2 Prologue

Simula

Kasalukuyan akong narito sa Araneta Coliseum upang pasikretong nanunuod sa concert ni Tyrone. Dinig na dinig ko ang mga hiyawan ng mga taong sinasampit ang pangalan ni tyrone,mga iyak na narinig ko dahil sa kinanta niyang tagos puso.

Hindi niya alam na nandito ako dahil ang na kasunduan namin ay hindi mo na ako pupunta sa concert niya dahil daw ay maraming tao, Hectic lang daw iyon sa akin. Gusto ko lang pumunta dito ngayon upang isurprise s'ya na magkakababy na kami. Iniimagine ko na ngayon kong ano ang magiging reaksiyon niya.. Alam kong magiging masaya siya dahil mahal niya ako at yun ang gusto niya ang mag karoon ng sariling pamilya. malapit ako sa VIP sit malapit din ako sa stage kaya madali lang niya ako makikita kapag lilingon siya dito sa aking direksiyon.

Habang tumatagal mas lalong naging mainit ang kaniyang concert. Kitang kita ko siyang bumaba sa stage at pumunta sa may VIP sits habang kumakanta.

"Para sa'yo to Trisha" sigaw n'ya at hinalikan ang isang babae

Natigilan ako dahil sa aking nakita. Unti-unti naring dumidilim ang aking paningin everyone become slow motion and mute until I felt something wet between my legs and everything becomes black...

avataravatar
Next chapter