4 Chapter 2

Naging masaya din naman ang pagsasama namin ulit ni tyrone hindi ko na inopen ang topic tungol sa concert niya kasi naniniwala ako sa kasabihang past is past... Kung ano man ang aking nakita noon ay kinalimutan kuna sa aking isipan ngayon ngunit hindi na siguro mabubura pa sa aking isipan ang nangyari sa akin ng gabing iyon. Hindi ko narin sinabi sa kaniya ang tungol sa pagkalaglag ng magiging baby sana namin... Masakit para sa akin ang nangyaring iyon sa akin. Wala akong karamay, wala akong mapupuntahan, wala akong makakausap tungol sa aking problema.. mabuti naman at hindi iyon naging dahilan para ma depress ako.. Piro masakit parin.. Wala akong ganang pumasok sa nangyaring iyon kaya buong summer class ay hindi ako pumasok. Iyak lang ako ng iyak.. Hindi ko rin poyding sabihin sa aking mga magulang dahil ayaw kong mamoroblema pa sila.. Hindi din nila alam kong anong katarantaduhang ginagawa ko dito sa manila basta ang alam lang nila ay nag bibigay ako ng malaking grado at sapat na iyon sa kanila at satingin ko ay hindi din ako magiging mabuting ina dahil hindi pa ako handa. nais kong makapagtapos muna bago pumasok sa ganong sitwasyon.. Nag tataka siguro kayo ngayon kong bakit nangyari ito sa akin kong ang nais ko pala ay makabagtos at mag karoon nang magandang buhay... will... Yun nga... Mahal ko siya at mahal niya ako... Nadala kami sa tukso.. Nadala kami sa aming damdamin kaya ganon.. Kagaya nang dati ay hindi kami open sa lahat, hindi man alam nang kaniyang mga fans o kahit sa manager niya at lease I know to myself that we love each other. Hindi naman namin kailangan na isigaw pa sa buong mundo ang aming relasiyon dahil sapat na sa amin ang mga importanting tao gaya ng aming mga pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa aming relasiyon at mas gugustohin pa naming maging ganito kay sa malaman pa ng iba at maraming issue's na haharapin.. Hindi ito secret relationship but it's private..yung ganon...

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa aking study table nag babasakaling may pumasok sa aking utak habang nag babasa ngunit kahit anong pilit kong

Pag aaral hindi talaga yata gumagana ang aking utak. Nang lingunin ko ang aking relos dun ko lang nalaman na mag aalas dies na pala kaya napag didisisyonan ko nang mag ligpit ng aking mga gamit at dumiritso na sa banyo upang makaligo, nang matapos ang lahat ng orasyon ko ay nilabas ko na ang aking cellphone upang makapag text kay tyrone

*Compose message*

Me: hi!!babešŸ˜šŸ˜ busy??

*Message send*

Ilang minuto pa nang makatanggap ako ng reply galing kay tyrone

*Message from Babeā¤ā¤*

Babe: slight

Ang ikli naman para sa ilang minutong maghihintay. Nakasimangot kong binasa ang kaniyang message at nag type para sa panibagong message nag babakasakaling humaba pa ang aming oras

*Compose message*

Me: ganon? Hindi na ako busy ngayonšŸ˜Š hehehe kakatapos ko lang mag aralšŸ˜Š what are you doing now?

*Message send*

Ilang minuto nanaman bago siya nag reply.

*Message from Babeā¤ā¤*

Babe: nandito ako sa studios ngayon nag paparactice for my new song para sa album. You should rest now may pasok kapa bukas.

*Compose message*

Me: it's already late... You should rest too.

*Message send*

*Message from Babeā¤ā¤*

Babe: yeah.. Maybe later after this.. Ayaw pang umuwi ng manager ko eh.. But don't worryšŸ˜Š uuwi din ako after thisšŸ˜Š good night

*Conmpose message*

Me: okay.. Good night babe... I Love Youā¤ā¤šŸ˜šŸ˜šŸ˜

*Message send*

Sinadya ko talaga ang maraming puso para maganahan din siya hahahahaha...

