webnovel

Chapter 6

"Bakit kasi 'di mo sinabi na may ulcer ka pala? 'Di mo ba alam na p'wede mo 'yang ikamatay, Kiah, ha?" galit na sermon ni Aki sa babae.

Nang mawalan kasi ito ng malay ay agad niya itong dinala sa pinakamalapit na ospital. At ayon nga sa doktor na sumuri kay Kiah ay mayr'on itong ulcer.

Napayuko si Kiah habang kinakagat ang labi. Iniisip kasi niyang napakarami na niyang utang na loob sa lalaki, ngunit panay pa rin ang bigay niya ng sakit ng ulo rito. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata niya dahil sa hiya kahit pa sila lamang dalawa ng lalaki sa pribadong silid na iyon na kinuha nito para sa recovery.

"I'm s-sorry po, S-sir Aki k-kung marami n-na p-po akong s-sakit ng ulo n-na. . ." Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi na niya na ituloy ang sasabihin. Nakatungo lamang siya habang panay pagtulo ng luha niya.

Bumuntong-hininga si Aki habang pinagmamasdan ang umiiyak na babae. Bahagya rin siyang nakaramdam ng guilt dahil sa pagsesermon dito. "'Di naman tungkol d'on sa sinasabi mo ang ikinagagalit ko, Kiah. Ang sa'kin lang, responsibilidad na kita ngayon. Kaya kapag may nangyari sa 'yong masama, sagutin kita. Ang gusto ko lang naman, magsabi ka kapag may problema. Pa'no pala kung na-late ako ng uwi? E 'di baka patay ka na ngayon," mahinahon ng turan niya sa babae. Pero hindi ito tumigil sa pag-iyak na parang bata kaya naman lihim na lamang siyang napailing. Ang g'wapo ko pero pinasasakit mo talaga ang ulo ko, wika pa niya sa isipan habang nakatingin dito.

Nalaman kasi niyang bago ito mawalan ng malay, ay sinusumpong na ito ng matinding pananakit ng tiyan. At ang labis na sakit ang sanhi ng pagkawala nito ng malay. Ipinagpapasalamat na lang niya na dumating siya bago iyon mangyari. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa babae. "Please, stop crying, Kiah. Baka makasama sa'yo," kalmado nang turan niya rito.

Hinawakan pa niya ang balikat nito upang mapilitan itong humarap sa kaniya. Nag-angat naman ito ng tingin habang hilam ng luha ang mga mata. "'Di naman delikado ang ulcer basta naagapan. You only need to take medicine as a treatment. May mga binigay rin si dok na listahan para sa do's and don't. Kaya tumigil ka na sa pag-iyak, para mamaya rin, makalabas ka na," pangungbinsi niya sa dalaga. Tumango naman ito at pinahid ang luha saka bahagyang inayos ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.

Palibhasa'y halos katabi lamang ni Aki ang babae, dahil nakaupo siya sa couch na katabi ng hospital bed, lubos niyang napagmasdan ang maamong mukha nito. Aaminin niyang no'ng una pa lang ay maganda na ang tingin niya rito. Pero mas maganda pala ito 'pag malapitan.

Hindi ito iyong ganda na katulad ng mga artista o kaya naman ay katulad ng mga babaeng idini-date niya. Iba ang ganda niya. Iyon bang simple lamang pero malakas ang appeal. Her face was small and heart-shaped. Ang mga mata naman n'ya ay bilugan at mapupungay na pinarisan ng malalantik na mga pilik. Maliit at matangos rin ang ilong nito na bumagay sa labi nitong manipis. At kahit nga morena ito, 'di mapagkakailang maganda ito.

She looks so pure and innocent. Walang kamuwang-muwang kung anong klaseng lalaki siya kapag inaatake siya ng kalibugan. Nabuhay ang takot ni Aki dahil sa naisip. Hindi niya alam kung para saan ang takot na iyon. Para ba sa sarili o para sa babae. Kilalang kilala ni Aki ang sarili, alam niyang wala siyang pinipili. Basta't makaramdam siya ng pangangailangan ng sex ay hindi niya maaaring hindi tugunin. Pero paano kapag hindi n'ya mapigilan ang sarili at ito ang mapagbalingan niya?

