webnovel

How To (Not) Love A Bad Boy? ||VSOO|| [SERIES#1] On-Going

What if in her first love it ended up with a playful person, how can she handle the relationship between the two of them? Is it fate that she made or her own heartbeat with the man she love? Will she be able to?

AngelAlwaysSweet · Teen
Not enough ratings
5 Chs

。◕‿◕。Transfer。◕‿◕。

How to (not) love a badboy?

[Transfer]

Sa lahat ng school. Elementary, High school at College man yan merong transferee. Iba-iba ang dahilan ng paglipat ng mga ito.

Sa iba dahil sa 'paghahanap ng bago at huwarang kaibigan', 'dahil sa bully', 'pakiki-isa' at 'paglipat ng bahay'

Pero yung sakanya ay ang pagiging 'Basagulera' sa school nito. Hindi man halata sa itsura pero ganun siya, ika nga nila sa loob ang kulo.

"Sana ito na ang last na school na lilipatan ko"saad ni Bianca habang tinutungo ang magiging classroom nito.

Ito na nga ba ang Last? o dito pa mas magiging malalà?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bianca POV [Jisoo]

Habang tinutungo ang magiging bago kung classroom sa bago kung paaralan mas lalo akung kinakabahan na ewan.

Para akung naiinis, naiirita, at natatae. Joke, naiihi lang po.

Nasa second grading na ako napasok dito dahil sa gulo na ibinigay ko sa una kung school. Napagdesisyunan ng parents ko na ilipat na naman ako sa bago, baka daw dito ako titino sa pagiging basagulera ko.

Lahat ng pinasukan kung paaralan sikat at sikat din ako sa pagiging 'basagulera' maamo at mabait ang itsura ko kung titingnan.

Pero take note iba ako sa kaloob-looban. Sa totoo nga friendly type of person ako ehh... medyo may hiya-hiya din ng kaunti, maamo ang mukha at ang pagiging mabait ko, pero nawawala ang mga iyun sa tuwing nauunahan ako ng mga sira-ulo. My face will turn to be a demonic yung hindi mo makalimutan hanggang sa pagtulog mo chaka.

I have a lot of friends in school but hindi yung mga famous na akala mo kung sinong mga anak ng mayayaman meron namang mga utang. Sabihin nalang natin na mga great conscious nerd sila at sila ang dahilan kung bakit ang mga grades ko naging line of '9' dati kasi ng hindi pa ako masyado naging malapit sa kanila ang grades ko '7 or 8' masaya na ako pagmeron akung '8' na grades kasi mataas na para sakin yun.

Pero nagbago yun sa isang iglap simula ng makilala at makasama ko na sila.

Sa tuwing araw ng card day parang ayaw kung papuntahin sina mom at dad dahil sa mga grades kung palakol.

Yung pinakamababa '75' yung mataas '86' okay at kuntento na ako sa ganun pero nagbago yun simula ng mahawaan ako ng mga masisipag na estudyante sa library. Minsan kasi akung pinalinis doon bilang punishment sa pakikipag-away ko nga! Kita ko na parang nage-eenjoy sila so... nagpa member ako.

Naging matalik kung mga kaibigan sa tuwing free time at doon ang puntahan ko bago umuwi ng bahay.

Dahil din sa kanila marami akung naging records sa school nakasuntok sa ganitong lalaki, nakasabunot sa ganyang babae, at nakapaiyak sa isang maarteng bakla. Sino nga ba ang hindi maiinit ang ulo doon kung kayo ng mga kaibigan mo nanahimik sa gilid tapos bigla silang mang-aasar.

Dahil hindi ako makapagtimpi at hindi masyadong mahaba ang pasensya ko lumalanding ang kamao ko sa mga bunganga nila. Maraming times na din akung na guidance at marami ding times akung nasesermonan sa bahay.

Paano ba naman kasi nag-iisang anak lang ako pero hindi ibig sabihin nagpapa-spoil ako kina mom at dad.  Kahit kasi may kaya kami, pinalaki ako ng mga magulang ko na merong disciplina at respeto sa kapwa.

US navy si dad at engineer naman ang mommy ko meron kaming kaya sa buhay kaya nakakapasok ako sa magagandang schools.

Magaganda kasi maraming times na ako nalipat at sana nga last na ito...

Pero isa lang ang hinihingi sakin ng magulang ko ngayon na nilipat na naman ako sa panibago.

Ang wag na daw makipag away...

Hindi ko naman alam kung kaya kung gawin yun dahil nga hindi naman ako makapagtimpi minsan.

Haysstt...paano na kaya tuh?