*Message from Babeā¤ā¤*

Babe: I Love you

Pagkatapos kong mabasa ang kaniyang reply ay nahiga na ako sa kama na may ngiti sa aking labi

*KĀ  Ā Ā  IĀ  Ā Ā  NĀ  Ā Ā  AĀ  Ā  BĀ  Ā Ā  UĀ  Ā Ā  KĀ  Ā  AĀ  Ā  SĀ  Ā  AĀ  Ā Ā  N *

*titit..... Titit.....titit....titit.... Titit....*

Alarm clock yan... Wag kayong anošŸ˜…

Pagkagising ko ay kinse minutos nalang para mag alas siyete kaya dumiritso na ako sa banyo para makaligo. Tamang-tamang alas siyete na ng ako'y makabihis sa aking uniform kaya nasisiguro ko na na ako ay late plus lalakarin ko pa dito patungong skwelahan kaya sobrang late ko na talaga para sa first subject ko...

Kasalukuyan akong nag lalakad sa building patungong forth floor tahimik na at wala ng estudyanting nag lalakad dito sa pasilyo maliban sa akin. Nang ako ay papalapit na sa classroom ay dinig ko na agad ang bunganga ng aming professor sa tingin ko ay galit na naman ito kaya paniguradong mapapagalitan na naman ako.

"knock....knock...knock..."

"Good Morning sir.." Bati ko agad sa kaniya ng ito'y lumingon sa aking pag katok. Nabigla ako ng may isang bagong mukha sa harapan. Hindi naka uniform, maganda, mataas ang kaniyang mga buhok na nakalugay, may mga kolorete, matangkad, payat at maputi... sa kaniyang pustora ay masasabi kong may ibubuga ito sa buhay.

"Why are you late?? Again Ms. Salazar?? " may diin talaga sa pagbigkas niya ng again sa pag sasalita kaya midyo napapahiyang yumuko ako sa kaniya.. Midyo lang naman.

"Because... I'm not early sir that's why I'm late"

"Ha!! Nagawa mo pang maging pilosopo ano? Kahit late..." May diin nanaman ang kaniyang pag sasalita sa huli.

"Sorry sir.."

"Go to your seat"

"Thank you sir.." Sinsero kong ani sa kaniya at dumiritso na sa aking upuan.

"Please continue" dinig kong ani ng aming professor sa bagong mukhang nakatayo ngayon sa harap. tinuon ko nalang duon ang aking attention sa harap.

"Again... My name is Mialene Lapastangan-" na tigilan siya sa kaniyang pagsasalita ng matawa ako hindi naman malakas ang aking tawa hagikhik lang at pilit pang hindi matawa malakas lang talaga ang kaniyang pandinig. hindi ko mapigilan ang aking sarili.. Masiyado siyang maganda para sa kaniyang apelidong LAPASTANGAN hahahahahaha.... Ngunit duon ko lang napagtantong nakatingin pala ang lahat sa akin..

"Yes???" Tanong sa akin ni Mialene na may tunog pag tataray habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay

"Nothing" nalang ang aking nasagot

"I'm from Cebu, studied at UC" pag papatuloy niya habang nakatingin ng masama sa akin.

"Okay, thank you ms. Lapastangan.. You may seat at the back after the chair of ms. Salazar" aniya ng aming professor

"Thank you sir" at nag simula na siyang mag lakad papalapit sa akin.

DISCUSS..

DISCUSS..

DISCUSS..

"RECESS.."

Hindi na ako bumaba pa sa canteen dahil may fifteen minutes break lang naman kaya ginugol ko nalang ang aking sarili sa pag babasa.

"Hello mom...."

....

"I'm fine here."

Hindi ko inakalang nandito din pala si mialene kaya imbis na magbasa ay nakinig nalang ako sa kanya na may kausap sa kanayang telepono.. Kasalukuyan siyang nakatayo patalikod sa akin malapit sa pangalawang pinto duon sa dulo ng mga upuan. I'm not sure if she knew that I am here too.

....

"I don't want to stay there... I prefer to find a cheap apartment than staying with tita.."

