1 Prologue

Kasabay ng pagpatay sindi ng ilaw sa bar ay ang pagpatay sindi rin ng telepono ng babaeng nakatabi ko dito sa counter;

Sino ba 'tong babaeng 'to? Kanina pa panay nang ring ang telepono niya, dapat ba makielam na ko?

maya-maya lang ay pagewang-gewang na tumayo ang babaeng kanina ko pang pinagmamasdan,

"kakanta ko!"sigaw niya habang paakyat sa entablado napailing na lang ako habang tumatawa iba talaga ang tama ng alak, nakapagpapalakas ng loob...

"Yes may jammingero tayo ngayong gabi!!!"masayang bungad ng bokalista ng banda sa kanya,

"Anong pangalan natin miss?" sabay akbay ng lalaking bokalista sa kanya.

"Natin? HAHAHAHA 'wag nga ako sasabihin mo natin pero 'pag umasa na ko sasabihin mo joke lang walang tayo, walang natin!"

Uyyy.. may paghugot ...napahiyaw naman ang mga tao habang tumatawa sa sinabi niya, halatang napahiya ang isa kaya naman agad niyang iniba ang usapan.

"so ano nga po ang pangalan niyo ate?"

"Kapatid ba kita? May anak na naman si papa sa labas?" kung kanina ay hiya ngayon naman ay inis na ang mababakas sa mukha ng bokalista. Mukhang lahat ng the moves niya ay 'di uubra sa babaeng ito.

"Joke lang, Neria..,Ne,Ri,ya. Ang pangalan ko, Nei for short"

nakangiting sabi niya , napatahimik na lang ako sa pagngiti niya...

totoo ba ang love at first sight?

-----------

Sa pagbuhos ng ulan ay lalo kong nararamdaman ang kalungkutan at matinding sakit, kasabay rin nito ang pagsampal sa'kin ng katotohanang hindi siya kailanman magiging akin,

Paano na ako? Sa pagtama ng liwanag ng kidlat sa mala-anghel niyang mukha ay ang pagsikip ng dibdib ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata, paano mo nagawa ito sa akin?

Hinaplos ko ang aking katawan, naramdaman ko ang makapal na tela ng suot kong t-shirt, t-shirt...bumaba ang aking kamay tungo sa aking hita, naramdaman ko ang maong na tela ng suot kong pantalon, pantalon..

Napapikit ako sa sama ng loob at sa galit. Bakit ko hinayaang mawala ang sarili ko para sa kanya? Humagulgol lang ako sa sakit na patuloy na dumadaloy sa buo kong pagkatao kasabay nang walang humpay na pagbuhos ng ulan.

"Nei, pumasok muna tayo sa loob."

Iling lang ang naisagot ko sa kanya...hayop ka.

"sabihin mo, ano pa ba ang kulang sa'kin? Ano pa ba ang mali? Ano pa ba ang hindi sapat?" hindi ko matanggap, hindi ko maintindihan. Bakit ito nangyayari?

"akala ko..." may pag-aalinlangang sabi ko habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha at pagpatak ng malalaking butil ng ulan sa aking katawan.

"hindi.." pagpapatuloy ko, "naramdaman ko eh, sigurado ako. Mahal mo ako pero bakit? Bakit hindi ako?"

Minasdan ko siya at pilit kong binabasa ang blankong emosyon sa mukha niya.

"Nei, basang-basa ka na. puma--"

"wala ka na bang ibang sasabihin ha?! Sagutin mo ko! Bakit hindi ako?!"

Kumidlat nang malakas kasabay ang kulog na animo'y nakikiramay sa hinagpis na aking nararamdaman.

"ikaw lang ang meron ako." Ito na lang ang aking nasabi bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon.

--------

Nilibot ko ang aking paningin sa lugar at napatingin sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko inaasahan na gagawin niya ang ganitong bagay para sa akin.

Tiningnan niya ako at nginitian,napangiti rin ako, napakaganda talaga niya. Mula sa kilay, sa malago niyang pilikmata, sa malarosas niyang labi hanggang sa mala-niyebe niyang kulay, bakit nga ba ako ang minahal mo?Napahinga ako nang malalim nang mapagtanto ko ang ginagawa ko, totoo nga bang mahal ko na ang babaeng ito?

"Bakit ako Nei?" tanong ko habang nakatitig sa kanya, gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at halos mawala na ang kanyang mga mata.

"I just like you. Can't I just like you without a reason?"

"seryoso bakit nga Nei? Ano bang nakita mo sa'kin?

"Lahat. Lahat ng hindi niya nakita sa'yo."

avataravatar
Next chapter