1 1-HF

Normal ang humanga sa isang tao lalo na kung ang taong iyon ay kahanga hanga. May itsura, talento, at may ugaling mamahalin ng lahat. Normal na humanga kahit ikaw ay nasa dose anyos palang. Normal na maging taga-hanga ng isang tao sa loob ng sampung taon.

Fan ako ng isang sikat na banda, na kung tawagin ay 'Isang Direksyon'. Isa ako sa milyon milyong taga-hanga nila, hindi lang sila sa Pilipinas sikat, kundi pati sa iba't ibang panig ng mundo. Binubuo ito ng limang lalaking miyembro. Sina Louis, Liam, Harry, Niall, at Zayn. 2010 palang ay sikat na ang banda nila, unang kita ko palang sakanila ay talagang humanga na ako lalo na noong nag-simula silang tumugtog. Masarap sa tenga ang mga boses nila, parang mga anghel na bumubulong.

Lima man sila sa banda ay sa isa lang ako nagkagusto, siya ay si Harry. Harry Edward Styles. Isa siyang british, unang kita ko palang sakanya ay alam kong humanga na ako sakanya. Mula audition nila hanggang sa sumikat sila ay nakasubaybay na ako sakanya. Bawat concerts, issues, interviews nila ay nakatutok ako, ngunit ang atensyon ay na kay Harry lang. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sakanya na hindi ko nagustuhan sa iba pang miyembro, basta ang alam ko lang.... Gusto ko siyang maging akin.

avataravatar