papuntang campus." She said as she starts on retreating outside my room.

"What's new Janisse? For almost four years, lagi kitang kasabay." I sighed.

"Hey Mr. Austin Beau C. Domingo, you're just for my eyes only.Don't you dare stare at another women. Let me remind you, I am your fiancee, and you are my dear fiance. You're mine and only mine, okay? "

She said with conviction.

Ano pa nga ba hindi ba? Ano ba namang magagawa nang isang hamak na gwapong Austin na tulad ko para salungatin ang gusto ng prinsesa nang Microtech International?

"Whatever Janisse C. Mendoza." I replied which earned a scowling look from her.

"Don't call me that!" She hissed.

"What?" I asked.

She took long strides towards me. An angry Janisse stares at me now.

"Janisse.." I whispered.

Alam ko namang ayaw niyang tinatawag ko siya sa pangalan niya. Pero ang saya kasi kapag nakikita ko siyang napipikon lalo na at ito lang ang paraan para makaganti sa kanya.

"That name! I hate you using that name on me. I know it's my name but when it comes to you, I want it to be Yani. Just call me Yani." She shouted.

I could see the threatening tears, but she amazingly restrained them from falling.

"But Janisse.."

"Stop! I'll wait for you downstairs. Take a shower, we might be late for our classes." And with that, she ran away.

Tsk. Janisse, you're impossible. Bakit ba kasi pinipilit niya akong tawagin siyang Yani kung Janisse naman talaga ang pangalan niya? Fourth year college na siya pero pambatang nickname pa rin ang gamit niya. Spoiled brat talaga.

Hayy. Hanggang kelan naman kaya ako makukulong sa babaeng yan? Magfou-four years na kaming engaged sa isa't-isa at gusto ko nang matapos ang kabaliwang ito. Nahihiya naman ako kina Tito Ben at Dad na magsabing tapusin na ang engagement namin. Ano dapat ang gawin ko?

Ayaw ko rin namang mambabae dahil wala akong natitipuhan sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. At kung meron man, siguradong napalayas na ni Janisse ang mga iyon. Ewan ko ba at bakit hanggang ngayon ay fiancee ko pa rin ang possessive, demanding at clingy na babaeng yun. Paano ko nga ba siya matatakasan nang hindi nasasaktan ang mga magulang namin?

Hanggang sa makapag-shower ako at makapagbihis ay hindi ako nakaisip nang magandang ideya. Matagal ko nang dapat inisip ito. E di sana noon pa ay wala na siya sa buhay ko.

Loud bangs on the door startled me and shaken my thoughts.

"ABCD!" she shouted.

Okay. There she goes again. Starting from her rants of me taking a long shower. Why does she have to call me in that stupid alphabetical order of my name?

"Austin Beau C. Domingo! Get out of the shower or we'll be both late for our classes!"

Damn it woman. Mamayang 10 pa ang pasok ko. Ikaw lang itong nagmamadali dahil 9 ang sayo. I tried my hardest not to have the same schedule as you for this semester so you don't have to drag me with you every day.

Nakakasawa na. Nakakasakal na din. Almost four long years Janisse. Damn! I must do something about it. Ayokong maikasal sa iyo. I just need to let my mind reel up and plot something outrageous to get rid of you.

And this is going to happen, and you're the one who will give up on me.

avataravatar