1 H O P I A I

Normal lang ang magkaroon ng hinahangaan. Inspirasyon Ika nga nila. Isa sa masasayang pakiramdam na bahagi ng kabataan. Paghanga sa umpisa na humahantong sa pagkahulog mo sa kanya. At kapag nasa ganitong estado ka na, dalawang bagay lang ang maaari mong maramdaman. Una, maaaring maging masaya ka dahil pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. Pangalawa, at ang nakakalungkot ay ang kung wala siyang feelings para sa'yo. 'Yon ang bagay na masakit. Pero dahil sadyang may mga taong tulad mo na kahit ipinapakita na ng taong gusto mo na ayaw niya sa'yo, patuloy ka pa rin sa pagiging HOPIA.

avataravatar