6 5. Welcome to your new group

Lucy Gabriela Celeste

**

"BAKA WALA PA SA KALING-KINGAN KO YUNG TINUTUKOY NI LEWIS? TSK. BAKA MAPA-SUBO PA TAYO NITO NG DI-ORAS." Sambit ni Nick habang naka-upo sa backseat, katabi si Blade. Halatang hindi siya makapag-hintay na alamin kung sino iyong lalaking tinukoy sa'min ni Lewis.

Bale kasi, sinabi lang sa amin ni Lewis ang pangalan ng tao, at ang lugar kung saan makikipag-meet up kami sa kanya. Dahil sa sinuwestyon nito na kami nalang ang pumunta sa lungga nila.

"Pwede ba, Nick. You're not helping! Huwag kang mag-alala. Makikilala mo rin 'yong Cohen na 'yon. Kung gusto mo, makipag-buno ka pa sa kanya 'pag nakilala mo siya. Para mapatunayan na wala ka talagang binatbat sa kanya." Naiinis na sabi ni Blade, sabay tinarayan niya ito.

"Tsk. Ganyan ba ka-babaw ang tingin mo sa'kin Blade? Tsk. Watch and learn, kapag nanalo ako sa kanya, akin ka na? Ano, deal?"

Napatingin ng masama si Blade sa kanya. Tumaas naman ang isa nitong kilay.

"Excuse me, kahit matalo ka pa o manalo. Hinding-hindi ako magiging iyo. Pwe!" Sabay siko nito kay Nick pagkatapos ay tumalikod ito sa kanya. Napa-inda naman sa sakit si Nick matapos siyang sikuhin ni Blade.

Nag-katinginan nalang kaming dalawa ni James. Napa-iling si James at napakibit-balikat nalang ako.

"Ang harsh mo talaga, Blade. 'Yan yung gusto ko sa mga babae eh, mala-brutal yung pag-uugali."

Mukhang magsasalita pa sana si Blade ng magsalita si James.

"Nandito na tayo.."

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid matapos kaming maka-pasok sa loob ng lumang gate, at natanaw ko ang isang mukhang pinag-lumaang bodega na nasa harap namin.

Magka-kasabay kaming lumabas ng kotse nang naiparada na ni James ang sinasakyan namin. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nag-lakad papasok ng lugar na iyon.

Bago pa kami maka-pasok sa loob, hinarangan kami ng tatlong armadong lalaki na may mga hawak-hawak na mga Colt M4 guns.

"Anong kailangan niyo?" Tanong nung isa na may katangkaraan, mala-bombay ang mukha at malaki ang pangangatawan.

"Hinahanap namin si Von Carter Cohen." Sambit ni James.

Tinawag niya ang isa sa mga kasama niya matapos siyang magbigay ng senyales gamit ang kanyang hintuturo. Sabay may binulong ito dun sa lalaking tinawag niya na medyo malaki rin ang pangangatawan, sakto lang ang tangkad.

"Sumunod kayo sa'kin.."

Sumundo kami sa lalaking 'yon hanggang sa dalhin kami papasok sa loob ng bodega na 'yon.

Pagka-pasok namin, dinala niya kami paakyat sa itaas. Akala ko'y bodega lang ito kung titignan sa labas, pero may tinatago rin palang alas ang loob nito. Dahil bukod sa may mga naka-tambak sa first floor, hindi ko inaasahan ang bubungad sa'min ng marating namin ang tenth floor, nang ginamit namin ang elevator sa likod ng mga naka-tambak na gamit doon.

"Umupo muna kayo diyan. Hintayin niyo dito si boss.."

Umupo kami sa naka-handang mga upuan sa tabi, at naka-lagay ang malaking pabilog na glass table sa harap namin.

"Mukhang hindi naman pipitsugin ang kuta nila. Akalain mong bodega, mala mansiyon ang loob.." Hindi makapaniwalang sabi ni Nick.

"Tama ka Nick. Mukhang paraan rin nila ito para hindi sila mabisto." Dagdag ni James. Napansin kong hindi pa rin maalis ang mga tingin niya sa paligid habang ginagala niya ang mga mata niya dito.

"Lucy, ano sa tingin mo?" Napa-pitlig ang ulo ko kay Blade na ngayon ay naka-tungkod ang siko sa table habang naka-tingin sa'kin.