Midyo malakas-lakas ang kaniyang boses kaya nasisiguro kong hindi maganda ang kanilang pinag usap.hindi ko man nakikita ang kaniyang mukha piro nasisiguro kong nakakunot na ang kaniyang mga kilay ngayon dahil sa galit.

...

"I don't care..... I just don't want to stay there."

At pinutol na niya ang tawag. Sa paglingon niya ay agad nag tugma ang aming paningin. Binigyan niya ako ng isang nagtatanong na tingin kaya nahiya ako dahil nahuli niya ako.

"Sorry, it's not my intention to listen." Sabay baba ng tingin sa librong hinahawakan ko.

"Whatever" sabay labas.

Ba't ba sobrang taray nang isang iyon? Hindi ko naman inaano yun ah.. Sampit ko sa aking sarili at nag basa nalang ulit.

DISCUSS...

LUNCH BREAK...

Pababa na ako patungong canteen ng namataan kong nasa likod ko si mialene kaya sinadya kong nag pabagal upang mag kasabay kami.

"I heard that you are looking for a place to stay." Panimula ko

"Of course you heard that..." Mataray parin siya

"Look, I just want to help... Hindi naman masama ang tumulong diba??"

"So???"

"May alam akong matitirhan mo... Para siyang condominium piro apartment yun. Duon ako nakatira.. Five thousand a month kong gusto mo duon kanalang sa akin para hati nalang tayo sa babayaran monthly.. Maganda duon completo sa gamit may ceiling fan, refrigerator, stove, may tatlong kwarto piro iisa lang ang banyo, malinis duon at maganda..

"So... You're saying na makikitira ako sa iyo?"

" hindi naman sa nakitira ka lang kasi nga hati tayo sa babayaran.. And besides mahirap makahanap ng apartment ngayon especially yung mumurahing apartment.. Wala kanang makikitang five thousand a month na apartment ngayon at malapit lang dito sa school na poyde lang lakarin.." Nag babasakaling pumayag para narin mabawasan ang aking mga gastosin..

"What about groceries?" Ani ni Mialene

"Bumibili ako para makatipid piro kapag duon ka titira ay dapat may schedules tayo about that."

"Pag iisipan ko pa muna." Tipid niyang sagot na para bang hindi intirisante sa aking sinasabi at nagpamaunang naglakad pababa. Napahinto ako dahil sa kaniyang sinasabi. Hindi makapaniwala sa kaniyang sagot.

Seryoso ba siya?? Ang ganda ganda na ng aking offer tapos yun lang ang sasabihin niya? Wow!!! Just Wow!!! Na sa ganong sitwasyon ako ng maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone.

*Message from Babeā¤ā¤*

Babe: We have a Family dinner later.. punta ka babe ha..kukunin kita nang around six.šŸ˜ā¤ love you

*Compose message*

Me: okay babešŸ˜ love youā¤ā¤

*message send*

Napangiti ako ng mabasa ko iyon. Nabura ang lahat ng pag-iisip ko dahil sa kaniyang mensahe kaya bumaba ako patungong canteen na may mga matatamis na ngiti sa labi. Pag dating ko duon ay nakita ko agad sina kim, mech at Ernest na nakaupo na sa aming table sila ang matatalik kong mga kaibigan sila lang din ang may alam tungkol sa amin ni tyrone. Nakilala ko sila noong grade eleven, pariho kaming mag kaklase piro matagal na silang nag-aaral dito samantalang transferee ako noon. Sa aming apat ako lang ang naibang section ngayon. Magkakasama parin sila hanggang ngayon kaya midyo naiingit ako dahil mas marami silang oras na magkasama samantalang ako ay walang kaibigan sa aming section. May kayumangging balat si kim, matangkad ngunit mas matangkad ako sa kaniya ng kaunti, 5'7 ako habang 5'5 naman si kim, Fashionista mahilig sa mamahaling mga gamit gaya ng Victoria secret, maganda ang hubog nang kaniyang katawan... Isa din siya sa mga model's dito sa school every time na may mga competition or anything na bibisita kami sa ibang school's ay sila ang magiging face's namin. Samantalang si mech naman ay ka kompetinsiya ko noong grade eleven. Piro sa aming dalawa ay siya palagi ang representative sa section namin ng quiz bee or debate, hindi gaanong matangkad, my eye glass na wala namang grado.. Sabi niya pa ay para lang daw iyon sa radiation para hindi masira ng tuluyan ang kaniyang mga mata sa aming apat ay siya ang pinakamatalino, hindi din madamot sa answer's every time na may quizzes, oral recitation or exam kami.... In short siya ang savior namin habang si Ernest naman ang baklang madaldal.... Sobrang daldal piro tatahimik lang kapang may recitation.. Ganon yun... Midyo mataba kaya walang liig piro hahaba ang kaniyang tinatagong liig kapag exam.. Siya ang talented sa aming apat dahil kasama siya sa dance club at glee club bawing-bawi sa kaniyang academic performance.

