6 CHAPTER 5: You put me high upon a pedestal

JAMES'S POV

"Sinasabi mo ba na kilala ni Nei si Lilac Capistrano?" manghang tanong ni Dylan habang umiinom ng kape,

Ikinukwento ko kasi sa kanila kung ano ang nangyari kagabi at kung saan ako dinala ni Nei pagkatapos naming mawala kagabi.

Napatangu-tango na lang ako, kasi kahit naman ako ay hindi rin makapaniwala hanggang ngayon, sikat na sikat kasi ang mga Capistrano tapos heto at may kaibigan pala kaming kakilala at kaibigan ng mga ito.

"Gago!" malakas na sabi ni Gab tiningnan namin siya at nakita namin ang pagkabigla at panlalaki ng mata nito habang nakatingin sa cellphone.

Naglapitan naman sina Dylan, Seth at Zach sa kanya at nakiusyoso na sa tinitingnan nito.

"Si Nei ba 'yan?" kunot-noong tanong ni Seth.

"Si Nei 'yan kita mo 'yung buhok mukhang noodles," paninigurado naman ni Gab habang nakakunot pa rin ang noo.

Sa pagtataka ay pinatay ko muna ang kalan at iniwan ang niluluto kong sinangag, nilapitan ko sila dahil parang gulat na gulat sila sa kung ano mang picture ni Nei na nakita nila

"Ano ba 'yan bakit parang mga gulat na gulat kayo?" tanong ko.

Ipinakita ni Gab sa'kin ang litrato ng isang babaeng teenager,nakapink formal dress ito at simpleng make-up, namukhaan ko naman ito bilang si Nei nagsusuot pala ng gan'yan 'yon.

"Si Nei 'yan diba?" tanong ni Gab.

"Oo si Nei nga anong problema may pinatay ba s'ya?" tatawa-tawa kong sabi

"Pare hindi mo kilala kung sino 'yang dinedate mo at pinapatulog mo sa kwarto mo," litanya ni Seth.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya dahil hindi ko naman dinedate si Neria pero oo, pinapatulog ko s'ya sa kwarto ko lalo ngayon at lasing na naman s'ya kagabi.

"Bakit sino ba s'ya bukod sa siya 'yung napakakulit na babaeng laging parang makikipaglibing?" panghahamon ko sa kanila.

Humigop naman ng kape niya si Gab bago magsalita, "Pare, siya si Princess Policarpio, PRINCESS NERIA POLICARPIO, anak ni Roberto Augustus Policarpio,"

Shit.

"Siya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang mga Policarpio kasi ay isa pang kilala sa bansa, gaya ng mga Capistrano ay marami rin silang mga ari-arian pero kung ang mga Capistrano ay kabi-kabila ang mga interview at magazine appearances sila naman ay masyadong pribado.

Minsan lang sila nagpa-interview at sa pagkaka-alala ko ay teenager pa nga lang kami no'n, ilang buwan rin tumagal ang balitang iyon sa tv, dyaryo at magazine dahil iyon ang una at huling beses na nagpaunlak ng panayam si Mr. Policarpio at sa pagkakatanda ko ay naging crush ng bayan ang anak niyang si Princess dahil sa kakaiba nitong ganda at napakalambing na boses.

Napalingon naman kami sa kwarto ko nang malakas na bumukas ang pinto nito at nakita naming nasa sahig na si Neria nagulat at nag-alala ang mga kaibigan ko pero agad ding napalitan ng tawa 'yon nang makita namin ang mukha ni Neria na mukhang panda, humulas kasi ang eyeliner nito.

"Tinatawa-tawa n'yo d'yan?!" sigaw nito sa'min habang may nakapulupot pang kumot sa katawan nito at gumagapang ito papalapit sa'min.

"Tangina Nei pinapantasya kita no'ng teenager ako, may mga picture mo pa kong nakadikit sa ding-ding tapos lalaki ka palang mukhang impakta," humahalakhak na sabi ni Seth

Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Seth, totoo naman kasi 'yon kahit ako noon ay pinangarap ko siyang makita sa personal at maging girlfriend ko dahil sa napakalambing nitong boses no'n sa interview.

Nakarating si Nei sa paa ni Dylan at para itong multo sa The grudge na humawak sa tuhod ni Dylan at saka tumingala rito, idagdag mo pa ang kulot na buhok nitong nakasabog sa mukha niya.