Paano ko masusuklian ang magandang loob na binibigay ng parents ko sakin? Kung madali akung mainis at mairita. Dahil bago na naman ako dito hindi ko alam kung ano ang takbo ng buhay ko sa loob ng classroom kung magiging madre kaya ako o magiging demonyeta pa lalo.

Maraming tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon habang tinatahak ang magiging classroom at makilala ang mga bagong kaklase. Sa dami ng tanong ng isip ko hindi ko alam kung ano ang uunahin kung itatanong.

Bahala na nga!

Dahil second grading ako napasok it's my first time na mapadpad ako sa class A. No doubt dahil mataas na ang mga grades ko, sabi nga sakin ng registrar officer nasa panghuli sana akung section kaso matataas ang mga grades ko. Kaya kahit 'basagulera' ang laman ng registration papers ko, wala silang magagawa kundi ang ilagay ako sa class A.

Kumatok ako sa pinto bilang pag-agaw sa guro naming nasa harap. "Good morning, Mrs. Johnson,"ngumiti siya sakin at pinaypayan niya akung pumasok sa loob.

Sinunod ko naman yun kaagad. "Kanina ka pa namin hinihintay Hija, introduce yourself to everyone."napahawak ako sa strap ng bag ko ng mahigpit habang tumatayo sa harap ng lahat.

"Good morning everyone I'm Bianca your new classmate here in section Class A."malumanay ko kunong sabi sa harapan nila.

Wag magpadala sa mababait na mukha demonic inside yan, like me haha..

"Nice to meet you Bianca, choose your sit now and I will continue my lessons."nakayuko kung tinahak ang likod na part ng upuan kung saan merong dalawang vacant sits doon.

Ayos! solong-solo, meron ako at meron din ang bag ko. Mukhang lucky day ko tuh ahh sunod-sunod na sana...

Nilabas ko ang notebook na may pangalan ng subject namin at first class pala namin ay English.

Tindi makagulo ng utak. Ang saklap kung susundan ito ng math.

Nakinig ako sa teacher namin kahit na-aantok at gusto ko sanang matulog dahil napakamalumanay ng boses ng teacher namin para siyang Ibong Adarna na nakaka-antok kapag umaawit kaso ang pinag-kaiba si teacher namin nagsasalita lang hindi umaawit.

Mahabang discussion din ang pinakawalan ng tatlong teachers samin bago din kami pinakawalan para mag meryenda, kaya ang buong klase pagkarinig ng tunog ng bell tudo sukbit na sa bag at kanya kanyang labas ng classroom kasama ang mga kaibigan.

Sa bagong paaralan, bagong kaibigan din ang kailangan kung tunghayan.

Pero mukhang malabo yata mangyari yun dahil meron silang kanya-kanyang grupo, ako wala. Sa una kung school kahit sino kung makapag-asta na kung sino ang mayaman never nagkakaroon ng grupo to make a friends lahat kami welcome kaya nakakamiss din sila, pero hindi ko sila bet lalo na sa ugali.

Iba kasi ako maghanap ng totoong kaibigan at hindi totoo na kaibigan.

Iba nga naman talaga pag nasa mas sikat ka na school nag-aaral kasi mukhang dito ko masasabi na akala mo kung sino ang umasta na parang may malaking katumbas na pera ang hinahawakan, dito kasi pinapanindigan talaga nila ang pagiging mayaman.

Lumabas ako na nag-iisa habang tinutungo ang gawi ng Cafeteria nila.

"It's a new student bro? it's so beautiful."

"Her white and smooth skin, oww! my! look I will approach here."

Mga naririnig kung salita habang bumababa ng hagdan, natawa ang isip ko doon sa maganda ewan ko, basta! natatawa lang ako.

Hindi ko sila pinansin at hinayaan nalang ang mga parinig.

Kaso mukhang feeling close ang mga lalaking 'to ehh. "Hi! miss beautiful, what is your name can we know?"englishero pala.

"No,I can't!"sagot ko with matching taray sa kanilang tatlo at umiwas ng daan. "Sungit mo naman."walang hiya nagtatagalog din pala? E-english englishin pa ako kanina marunong din naman pala magtagalog.

Punyeta!

Happy reading

Vote and comment

Is

Highly Appreciated

I love you all!

(。♡‿♡。)

Free to comment your thoughts here--

Vote, Comment and Share is highly appreciated.

Free to comment by paragraph guardians.

And by the way this is also available on wattpad just search my username AngelAlwaysSweet and also call me Ate Guardian, thank you. Mwauhhh

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

AngelAlwaysSweetcreators' thoughts