"Ang tamis ng ngiti natin ah..." Panunukso ni Mech sa akin

"Hmmmm...." Ngiting abot tainga kong tugon sa kaniya

"Hanggang alas tres lang tayo ngayon diba?? Mall tayo after class" aniya naman ni Ernest habang kinukuha ang kaniyang mga gamit sa table upang mailagay ni kim ang aming lunch.

"Ano to? Sponsored by miss kim?"

"Sino pa ba?" Sagot ni kim sa akin

"So... Sasama ka??" Tanong ni mech sa akin

"Hindi ako sure eh..my dinner kami ni tyrone." Kinikilig kong ani sa kanila

"Ayon naman pala... Kaya ang tamis-tamis ng mga ngiti ni madam." Sagot ni Ernest

"YeahšŸ˜šŸ˜šŸ˜" nalang ang aking sagot at nag simula na kaming kumain..

Pag katapos naming kumain ay niyaya ko na silang bumalik sa classroom malapit na din kasi ang oras ng klase kaya napagdesisyonan na naming domiritso nalang sa aming classroom.. Pag dating ng third floor ay nag paalam na silang tatlo dahil doon ang kanilang assign classroom habang na sa forth floor palang ang sa akin. Nasa hagdanan ako pa akyat ng mamataan kong pababa naman si teo.. Hindi niya ako na kita kaya nilampasan lang niya ako wala din naman akong ginawa kong di tignan siyang pababa habang nilalampasan lang ako.

Ano naman kaya ang ginawa non dito sa senior high school building??? Taka kong tinignan ang kaniyang likuran habang palakad papalayo. t'saka ko nalang binalik ang aking paningin pa akyat ng hindi ko na matanaw si teo.. Saktong-sakto ang pag dating ko ng dumating din ang aming professor. Agad akong lumapit sa aking upuan, tanaw ko roon na kompleto na ang aking mga classmates kaya umupo na lang ako agad..

"Good afternoon Ms. Ocampo" sabay-sabay naming bati sa aming professor habang naka tayo at yumuko pa sa pag bati. Kilala si Ms. Ocampo bilang isang terror na teacher. Ayaw niya nang maingay sa kaniyang klase, ayaw niya ng bastos na estudyante, ayaw din niya sa mga late at mas lalo-lalong ayaw niya sa mga bobo.... Dapat lahat nang tanong niya ay sinasagot mo walang labis walang kulang, ayaw niya sa mga pabida at sipsip na estudyante. Kapag nag didiscuss siya ay dapat nakatuon ang buong attention mo sa kaniya.. Ayaw niya ng may nag susulat habang nag didiscuss gusto niyang nakikinig lang kami at palaging naka eye contact.... ganon siya bilang isang guro. Hindi pa naman siya matanda piro ang ugali niya ay parang menopos na, palaging galit at never naging masaya ganon siya kaya lahat kaming mga estudyante ay tiklop kapag kaharap siya.

"Good afternoon, have a sit" kitang-kita ko ang pag lakbay ng kaniyang paningin. tinitignan kong may absent ba o wala at nang dumapo ang kaniyang paningin sa aming direksiyon ay huminto ito sa aking likuran alam ko na kong ano ang susunod niyang gagawin.

