2 HOTEL

HTG's|Note: Hi ! Wala munang cover . Pagpasensyahan na . HAHAHAHA ! Here's the chapter two . Enjooy !

----

HOTEL

Nakatayo kami ng boyfriend ko sa harap ng hotel. May balak kaming mag check-in dahil pinalayas ako ng mama ko at wala kaming ibang mapupuntahan.

Gusto kasi ng mama ko na hiwalayan ang boyfriend ko dahil bad influence daw ito sa akin. Pero, hindi ako pumayag dahil, mahal na mahal ko ang boyfriend ko kahit gangster pa siya.

Oo, gangster siya kaya ganun na lang ang behavior ni mama. Kaya, pinalayas niya ako. Wala akong ibang mapupuntahan kundi sa boyfriend ko. Ayoko naman sa bahay nila dahil nandoon ang lola niya na ayaw sa akin.

Wala paring gumagalaw sa aming dalawa. Nakatitig parin kami sa hotel na checheck-inan namin.

" beb? May problema ba? " tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti.

" oo eh! Wala tayong pera. Kunti lang ang nadala ko. hindi ko alam kung sapat na ba ito para sa hotel na yan. " nakangiti ngunit malungkot ang boses niya. Nabaling ang tingin ko sa hotel na sobrang expensive.

" ang mahal siguro dyan beb no? " wika ko. Napa tango naman siya at ngumiti ulit. " tara! Pasok tayo. " yaya ko.

" sandali lang beb! Kulang pera natin. " sigaw niya.

" ano ka ba beb! Akala ko ba cumlaude ka? Gawan natin ng paraan okey? " inis kong sabi sa kanya. Nag kibitbalikat naman siya at sumunod sa akin.

Nang nakapasok na kami sa hotel agad namin tinanong yong nasa front desk. Malaki, malinis ang buong hotel at maraming rooms. napako ang mata ko sa isang kwarto na naiiba sa rooms ng hotel nato.

Hindi gaanong maganda at parang luma na. Habang nakatitig ako sa kwartong iyon kinilabit ako ng boyfriend ko kaya, napalingon ako sa kanya ng wala sa oras.

" beb, 5ooo ang isang kwarto na available. Dalawang kama , isang flat screen tv at cr ang nandoon. " napa ngiwi naman ako sa sinabi niya. " pero, sabi ng kausap ko may pinakamura daw na room na afford natin. May isang kama at cr sa loob for 1ooo srp. Ano? Kukunin natin? " napa tango naman ako sa kanya at ngumiti.

" kumanan lang po kayo sir at nandoon na po yong room unit nyo. Heto po ang susi if any problem po complain lang kayo at aayusin namin. " sabi ng babae tumango lang si Kyrie sa babae.

Nag lakad na papunta sa akin si Kyrie na may ngiti sa mukha. I smile back to him and after that pumasok na kami sa kwarto namin. Napag tanto ko rin na itong kwarto na napili namin ay ang kwarto na sinasabi kong kakaiba.

Hindi maganda ang napili naming kwarto. Mukhang masikip pero, kasya kaming dalawa. May isang kama sa left side ko at cr sa right side ko.

Kung hindi lang ako pinalayas ni mama hindi sana ako mag titiis sa hotel nato. Naupo muna kami saglit napa hinga ng malalim si Kyrie at nahiga.

Naisip kong maligo muna para naman fresh ang pakiramdam ko. Nag paalam ako sa kanya at nag tungo na sa banyo. Transparent ang cr nila ibig sabihin makikita ang buong katawan mo kapag naliligo ka eventhough, nakadamit ka pa.

Pumasok na ako at naligo na. Malaki din naman ang cr nila siguro, kasya ang tatlong tao dito. Habang naliligo ako pakiramdam ko parang, may nakatingin sa akin. Parang, hindi lang ako ang tao dito?

Binaliwala ko na lang iyon baka, sa pagod ko lang to kaya napaparanoid na ako. Nang natapos na akong maligo nag bihis na ako at pinatuyo ang buhok ko.

" beb, maliligo din ako ang baho ko na eh! " tumango lang ako at hinalikan niya ako sa noo at sa labi ko.

Nag papasalamat parin ako dahil hindi ako pinapabayaan ng boyfriend ko. Nang matuyo na ang buhok ko agad akong nahiga at pinikit ang aking mata. Rinig na rinig ko ang tubig na pumapatak sa loob ng cr.

Ilang oras ang lumipas hindi ko na narinig ang mga patak ng tubig marahil ay tapos ng maligo si Kyrie. Tumayo ako at sinilip siya sa cr tama nga ako wala na siya.

Baka lumabas? Napailing na lang ako at nahiga ulit. Nakaramdam ako na parang may gumagalaw sa ilalim ng kumot. Napangiti naman ako si Kyrie talaga ang pilyo.

Napaupo ako dahil palapit ng palapit sa akin si Kyrie. Kitang-kita ko ang likod niya na bumakat sa kumot.

" beb! Ano ba nakikiliti ako. " naramdaman ko kasing hinawakan niya ang paa ko. Doon pa naman ang kiliti ko.

Hindi ako narinig ng boyfriend ko. Nakikiliti narin ako hindi ko maiwasang gumawa ng malakas na tawa.

" hahahahaha! Nakakainis ka babe! Ang pilyo mo talaga! " inis na sambit ko. Pero, patuloy parin siya sa pag haplos ng hita ko. Aba't ang tigas ng ulo ngayon ni Kyrie ah?

" ano ba be---- " nanigas ang buong katawan ko at napako ang mata sa taong nasa cr.

Hanggang ngayon ay naliligo parin si Kyrie. Napalunok ako ng laway at halos tagaktak na ang pawis ko. Kung ganun sino tong nasa ilalim ng kumot?

Napa atras ako dahil umabanti yong nasa ilalim ng kumot papunta sa akin. Nanginginig na ako sa sobrang takot halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Palapit ng palapit ito sa akin kunti na lang makikita ko na siya.

" ahhhhhhh!!!!!! " malakas kong sigaw.

Isang babaeng duguan at halos maagnas na ang mukha nya. May mga uod na lumalabas sa ilong, mata at bibig niya. Patakbo akong nag tungo sa banyo at niyakap ang bofriend ko.

" beb! Tara na! Uwi na tayo. Please! " sabi ko sa kanya habang umiiyak. Agad na nag bihis si Kyrie at lumabas ng hotel. Walang ano-ano inuwi ako ni Kyrie sa bahay namin.

---

A|N : sabi ng kaibigan ko yong hotel daw na nacheckinan nila ay may ginahasang babae at pinatay. Kaya, ayokong mag hotel eh xD !

---

avataravatar
Next chapter