4 3. New Boss?

Lucy Gabriela Celeste

"MUKHANG MALAKI-LAKI ATA ANG SUSUNOD NA TUTUMBUKIN NATIN HA? HEAD LEWIS?" Naka-patong ang mag-kabilang paa ni James sa ibabaw ng mesa habang naka-upo siya.

"Syempre, katulad pa rin ng dati. Anong masasabi mo Blade?" Sabay kindat ni Nick kay Blade. Inirolyo lang niya ang kanyang mga mata. Napa-tawa nalang si Nick.

Hindi maikakaila na kapag palaging pinag-sasama ito ni James, napapansin namin na parang may pag-tingin si Nick kay Blade. Pero halatang ayaw ni Blade kay Nick, kahit na dati pa ay nagpa-papansin na ito sa kanya.

Napailing nalang ako.

"Listen everyone. Before anything else, I congratulate you again about your successful mission yesterday." Naka-prenteng upo ang Head na si Lewis sa kanyang inuupuan. Mataman ang mga seryoso nitong mga mata na naka-tingin sa'ming apat.

"Well, as always naman boss. Pero pag-congratulate lang ba ang balita mo? Hmm, mukhang kailangan muna nang pag-papakilala.." Sabay himas niya sa kanyang baba na animo'y parang sinusuri kung tama nga ang hinala niya, habang naka-pukol ang tingin kay Lewis.

"Hindi, James. I had also an important news that everyone of you should know." Parang bigla akong lalong sumigla ng mag-pantig sa mga tenga ko iyon.

Napansin ko sila Nick at Blade na kanina'y nag-tatalo ay natuon ang atensyon sa sinabi ni Lewis. Halata sa kanila ang pagka-inip na malaman ang sasabihin ni Lewis.

Maayos niyang isinandal ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan, habang naka-hawak ang kanan niyang kamay sa kanyang baston. Masusi kaming pinukulan ng kanyang mga mata.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "I know all of you guys don't you expected it, pero kailangan. From now on, hindi na ako ang magiging Head niyo sa trabahong 'to. Pero asahan niyo na maka-kasama niyo pa rin ako.."

Napa-hampas ang magka-bilang mga palad ni James sa ibabaw ng table na kanina'y prente sa kanyang pag-kakaupo dahil sa binitawang salita ni Lewis. Ipinitlig ko ang ulo ko kina Blade at Nick na ngayon ay bakas ang pag-kagulat sa kanilang mga mukha.

"What are you talking boss? Hindi maaari 'to! Saka kung kailan kami nasanay at naging maganda ang takbo ng grupo natin, saka naman ang pag-alis mo sa pagiging boss namin? What the heck!" Sabay tumayo si James. Nagpabalik-balik sa paglalakad, napa-hilamos sa mukha sabay puma-mewang.

Ibinagsak ni Blade ang kanyang likuran sa sandalan ng kanyang kina-uupuan, habang si Nick ay nag-hihintay sa susunod na sasabihin ni Lewis.

Nakita ko ang pagbuntong ng hininga ni Lewis ng mag-bitiw siya ulit ng salita.

"You guys are my great bandits. It's time to work your job with your new boss. Besides, I'm getting older. Mas mainam na taga-bilang nalang ng pera habang naka-upo." Aniya, at sinubukan pang mag-biro.

"Please bear with me. I know you don't want it but you should. Aside from, you don't want guys to broke each other as a team, alam kong malaking tulong rin ito sa pangangailangan niyo.." he paused.

He looked on us. "Nick, Blade, James and Lucy.." ngayon ay sumeryoso na ang kulubot niyang mukha.

"Tama si boss, Blade, James and Lucy. Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang bagong mag-ooperate sa grupo natin.." tumayo si Nick at umupo sa ibabaw ng table. Sabay, ipinulupot niya ang kanyang mga bisig banda sa kanyang dibdib.

"What do you think, Blade, James, Lucy? Don't think na mag-kakatawak-watak tayo. We're as a team, right? Paano tayo mag-kakaroon ng sarili nating operasyon in the future kung di tayo mag-kakaisa, hindi ba?" Sambit niya. Pabalik-balik naman ang tingin niya sa amin nila Blade at James.

"Fine. For our bandits sake. Besides, we're still a team, si Lewis lang naman ang mawawala." Pabirong sabi ni James. Nakuha pa nitong mapa-tawa ng marahan.

"How about you, Blade?" Tanong ni Nick habang pinag-mamasdan ngayon si Blade na pinag-totoss ang kanyang mga daliri, na naka-tungkod ang mag-kabilang siko nito sa armrest ng kina-uupuan niya.

Inirolyo muna niya ang kanyang mga mata, sabay ibinuka niya ang kanyang bibig. "Ano pa bang magagawa ko?" Sabay nag-cross arms siya.

"Yon!" Masayang sabi ni Nick. Napansin kong biglang tumahimik ang paligid.

"How about you, Lucy? Ikaw nalang ang hinihintay.."

Inayos ko ang upo ko ng ibinaling ko ang tingin ko sa kanilang tatlo.

"Lucy, please agree with them as for me. Hindi magiging solid ang grupo kapag wala ka.."

I know. Ever since na naging bahagi ako ng grupo na 'to, palagi nilang pinapa-ramdam sa akin na mahalaga ako sa kanila--lalo na kay Lewis na siyang tumulong sa akin para maka-pasok ako dito, para lang maitawid ko ang pang-araw araw ko.

Ayoko mang baliwalain ang pinag-samahan namin, pero hindi ako sang-ayon sa gustong mangyari ni Lewis, lalo pa't ayoko ring may dumagdag pa sa grupo namin at mawala siya - na kung tutuusin ay, kompleto na.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko. Ini-hakbang ko ang mga paa ko palabas ng lugar na iyon.

avataravatar
Next chapter