"You're new.." Hindi iyon patanong ngunit pag didiklara iyon.

"Yes ma'am" pormal na sagot ni mialene

"Introduce yourself then." Sabay lahad ng kaniyang kamay na nag sasabing pumunta siya sa harap.

Parang napipilitang tumayo si mialene "I've been introducing myself for a hounded times in one day ma'am my classmate's already know me."

Shit... Ang tibay talaga ng babaeng to.. Hindi niya alam kong anong klaseng professor ang kaniyang kaharap ngayon.

Kitang-kita ko kong paano nag bago ang reaction ng mukha ng aming guro. halatang hindi nagustohan ang kaniyang sagot.

"Remain stand up" aniya ng aming guro ng umastang uupo si mialene.

"Give me the complete name of our national hero." Tanong ni ms. Ocampo habang nakatingin kay mialene habang si mialene naman ay may pag tatakang tingin sa kaniya..

"Ma'am?" Tanong nito

"We don't use MA'AM here... We used MS. and SIR for greetings" nauubusang pasensiyang sagot ng aming professor.. "Again...give me the complete name of our national hero"

"Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Ms."

"Wrong..."

"What?? Pag poprotesta niya pa..

"Ms.???" Ani ni ms. Ocampo

"Lapastangan ms."

"Ms. Lapastangan.. If they did not teach you about manners in your past school then don't you dare bring here your bad attitude.." Pasinghal na ani ni Ms. Ocampo "you have no manners... Apelyedo palang ay disrespectful na." Namumula na siya dahil sa galit. Nakatingin lang si mialene sa kaniya na may pag tatanong halatang hindi alam kong ano ang kaniyang ginawa.

"Doctor" palihim kong bulong sa kaniya.

"Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Ms." Pag kukompirma nito

"Give me one of his books?" Dagdag pang tanong ng aming guro

"Noli Me Tangere Ms."

"and what's the meaning of Noli Me Tangere?"

"Noli Me Tangere was from the gospel of San Juan Bautista and it mean of Huwag mo akong Salingin. He got an idea to wrote this novel by reading the Uncle Tom's Cabin writen by Harriet Beacher Stowe. this story is all about of being slave of the blackamoor of the hands of the white american. Mr. Harriet Beacher Stowe shown how they face the struggle's and how helpless of the blackamoor that time, they do discriminate them before-" naputol ang kaniyang mahabang sagot ng tinaas ni Ms. Ocampo ang kaniyang kaliwang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita.

"I said what's the meaning of Noli Me Tangere I didn't ask about that, your not following instruction." Galit paring ani ni ms. Ocampo

"Whatever" sagot ni Mialene ngunit hindi iyon malakas sapat lang ang lakas para marinig naming nasa malapit niya. Natawa nalang ako sa aking isipan dahil sa pagiging bastos niya.

"Sit down" ani ni ms. Ocampo kay mialene.

"Thank you Ms." Sabay upo.

"Again.. I don't like those kind of student" habang tinuturo niya si Mialene. "Kaya kung gagaya kayo sa kaniya ay wag na kayong mag-aral dahil bagsak na kayo agad." Tinitignan niya kami isa-isa.. "Ms. Salazar... I guess you have a friend now." Sarcastikong ani niya sa akin. "Kong sino pa yung mga transferee's ay yun pa ang mga sakit sa ulo ng mga teachers."

"Tsssk.." Sagot ko sa kaniya ngunit hindi niya iyon narinig kaya pinag patuloy nalang niya ang kaniyang discussion.

"What subject is this?" Pabulong na tanong ni Mialene hindi ko alam kong sino ang kaniyang tinatanong natatakot din akong lumingon sa kaniya dahil kasalukuyang nag didiscuss si Ms. Ocampo sa harap ngunit wala akong narinig na may sumagot sa kaniya.

"Rizal" sagot ko nalang sa kaniya Hindi niya ako sinagot kaya lumingon ako sa likuran upang makita siya.

"Yes... Ms. Salazar?" Tanong sa akin ni Ms. Ocampo

Shit...ang bilis talaga nang paningin nito.