"Tubig," mamalat-malat na sabi ni Neria, nagulat naman kami sa pagtili ni Dylan

"Ilayo niyo sa'kin 'to AHHHHHHH sinisira niya ang lahat ng pangarap ko!!" tili ni Dylan at saka nagtatakbo papalayo kay Neria pumasok pa ito sa kwarto niya at saka ibinalibag ang pinto.

Nagtawanan naman kaming magkakaibigan sa nangyari at nang makitang nakasubsob si Neria sa sahig, malaki kasi ang paghanga ni Dylan kay Princess Policarpio sa dalawang taon na magkakasama kami rito sa apartment ay hindi ko na mabilang kung ilang beses sinabi nito na pakakasalan niya si Princess at aanakan ng pito.

Nakita ko naman si Zach na alalayan si Neria na bumagon at alalayan ito papunta sa upuan sa dining table, inabutan niya ito ng isang baso ng tubig na agad din namang tinanggap ni Neria.

"Tanggalin na natin 'yang kumot?" tukoy ni Zach sa kumot na nakabalot kay Neria, umiling lang ito at sinabing "baby" raw niya ang kumot na 'yon. Lasing na lasing talaga.

Pinagmasdan ko pa sila at nakita kong kumuha si Zach ng planggana ng tubig at bimpo, pinunasan niya ang mukha ni Neria na puro eyeliner, hinawi pa niya ang buhok nito at sinuklay ito gamit ang kanyang mga daliri.

May sinabi si Zach kay Neria at tumango lang ito, umalis saglit si Zach at pagbalik nito ay may dala na itong kape na agad namang tinanggap ni Neria,

"Ngayon ko lang nakitang ganyan si Zach," bulong ni Seth, tiningnan ko naman siya at nagtataka ko siyang tiningnan nang makitang diretso siyang nakatingin sa akin na nakangisi.

"Selos ka?" pilyong ngiti nito,

"Alam mo pare kung ako sa'yo hindi na ko magpapahard to get ikaw rin baka maunahan ka ni Zach," tatawa-tawang sabi nito at tinapik pa ko sa balikat.

"Baliw," bulyaw ko sa kanya at bumalik na sa niluluto kong sinangag, tawa lang ang isinagot niya sa akin at nginuso pa ulit sina Zach at Neria na nagkukwentuhan ngayon.

NERIA'S POV

Isang linggo na kong hindi nagpapakita kay James, isang linggo ko na ring hindi sinisipot ang mga kabanda ko,

Pinag-iisipan ko kasing mabuti itong pinaplano ko, buhat kasi noong nag-usap kami ni James tungkol sa nagustuhan niya kay Joanna ay hindi na 'yon mawala sa isip ko.

Huminga akong malalim at saka sumisisid sa ilalim ng swimming pool, hindi ko alam kung kaya ko ba talagang panindigan ang pinaplano ko.

"Sissssyyyyyy" umalingawngaw ang matinis na boses ni Kate sa swimming pool area ng aming bahay.

Umahon naman ako para harapin siya at nakipagbeso, tiningnan naman niya ang suot kong black two-piece

"How I wish pwede akong magsuot niyan," maarte niyang sabi.

I chuckled with that thought ang cute cute siguro ni Kate labas ang mga bilbil.

Niyaya ko naman siyang pumasok sa loob at dinala siya sa kusina para magmeryenda.

"Hi Shai!!!!" bati niya sa'king kapatid, niyakap naman siya nito at tulad ng dati ay pinisil-pisil na naman ang mga bilbil niya sa tagiliran.

"Ate Kate kailan ka ba magsleepover ulit dito? Miss na po kita," yakap yakap pa rin ni Shai si Kate habang papunta kami sa kusina.

Pinaupo ko naman si Kate sa pinakamalapit na upuang nakita ko at nginusuan si Shai na umalis.

"eeeeeh... dito na lang ako!" reklamo ni Shai

"Osige dito ka kayo na lang ni Kate ang mag-usap," sarkastiko kong sabi

"Hmp. Kainis ka talaga!" padabog na umalis si Shai, close na close talaga silang dalawa minsan tuloy nagseselos na ko.

"Oh. 1 week ka nang hinahanap nila James sa'kin ha?" pagsisimula niya sa kwento, inabutan ko naman siya ng cookies at juice.

"Sissy may iniisip kasi ako," seryoso kong sabi.