At hindi ba, kaya naman talaga niya tinulungan ang babae dahil na-attract siya sa angking charisma nito? Sa maganda nitong katawan at malulusog na dibdib? Bakit ngayon ay nakararamdam yata siya ng pag-aalinlangan?

I think, I just made my own problem. . .

Naputol ang pagninilay-nilay ni Aki nang pukawin ng sunod-sunod na katok sa silid. Tumayo siya at tinungo ang pinto upang buksan.

"Good evening, Mr. Tetsuya. Here's your hospital bill. Maaari na po kayong umuwi kapag nabayaran na po ninyo iyan sa cashier," anang nurse saka inabot ang isang papel. Tiningnan naman niya ito at nagpasalamat.

"Thank you, nurse."

"You're welcome, Mr. Tetsuya. Mauna na rin po ako. May patients pa po akong aasikasuhin," paalam ng nurse. Tinanguan na lamang niya ito bilang sagot. Lumabas na ito pagkuwan.

"Sir Aki, maaari ko bang hulugan na lang ang mga utang ko sa inyo? Kung gusto n'yo, ibawas na lang ninyo sa sweldo ko," pakli ni Kiah na ikinakunot-noo naman ng lalaki. Hala! Nagalit kaya si sir? Baka ayaw n'ya ng pinangungunahan? Ano ka ba naman Hezekiah! Ikaw na nga'ng may utang na loob, ikaw pa'ng may gana na magbigay ng kundisyon, lihim niyang sermon sa sarili.

"Sino naman ang may sabi sa'yo na sinisingil kita, Kiah?" tanong ng lalaki na ikinamaang niya.

"S-sir?"

Umiling-iling ito sa kan'ya. "'Di kita sinisingil, okay? I just want to help you. 'Tsaka 'wag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako kong tutulungan ko rin ang pamilya mo. Ibigay mo sa'kin ang address n'yo sa probinsya at nang maasikaso ko na habang 'di pa ako busy sa work."

Sa mga narinig ay hindi mapigilang magalak ni Kiah, dahil totoong napakabait ng amo sa kaniya. Ngunit sa isang banda, ipinagtataka rin niya kung bakit ganoon kabait ang lalaki sa kan'ya. Hindi naman siguro mamasamain ni Sir Aki kung tatanungin ko, usal niya sa isipan. "Pero, Sir, bakit ninyo ito ginagawa? Bakit napakabait ninyo sa akin?" tanong ni Kiah rito.

Nagkibit-balikat lamang ito at saka tumayo na. "Siguro, dahil alam kong mabuti kang babae kaya gusto kitang tulungan. Isa pa, wala din kasi akong kapatid na babae. I'm only child kaya pakiramdam ko nagkaroon ako ng lil' sister sa katauhan mo."

"Talaga, sir? Nakatutuwa namang malaman na kapatid ang turing n'yo sa akin, Sir Aki! Napakabuti po ninyo!" nasisiyahang tugon pa ni Kiah sa lalaki. Masaya siyang malaman na pamilya ang turing sa kan'ya ng lalaki at hindi ibang tao. Isa pa, mas palagay na siya sa Maynila kahit nga ganoon pa ang dinanas niya roon. Dahil alam niyang may tao na siyang maituturing na kakampi sa mabangis na lungsod na iyon.

"Yup. So pa'no? Lalabas muna ako at pupunta sa cashier. Mag-ayos ka na at magbihis. Nasa paper bag na nakapatong sa mesa 'yung mga gamit na binili ko sa'yo. Pagbalik ko, uuwi na tayo," bilin pa nito habang nakaturo sa paper bag na nakapatong sa mesang malapit sa kan'ya.