Nag-cross arms ako at isinandal ko ang likod ko sa backrest ng inuupuan ko. "Well, hindi naman na nakakapag-taka.." wika ko.

Unang tingin ko pa lang kasi ay, hindi lang basta ordinaryong bodega ito. Gawa sa glass ang mga pader, marbled ang sahig at may chandelier. Pero kung titignan, simple lang kung tutuusin ang kwartong ito.

Napukaw ang atensyon naming apat ng may lumabas na isang lalaki mula sa isang madilim na kwarto na malapit sa kina-uupuan namin.

May mga kasama itong dalawang escort na may mga armas, at nag-lalakad ito habang nasa likod ng isang matipunong anyo ng katawan ng lalaki, ang ayos ng kanyang buhok ay quiff, tapered sides. Ang kanyang tindig ay naka-agaw sa'kin ng atensyon, nang mapatitig ako sa kanya sandali.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng umupo ito sa harap namin. Ipinatong sa ibabaw ang magkabilang kamay niya at pinag-saklop ito.

"Welcome to Empire Assassinate Gang. I know you don't expect this, buy I would not hesitate to confront all of you." Tumigil siya sandali ng pinasadahan niya kami tingin.

"Let me introduce myself. I'm Von Carter Cohen. I'm the Master of this gang, and I know all of you knew me already.."

"So, you are Von pala. Well, it's nice to meet you, Von. I'm Nick Rivera by the way." Iniabot ni Nick ang kanyang kamay at nag-shake hands silang dalawa.

"I'm Blade Collins." Ganun rin ang ginawa nila ni Blade.

Nakipag-kilala rin si James, pero napansin ko na parang iba ang atmospera ng tingin niya kay Von. Parang hindi niya gusto na maging master namin si Von. Isinawalang bahala ko muna iyon.

"Lucy Gabriela Celeste, right?"

Hindi ko alam kung paano niya kaagad ako nakilala. Pero hindi na rin nakakapag-taka dahil marami itong galamay kaya nakilala niya na ako.

Inabot ko ang kanang kamay ko sa kanya. Pero, sa halip na makipag-shake hands siya ay, sandali niyang tinapunan iyon ng tingin. Sabay inangat niya ang tingin niya sa akin ng titigan niya ako.

Sandali akong napa-tingin sa kanya nang may pagka-wari. Napansin kong kulay-berde ang  mapupungay na mga mata nito, mahaba ang pilik-mata, makapal ang katamtamang kilay, matangos ang ilong at mamula-mula ang labi.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya, kasabay ng pag-bawi ko nang kamay ko. Napa-taas ako ng kilay.

"I don't like a weak person in my team. If you don't mind, I killed them quickly as I can." marahas niyang sabi na may pag-didiin.

I exhaled. Pilit na lang akong ngumiti sa kanya.

"So, sorry?"

Hindi na siya nagsalita, sa halip ay nginisian lang ako. Pagkatapos ay tumayo na siya at humalukipkip.

"We'll have an operation tomorrow. Just get ready yourself for your first lethal job." Sambit niya. Pagdaka'y umalis na siya kasama ang mga tauhan niya. Naiwan naman kaming apat.

"Mukhang may ibubuga nga.." pabulong na sabi ni Nick.

"I told you, Nick. Wala ka talagang ibubuga sa kanya. Isang dakot ka lang niya, patay ka." Mapag-bantang sabi ni Blade.

"No, his not." Napansin ko ang pag-pukol nila ng mga tingin nila sa akin ng makita ko iyon sa peripheral vision ko. Napa-titig naman ako sa kanila nang tinapunan ko sila ng tingin.

"What do you mean, Lucy?" Nagtatakang tanong ni Nick.

"I'll make him fall in own my hands.." napa-tingin lang sakin sila Nick at Blade.

"Lucy.." ibinaling ko ang tingin ko kay James na ngayon ay walang eksresyon ang mukha ng tapunan niya ako ng tingin.

"I think it's the good way, to make our bandits completed again. To fall him in my own hands.."

Napa-tango nalang si Blade. Habang si Nick ay nakuha pang pumalakpak at pailing-iling. Si James naman ay naka-tingin lang sakin, at wala pa ring ekspresyon ang kanyang mukha.

avataravatar
Next chapter