"Sissy may isip ka pala?" manghang tanong ni Kate, pabiro ko naman siyang binato ng mugmog ng cookies na natira sa kamay ko.

"Seryoso kasi ako Kate! Iniisip ko kasing ayusin na ang buhay ko para kay James," nabulunan naman siya sa sinabi ko at halos maibuga na ang juice na iniinom niya.

"Seryoso ka ba talaga sa pinsan ko sissy?" tinanguan ko naman siya at saka nginitian.

"Nei, masaya ako for you dahil sa wakas nakakilala ka na rin ng lalaking gusto mong seryosohin," pagsisimula niya.

"I know right," mayabang kong tugon

"Pero hindi ba dapat nagbabago ka para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao?"

"Gano'n na rin 'yon sissy! Syempre kapag nagbago ako para kay James edi sino bang magbebenefit edi ako rin diba? Para rin sa'kin 'yon," masigla kong sabi.

"Osige sissy, basta alalay lang ha. Hinay-hinay lang sa pagmamahal kay James remember---" I cutted her off.

"Yes, pero sooner or later mawawala na rin sa eksena 'yang si Joanna I guarantee you," mayabang kong sabi.

Napatingin naman kami kay Shai na dala-dala ang cellphone kong nagriring nakarehistro sa screen nito ang number ni Zach, agad ko naman itong sinagot.

"Nei!" parang nabunutan ng tinik na bungad niya sa'kin.

"Hey cutie," masiglang bati ko.

"We're just wondering kung pwede ka na mamaya? Kasi ang tagal na mula nung huli ka naming makita gusto---" naputol ang pagsasalita niya nang mukhang may umagaw ng telepono sa kanya.

"Hoy Neria!" nabosesan ko naman si Dylan,

"Neria! Sabihin mo nga sa'min kung kailangan na naming maghanap ng bagong bokalista hindi 'yung pinagtataguan mo kami!" madiin at gigil na gigil na sabi nito, tawang-tawa naman ako mula kasi nang malaman niyang ako si Princess Policarpio ay ganito na niya ko kausapin.

"Love naman miss mo na ba ko ha? Syempre babalik ako ikaw naman hindi ba pakakasalan mo pa ko?" malambing kong tugon dito. Narinig ko naman sa background ang tawanan ng mga kabarkada niya.

Naramdaman ko rin ang nandidiring si Dylan HAHAHAHAHA

"NERIA! KADIRI KA TALAGANG BWISIT KA!" gigil na sabi ni Dylan, maya-maya pa ay si Zach na ulit ang kausap ko.

"Nei pasensya ka na kay Dylan," sabi niya

"Okay lang naiintindihan ko naman na nakakamiss talaga kapag hindi nakikita ang kagandahan ko," natatawang sabi ko,

"nga pala, mamaya pwede na ako, punta ko mamaya d'yan? What time?" tanong ko.

"Hmmm.. pwede ka ba ng 4pm?"

"G." sagot ko at saka ibinaba ang tawag.

Well kailangan ko nang maghanda para sa oplan mapasakin si Handsome James.

JAMES'S POV

Isang linggo nang tahimik ang buhay ko, isang linggong walang makulit at isang linggo na ring walang spontaneous na pangyayari ang nagaganap sa buhay ko,

Isang linggo na kasing hindi nagpapakita si Neria sa'kin, I mean sa'min.

Lumabas ako para magpahangin at napagmasdan ko ang mga tuyot na tuyot na halamang nakatanim sa labas ng apartment namin, halos mamatay na ito sa tagal na hindi nadidiligan.

Kinuha ko ang hose para diligan na at nang baka sakali ay mabuhay pa ang mga ito.

Papito-pito pa ko nang tumunog ang gate ng aming apartment, nilingon ko ito para tingnan kung sino ang dumating dahil sa pagkakaalala ko ay kumpleto naman kami ngayon.

Nakita ko si Neria, nakangiti ito habang nakatitig sa akin, napatulala ako dahil ibang-iba ito sa Neria na nakasanayan ko, nakaipit ang kulot nitong buhok at imbes na itim ay nakaputi itong dress na may manggas at skyblue ang laylayan at nakawhite sneakers.

Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa, ibang-iba talaga ito sa kilala kong Nei,

"Ayos ba?" nakangiti niyang tanong sa'kin

"Anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?"