"Nothing Ms."

"Stand up....What year did Dr. Jose Rizal started to wrote his novel Noli Me Tangere?" Tanong niya agad "mukhang may iba kang kinakaabalahan diyan Ms. Salazar"

"Nothing Ms."

"Anong nothing? Walang taon kong kailan isinulat ni Dr. Rizal ang noli me tangere... Ganon??" Galit niyang ani

"No Ms. I mean... Dr. Rizal started to wrote Noli Me Tangere at the year of 1884 in madrid while studying medicine Ms."

"Did I ask about the place huh...??" Singhal niya

"No Ms." Yan si Ms. Ocampo dapat ay isang tanong isang sagot... Alam ko rin naman na itatanong niya yan sa akin maya-maya kaya inunahan ko na siya sa pag sagot hehehehhe....

"Sit down"

"Thank you Ms." At nag tuloy-tuloy na siyang dumiscuss

DISCUSS...

DISMISSAL...

"Kailan pa nag karoon ng Riza Subject sa grade twelve?" Tanong ni Mialene habang nag liligpit nang kaniyang mga gamit. Nilingon ko siya dahil sa pag ka bigla.. kong kanina ay sobrang taray niya sa akin ngayon naman ay sobrang friendly... Wew...

"Subject yun ng first year college piro nilagay nila sa senior high para maging advance daw tayo.." sagot ko sa kaniya habang nag liligpit din nang gamit.

"Thank you pala kanina... Hindi ko talaga alam kong anong amats nang gurong yon." Ani niya

"Wala yun hehehehe... Ikaw kasi eh.. Hindi mo nilagyan nang doctor... Pinag hirapan pa yun ni Rizal sa ibang bansa para maging doctor tapos kinalimutan mo..hahahaha baka magalit yun at multuhin ka pa." Biro ko sa kaniya piro parang walang nangyari... tinignan lang niya ako na para bang walang narinig na joke.. Weird

"I have to go.... see you tomorrow then" nang matapos siyang magligpit ng gamit

"Sige... Yung offer ko nga pala sayo sana mapagisipan mo nang maayos."

"Yeah sure.. bye" sagot niya habang unti-unting naglalakad pa labas ng classroom. Tinitignan ko lang siyang papalayo sa akin t'saka ko tinuloy ang pag liligpit ng mga gamit ko nang hindi ko na siya matanaw pa sa sabas.

Tuloy-tuloy ang pag baba ko patungong third floor hindi iniinda ang presensiya ng maraming estudyante. Tamang-tama sa aking pag dating ang pag dismissal nila.

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong sa akin agad ni kim

"Mag peprepare pa ako para sa dinner eh.." kahit ang totoo ay may damit na akong naiisip na suotin... Tinatamad lang talaga akong gumala ngayon masiyado akong maraming assignment para maisipan pa yang pa mall mall nila.

"Ganon? Piro next time sama ka ha??" Ani ni mech

"Half day tayo every Friday so... Game ka?" Aniya naman ni Ernest

"Sige... Sasama ako that time" marami pa ang napag usapan namin habang pababa patungong gate. Napag usapan din namin ang paparating na intramurals next month. Excited nanaman si mech para sa debate, nag paplano na din si kim sa kaniyang gown para Ms. Intramurals kahit ang totoo ay palagi lang naman siyang panalo duon habang si Ernest naman ay nag sisimula na silang mag practice ng sayaw para sa performance nila sa intrams at ako ay player ng chess na hindi na dapat prene-prepare pa..

"Sinong representative niyo sa debate glace?" Si mech

"Sa Ms. Intrams?" Pang-uusisa nila sa akin

"Di pa namin na pag-usapan sa classroom ang tungkol sa intrams eh.."

"Sabihin mo sa amin kong sino-sino ang magiging representative ninyo ha..." Ani nanaman ni mech

"Sige" nang makalabas kami sa gate ay tanaw na agad namin ang nag hihintayang sasakyan nilang tatlo.