"Okay, sir. Salamat po nang marami." Tumango na lamang ito bago lumabas.

Dali-dali nang bumangon si Kiah at hinalungkat ang laman ng paper bag upang kunin ang bihisan. Ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang masyadong lantad ang istilo ng mga iyon. Isa kasing manipis na sando na kulay pula at mababa ang uka sa bandang dibdib ang pang-itaas, habang ang salawal naman ay maikling shorts na maong na sa palagay niya ay isang dangkal lamang ang haba.

Paano ako magsusuot ng mga ganitong damit? Hindi ako sanay sa mga ganito. Isa pa, hindi naman ito bagay sa'kin, wika niya sa isipan. "Pero baka magalit si Sir Aki kapag hindi ko sinuot ang binili niya," saad niya na ang kausap ay sarili.

Walang nagawa si Kiah kung hindi kunin ang mga iyon at dalhin sa banyo. Maging ang panloob na bra at panty na kasama ng mga bihisan ay masyado ring revealing ang istilo para kay Kiah. Isang may manggas lamang kasi na blouse at t-shirt at abot-tuhod na shorts ang madalas niyang suotin. Subalit wala siyang pagpipilian kung hindi isuot iyon. Ipinagpapasalamat na lamang niya na tila isinukat sa kaniya ang mga iyon dahil saktong sakto ang laki ng mga ito.

Paano kaya nalaman ni sir 'yung sukat ko? Hindi naman niya ako tinanong, ah? nagtataka niyang tanong pa sa sarili. Nang makapaghilamos at sepilyo ay agad na rin siyang lumabas ng banyo. Naabutan niya roon ang lalaki na tila hinihintay na siya.

"Kanina pa kayo, Sir Aki? Pasensya na, medyo natagalan kasi ako sa pagpapalit ng damit, eh," wika niya rito bahagya pang nahihiya dahil sa suot. Hatak-hatak pa niya ang laylayan ng maikling shorts habang nakatunghay sa lalaki. Subalit ipinagtaka niya na nanatili lamang na nakatingin sa kaniya ito na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Hala! Baka napuna agad niya na hindi bagay sa akin ang mga binili niya. Ano ba 'yan! Nakakahiya!

"Y-you look good, Kiah. Bagay sa'yo. Ayaw mo ba ng suot mo?" saad ng lalaki na ipinagtaka niya.

"Binobola niyo lang yata ako, sir, eh. Pangmayaman at magandang babae lang po ang nababagay sa ganitong damit. Paris ni Ma'am Melody. Hindi po bagay sa akin ang ganitong bihis. Isa pa, hindi po ako sanay. Nahihiya po ako," sabi niyang sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Napansin naman ni Kiah na tila nagbago ang anyo ng lalaki dahil sa sinabi niya.

"Don't say that, Kiah. Maganda ka. Don't underestimate yourself. You are beautiful in your own way, okay?" Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng lalaki. Nakaramdam din siya ng tiwala sa sarili dahil doon.

"'Tsaka walang batas na nagsasabing mayayaman at magagandang babae lang ang pwedeng magsuot n'yan. Lahat ng tao, may karapatan at malayang gawin ang gusto basta walang inaargabyado. Got it?" dagdag pa nito dahilan upang lalong humanga si Kiah sa lalaki. Para sa kaniya ay perpekto ito. Magandang lalaki, mayaman at higit sa lahat, mabait. Mga katangian na karaniwang hinahanap ng isang babae. Napakaswerte naman ni Ma'am Melody, usal niya sa isipan.

"Maraming salamat po, Sir Aki sa pagpapalakas ng loob," pasasalamat niya rito nang nay kasamang ngiti sa labi.

"Wala 'yon," tugon ni Aki saka kinuha ang paper bag na may lamang pinagbihisan ng babae. "Let's go, lumalalim na ang gabi. At nang makapagpahinga ka na rin." Binuksan na ni Aki ang pinto at pinauna ang babae sa paglabas. Pagkatapos ay sumunod siya rito.

