1 PROLOGUE

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless, otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event is purely coincidental.

All rights reserve. No part of this story may be reproduce, distributed, or transmitted in any forms or by any means, without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime!

***

Lucy Gabriela Celeste

NANDITO ako ngayon sa isang abandonadong lugar kung saan ay tago at malayo sa tinitirhan ng mga normal na tao.

Nagkaroon kami  ng pag-pupulong dahil sa isang misyon na isasagawa namin mamaya, at ang target ay ang isa sa notorious drug lord sa pilipinas, dahil sa walang habas na pag-papatay umano nito sa mga iba't ibang sangkot ukol sa drug related associations para kamkamin ang mga droga.

At tungkol dito, ang pharmaceutical drugs na iyon na ibine-benta sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga hawak-hawak ng iba't-ibang mga dealer, ay nagiging paraan niya para masamsam niya ang mga droga sa pagpapa-yaman niya.

"Sila ang mga Assailant Gangs. At si Moore Adler ang drug lord nila. Kaya, bago pa nila magawa ang pakay nila, we need to cover ourselves as early as we can. Bago pa tayo ang targetin nila. So then, all of us will lead to know and to get that pharmaceutical drugs sa kompanyang tago ni Moore". Paliwanag nang head namin si Copacio Lewis.

"Paano tayo maka-sisigurado na sila ang target ng grupo natin?" Paninigurado ko. Naka-upo ako sa swivel chair, naka-dekwatro habang pina-iikot ko iyon.

Tinawag niya si Joseph at may binulong siya rito. Napansin kong humakbang ito paalis hanggang sa bumalik ito na may dalang envelope at ibinigay kay Lewis.

Binuksan niya ang niya ang envelope at ikinalat niya sa ibabaw ng desk ang nilalaman nitong mga litrato.

"This will be your target, Blade, Nick, James and Lucy. Pag usapan niyong apat kung paano niyo sila tatargetin, lalo na si Moore Adler. I know all of you guys already had a plan to take a risk." Aniya at sabay humalukipkip siya.

Masusi namang sinusuri iyon nila Nick, James at Blade ang mga larawan na inilatag sa ibabaw ng mesa, samantalang pinasadahan ko lang iyon ng tingin. Pagdaka'y isinandal ko ang likod ko.

"I need to go, may aasikasuhin pa ako. Just call me kapag dala niyo na ang sinasabi ko." pinagmasdan kong tumayo si Lewis at binuwelo na niya ang kanyang baston para maka-lakad siya ng maayos.

Nag-silapit ang mga personnel niya at ginu-wardiyahan ito hanggang sa makalabas na siya sa loob ng abandonadong lugar na ito. Pinag-laruan ko ang mga kamay ko habang nag-hihintay ako sa magiging plano nilang tatlo.

"Nick and Blade. You'll be the one to shoot our contenders. And you, Lucy. You'll be the to get that drug. Ako ang magiging monitor niyo sa lahat." Pagkasabi nun ni James ay nag-sitayo na silang tatlo, nag-kibit-balikat ako sabay tumayo na rin ako sa kina-uupuan ko.

avataravatar
Next chapter