7 Chapter 6- Fight

Few days passed since the day Hendrix accompanied me on my way home. Bukod sa hindi pagpansin sa amin ni ES nitong mga nagdaang araw, walang makikitang pagbabago.

ES are ignoring our calls and texts. Ni hi at hello di niya kami mabati. At sa tuwing magkikita o nagkakasalubong  kami sa university, iiwas siya. Sinubukan naming pumunta sa room niya pagkatapos ng last subject sa tanghali pero wala na siya doon. Ang mga kasama na mismo nito sa room ang nagsabi na nagmamadali itong umalis.

We do our best to make some conversation but we are being rejected.

Sa ngayon nandito kami sa paboritong tambayan naming apat.  Walking distance lang 'to mula sa university kaya walang problema pabalik.

Makikita ang pagkadismaya sa mukha nitong dalawa kong kasama. Si Aiden hindi mapakali, palakad-lakad at panay ang gulo sa buhok. Si Heartfilia nakatingin sa akin. Siguro iniisip niya kong anong tumatakbo ngayong sa isip ko.

Lumapit si Aiden at tumabi sa akin. "Alam mo ba kung bakit ganun ang pagtrato sa atin ni ES? Kasi kung oo, please lang pakisabi. Hindi yung ganito." Nagkatinginan lang kami ni Heartfilia. Ang bruha, nag-iwas nang tingin.

Sino ba ang gusto na ganito? Kapag ba sinabi ko ang aking nalalaman magiging maayos ang lahat?

Bahala na nga.

"I saw Crest with another girl, I confronted him. Hindi alam ni ES ang lahat. Maybe kaya niya tayo iniiwasan dahil doon."

Aiden was surprised to heard that but more on angry now.

"Ano?! Bakit ngayon mo lang yan sinabi Chi? Kailan pa 'to?"

"When we went to the mall." Heartfilia answered.

"Tapos ngayon niyo lang sinabi? Mali ang ginawa niyo eh. Bakit kailangan niyo pang isekreto?"

"Wag mong sisihin si Heartfilia, ako ang nakakita kay Crest, so ako ang responsible about this."

"Ano ka ba naman Chi. Inisip niyo ba kung anong mararamdaman ni ES tungkol dito?"

At ayun bigla siyang umalis at iniwan kaming dalawa. Basta pagdating kay ES ayaw niyang nahuhuli siya sa balita. Pero anong magagawa ko, nangyari na.

"Ano bang nangyari nang makita mo si Crest?" Heartfilia asked.

Kinwento ko sa kanya simula sa pagpunta ko ng bakery hanggang sa pagbantaan ako ni Crest. Hindi ko na sinama si SY kasi hindi naman siya involve dito. Nagdesisyon na din kami na mamayang hapon ay kakausapin na namin nang sapilitan si ES. Walang mangyayari kung hindi kami kikilos.

Tinext namin si Aiden na pupunta kami sa bahay nina ES. Sumunod na lang siya kung gusto niya.

"Nandito kaya siya? Mukhang walang tao eh. Balik nalang kaya tayo bukas, Chi."

Pessimistic 'tong kasama ko. Ang sarap batukan. Eh hindi pa nga kami nagdo-doorbell. Saktong pipindutin ko na ang doorbell button ng biglang may bumusina sa likod namin.

Nasa loob ng kotse si ES. Sure ako dun. Kaya naman humarang ako sa harap ng kotse upang hindi ito makadaan. Hindi naman siguro ako sasagasaan nito diba?

"ES please. Let's talk. I'm really sorry. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo na niloloko ka lang ni Crest. Sorry kung tinago namin sayo ang katotohanan." I said.

Nanatili sa loob ng kotse si ES. This time si Heartfilia na ang nagsalita. "We are here to settle things. So please naman ES lumabas ka dyan at pag-usapan natin 'to. Hindi yung iiwasan mo kami na parang di mo kami kilala. ES we're friends." And boom! Ang bilis ng pangyayari, ES is standing in front of us, angrily.

Humarap ito sa akin. "What did you have just said a while? Kasi sa nalaman ko, eh ikaw ang pa ang nagsabi sa kanya na layuan ako. And you even threatened him na kapag hindi niya ginawa yun eh, sasabihin mong may iba siya. Totoo ba Chi?!" Hindi ko alam kung ano isasagot ko. This is not right.