Tinungo nila ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan at saka mabilis na pinagbuksan si Kiah ng pinto. Inalalayan n'ya itong pumasok sa passengers seat saka siya umikot sa driver's side. Nang makapasok ay kinabig niya ang sasakyan at minaniobra palabas ng parking lot.

Tahimik ang kanilang byahe kaya naman naisipan niyang basagin ang katahimikan. Isa pa, gusto niyang ma-distract dahil ramdam na naman niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki niya dahil sa kaakit-akit na tanawin ng mga sandaling iyon.

Hindi niya expect na ganoon ang magiging epekto ng babae sa kaniya dahil lang sa nakita niya itong nakabihis ng ganoon. Na kung tutuusin ay normal lang na tanawin para sa kan'ya. Halos lahat naman kasi ng babaeng kilala niya ay gano'n manamit.

Subalit pagdating kay Kiah, feeling niya ay galing siya sa panahon ni Rizal na noon lamang nakakita ng babaeng ganoon ang bihis. Kaya naman bago pa siya mawala sa katinuan, naisip niyang itanong ang tungkol sa sakit nito bilang pamuksa sa tila halimaw na unti unting nabubuhay sa kaibuturan niya.

"Kiah, matagal na ba 'yang sakit mo?" pukaw niya sa babae na noon ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Sa sinabi ay nilingon siya nito.

"Matagal-tagal na din, sir. No'ng 19 years old ako unang sinumpong. Nasa bukid ako noon at naggagapas ng palay."

Napatango-tango siya habang ang paningin ay nakatutok sa daan. "Alam ba 'yan ng Mama mo?" Umiling ito.

"Hindi ko sinabi kay Nanay dahil ayaw kong mag-alala pa s'ya. At saka hindi naman ito grabeng sakit kaya itinago ko na lang," paliwanag pa ng babae habang ang tingin ay nasa labas.

"Lagi ka sigurong nagpapalipas ng gutom kaya gano'n. Masama 'yon, Kiah. Siguro nagda-diet ka, 'no?"

Tumingin ang babae sa kan'ya at sunod-sunod ang pag-iling. "Naku sir! Hindi po ako nagda-diet. Talaga lamang na salat kami sa pera, kaya ang sana'y pera na para sa pangkain ko 'pag nasa trabaho ay isinisinop ko na lang. At iyon ang ibinibili ko ng pasalubong sa Nanay at mga kapatid ko, Sir Aki."

Ang bait niyang anak at ate. Masuwerte ang Nanay n'ya, wika ni Aki sa isipan pagkatapos ay sumulyap rito. Nakita niyang nakangiti ito na para bang inaalala ang itsura ng kaniyang kapatid at ina. Nadagdagan rin ang paghanga niya sa babae. Dahil kahit nakaranas ito ng matinding hirap ay hindi nawala ang pagiging mabuting tao nito.

Hindi paris ng iba na kahit naabot na ang nais sa buhay, pinipili pa rin ng mga ito na gumawa ng masama dahil sa kasakiman. Patunay na lamang nito ang mga politiko at mayayamang negosyante na katulad ni Mr. Law, na ginagamit ang kapangyarihan para makagawa ng bagay na labag sa batas at sa mata ng Diyos.

"Don't worry, Kiah. I'll promise, bukas na bukas din ay magpapadala ako ng tulong sa Nanay at mga kapatid mo. Just give the address, okay?"

"P-pero s-sir---"

"Wala nang pero-pero," putol niya sa sana ay sasabihin nito. "Para 'yon sa pamilya mo, okay? 'Tsaka 'wag kang mag-alala, 'di naman kita sisingilin. Basta gawin mo lang ang trabaho mo. Ayos ba?" tanong ni Aki na ngumiti pa rito.

"Salamat talaga nang marami, Sir Aki. Napakabuti n'yo," nagagalak at taos-pusong pasasalamat ni Kiah sa lalaki.

"Don't mention it," sagot naman ni Aki rito.