"Hindi ba sabi ko sa'yo kaya kong magbago? Kaya kong maging disente, kaya kong maging babaeng pinapangarap mo," natulala ako sa ngiti niya at para akong nalulunod sa ganda niya.

Maganda naman talaga si Neria noon pa, kaya nga lang ay lagi siyang nakamake-up at nakaitim kaya hindi ko gaanong makita totoong itsura niya para kasing ang bigat-bigat ng awra niya noon.

Pero ngayon...

"James sino ba'yang kausap mo?" tanong ni Seth habang nakapamewang sa pintuan at nag-iinat-inat,

"Aba't hindi na naman yata tayo sisiputin niyang si Nei ha 4:10 na 4 ang usapan!" sabi pa nito

Humarap naman si Neria sa kanya at kitang-kita ko ang pagkabigla nito at ang unti-unting pagkunot ng noo.

"Nei? Ikaw ba 'yan?" lumapit pa ito sa amin at tiningnan nang malapitan si Neria.

"NEI IKAW NGA LINTIK ANONG NANGYARI SA'YO?!" malakas na sabi nito kaya naman nagsilabasan na ang mga kaibigan ko at laking gulat din nila nang makita ang pagbabago kay Neria.

"Nei sinapian ka ba?" sabi ni Gab habang nakatingin dito.

"Baka may lagnat," sabi naman ni Seth habang sinasalat ang noo ni Neria.

"Para kayong mga timang hindi ba pwedeng magbago ng style si Nei," bahagyang nakangiting sabi ni Zach.

"Ganda cutie!" dagdag pa ni Zach at nakipaghigh –five pa kay Neria.

"Salamat cutie!" sagot ni Neria.

"Uy may call sign na sila," bulong naman ni Seth sa'kin, tiningnan ko naman siya nang hindi makapaniwala at pumasok na sa loob, nadaanan ko naman si Dylan na parang problemado habang hawa-hawak ang dibdib niya at umiiyak,

"Dy, okay ka lang?" mag pag-aalalang tanong ko rito.

"Hindi," atungal pa nito ng iyak habang hawak-hawak ang dibdib nito shit!

"Tangina Dy inaatake ka bas a puso?!" tarantang sabi ko habang umuupo sa tabi niya habang naglulupasay siya sa sahig.

"ZACH, SETH, GAB TULUNGAN NIYO KO DALHIN NATIN SA OSPITAL SI DY!" tarantang sigaw ko habang inaalalayan si Dylan.

Nagmamadali naman pumasok sina Zach, sumalampak naman si Neria sa sahig at kinalong si Dylan bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Dy kapit lang, dadalhin ka namin sa ospital, guys bilisan niyo!!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Neria habang kami naman ay tarantang –taranta na at akma na naming bubuhatin si Dylan nang umatungal pa ulit ito nang iyak.

Shit.

"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin Nei??? Bakit kailangang maging ikaw pa si Princess at bakit kailangang magbihis ka pa ulit nang ganyan!" wika ni Dylan habang hawak ang kamay ni Neria.

Kumunot naman ang noo ni Neria at saka hinatak ang kamay niya palayo rito. Natigil na rin kami sa pagkataranta at sinipa ni Gab si Dylan.

"Hayop ka ang OA mo lintik ka akala ko mamamatay ka na!" galit na galit na sabi nito habang patuloy na sinisipa si Dylan.

Tumayo naman si Neria at lumakad na palayo sa amin sumunod naman sa kanya sina Seth at Zach sa practice area nila.

Habang si Gab naman ay gigil na gigil pa rin kay Dylan, tumayo na si Dylan at buong lakas na sumigaw.

"NAKAKAINIS KA NERIA!!!! BAKIT KAILANGANG MAGING IKAW PA SI PRINCESS!!!!"

"Love sabihin mo na lang kung gusto mo kong pakasalan," mapang-asar na sagot naman ni Neria habang nakamic.

"BWISIT KA!!!!" piningot naman siya ni Gab at dinala na sa kanilang practice area.

"Tumigil ka na kung hindi papatayin kitang hayop ka!" sabi nito habang kinakaladkad si Dylan.

"

NERIA

JAMES

"Dy kapit lang, dadalhin ka naming sa ospital, guys bilisan niyo!!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Neria habang kami naman ay tarantang –taranta na at akma na naming bubuhatin si Dylan nang umatungal pa ulit ito nang iyak.

avataravatar