"A-ano? Ako? Gagawin ko yun? ES alam mong hindi ko yan magagawa. Kahit hindi ko gusto si Crest para sayo, hindi k-"

"Eh di inamin mo din na ayaw mo sa kanya bilang boyfriend ko! That's bullshit!"

ES is crying and so do I. How can this girl, being my friend, accused me of that false statement?

"ES ako ang pinagbantaaan niya. Sinisira niya tayo. Sinabi pa nga niya mismo sa harap ko na sasamahan pa niya ako sayo para sabihin ang kataksilan niya."

"Oh talaga? Bakit kilala niyo ba siya? Kilala niyo ba ng higit sa pagkakilala ko? Mahal ako ni Crest, at iyon ang totoo!"

Isang pinakamasakit na bagay sa ating buhay ang paniwalain ang ating mga sarili na mahal tayo ng isang tao kahit hindi naman. Natatakot tayong malaman ang katotohanan kaya nagpapadala tayo sa kasinungalingan.

Sumagot na din si Heartfilia. "He's cheating on you. Ano pa ba ang gusto mong marinig? Nakita na din siya ni Chi sa mall pa lang pero hindi niya sinabi sayo kasi masasaktan ka. Nilalason lang ni Crest ang isipan mo. Binabaligtad niya ang mga pangyayari. Wake up, Erza Scarlet!" Lalong sumiklab ang galit ni ES nang marinig niya iyon.

"Both of you are insane! Tama si Crest, you're not my true friend."

So ano, itatapon nalang namin ang aming pinagsamahan dahil lang sa lalaki?

"We are your friends. How can you say that? Just because he told you, we are not a true friend now? What a lame reason, ES. Sa tagal nating magkasama, kilala mo na dapat kami."

"No. I don't even know both of you. You're fake. A liar. And storymaker."

Heartfilia slapped her. "Eh ikaw? You're disgusting! How can you say that? Where is the real Erza Scarlet? Please lang, pakilabas. Kung fake ang tingin mo sa amin hindi kaya ganun ka din? Hindi ka na nagtiwala sa amin. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ka niya minahal." Masakit pero iyon ang katotohanan.

Akmang susugod si ES pero hinawakan ko."ES tama na!" Pero dahil pilit siyang umalis sa aking hawak, nabitawan ko siya. Nahawakan ko ulit siya pero tinulak niya ako dahilan upang ako'y mapaupo. Nagsimulang mag-away ang dalawa. Sabunot dito, kalmut doon. Suntok dito, sipa doon. Kulang nalang eh gumulong sila.

"Ano ba! Itigil niyo nga yan!" Aiden hurriedly stop the fight between the two when he arrived. Pati siya ay nasasaktan kasi ayaw magpa-awat ng dalawa. Buti nalang dumating siya, kasi kung hindi baka makalbo na 'tong dalawa.

Tumayo ako mula sa aking pagbagsak at hinawakan palayo si Heartfilia. Hawak naman ni Aiden si ES. Hindi ko alam kung matatawa o maawa ako sa hitsura nilang dalawa. Gulo-gulo ang buhok na parang hindi nag-suklay. Kalat ang eyeliner, make-up at lipstick. Gusot ang mga damit at idagdag mo pa ang mga dumi sa katawan. Oh diba? Papunta na sa pulubi.

Nang kumalma ang dalawa ay tsaka nagsalita si Aiden. "Bakit kailangan niyo pang magkasakitan? Please lang. Itigil niyo na 'to." Humarap siya kay ES. "We need to talk. All of us. I find out everything. Baka ito ang paraan para magka-ayos tayo."

Pero bago kami makapasok ay isang malakas na busina ng sasakyan ang aming narinig. Bumaba dito ang isang tao na sa pagkakakilala ko ay si Hendrix. May iniabot siya sa aking kahon at papel pagkatapos ay nagsalita.

"You are invited to the party. Andyan na lahat ng kailangan mo. SY will be waiting. So please come."

I'm invited to what? Party? Yeah. Shalom Ymaru's party.

avataravatar
Next chapter