"Kuya, hindi pa ako uuwi eh... May pupontahan pa kami. Hintayin niyo nalang kami dito" pinapakiusapan nina Ernest at mech ang kaniyang driver dahil napag usapan nilang sasakyan ni kim ang kanilang gagamitin patungong mall..

"Alis na kami glace.." Si Ernest

"Ihatid kana namin sa inyo" presenta ni kim

"Ayos lang... Ang lapit-lapit lang ng bahay ko lalakarin ko nalang" nakangiti kong tugon

"Sure ka? Madadaan din naman namin ang sa inyo kaya sumabay kana"

"Okay lang." Pag kokomperma ko sa kaniya

"Sige ha!!! Alis na kami... Bye" si Mech

"Sige, ingat kayo"

"Take care always glace" si kim

"Kwento ka bukas tungol sa dinner bakla ha.." Si Ernest

"Sige...sige.." Tatawa-tawa kong sagot sa kanila. T'saka ako nag simulang mag lakad pauwi nang maka alis sila. Ilang minuto lang ng makarating ako sa aking condo na parang apartment lang din.. Sabi kasi nang matandang namamahala dito sa building noong una ko pa dito ay condominium daw ito. Syempre dahil tayo ay probinsyana ay walang ka alam-alam kaya kinuha ko na ito kasi hindi naman kamahalan piro nang sa sumunod na buwan palang ng malaman kong monthly payment pala ito... Inshort apartment kaya ayon...

Humiga ako agad sa sofa dito sa salas para maka idlip man lang nag kaunti mamaya pa naman nang alas seis ang alis namin ni tyrone.

....

Nagising ako nang marinig ang ingay sa aking cellphone dahil sa tawag.

"Hello?" Nakapikit parin ang aking mga mata nang sinagot ang caller na hindi ko alam kong sino.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo.. Ready kana? Nandito na ako sa baba." Napabalikwas ako ng pag bangon dahil sa aking narinig. Tinignan ko kong sino ang caller at hindi nga ako nang kamali si tyrone nga iyon.

"Ha??" Nalang ang aking nasagot

"Bakit?" Nag-aalala niyang tanong "hindi kapa ready? Mag aalas seis y midiya na ah.." At duon ko lang nakita ang aking relos at tama nga siya mag sisix thirty na at hindi pa ako bihis.

"Give me five minutes okay..." At binaba na ang tawag. Dali-dali akong naligo at nag bihis. Pag katapos kong mag bihis ay duon ko lang na realize na masiyadong kulang ang five minutes na hiningi ko sa kaniya. Kulay puting sleeveless simple dress na hanggang heel ko ang aking suot ngayon bigay sa akin ng ate ni tyrone noon galing germany at nag lagay din ako ng light makeups at two inches heels kasi matangkad na ako kaya hindi ko na kailangang mataas na takong. Pag kalabas ko ng bahay ay agad bumugad sa aking harapan si teo.

"Hmmmm... Hi!!!" Panimula niya habang nag kakamot sa saniyang noo patungong batok halatang nahihiya..

CutešŸ˜Š heheheheh..

"Hi!!" Sagot ko

"here." Sabay lahad niya ng isang pagkaing naka lagay sa tapper ware.

"Ano to??"

"Food, it's my mom's birthday at pinadalhan niya ako ng pagkain but it's too much for me so.. Sayo nalang ang iba." Tinanggap ko iyon.

"Mukhang masarap ah.."sabay ngiti ko sa kaniya

"Masarap yan... Luto ng mommy ko.."

"Ipasok ko lang muna to at huhugasan tong tapper ware para ma suli ko agad sayo."

"You can do that later mukhang may lakad ka eh.." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa T'saka ko naalalang nag mamadali nga pala ako.. Shit..

"Yeah, oo nga.." Dali-dali akong lumingon patalikod para buksan ang pinto ng bahay ngunit nahagip nang aking mga mata ang taong nakatayo ngayon sa pasilyo. Hindi niya nakasanayang umakyat nito sa itaas dahil ayaw niyang nag entertain sa mga tao dito kaya duon lang siya palaging nag hihintay sa parking lot sa baba kapag nag hihintay.

"B-Babe...."

avataravatar