11 10. Your Mission

Lucy Gabriela Celeste

**

"ANO BA? HINDI NIYO BA TALAGA AKO BIBITAWAN HA?" naiinis kong sabi. Sinubukan kong kumawala, pero ang tigas ng mga bungo ng dalawang asungot na 'to.

Mukhang gusto ata nilang makipag-laro sa'kin. Kanina pa kasi ako nasasaktan sa pagkaka-hawak nila sa braso ko eh.

Sa inis ko, inapakan ko yung isang paa nung nasa kanan ko. At tamang-tama ay naka-heels ako, kaya namilipit siya. Inapakan ko rin yung paa ng asungot na nasa kaliwa ko kaya napa-inda silang dalawa sa sakit.

Akala ko ba matitigas 'tong mga asungot na 'to? Bayagan ko pa kaya?

Naisipan kong gawin na bayagan silang dalawa, at mukhang nakuha pang umilag nung nasa kaliwa ko na may tattoo sa balikat, at malaki katawan. Kaso nga lang, hindi siya umubra sa bilis ko, kaya nabayagan ko na siya. Hanggang sa nabitawan na nila ako.

Ngumisi ako habang pinapagpag ko ang dalawa kong mga kamay ng pagkis-kisin ko iyon. Naka-ngisi ko pa rin silang pinag-mamasdan. Namimilipit sila sa sakit habang naka-hawak sila sa mga bayag nila. Mga ungas! mga pipitsugin lang pala!

Pagdaka'y tinalikuran ko na sila. Pero bago pa ako maka-alis, napa-rolyo ako ng mga mata ko ng may dalawa lalaking naka-tayo at humarang sa harap ko.

Gusto rin ba akong subukan ng dalawang 'to na mga mukhang gunggong? Baka katulad lang rin sila nung dalawang nauna? ano bang utak yung Von na 'yon at nagkaroon pa ng mga tauhan na mga walang kwenta? Dapat nito, mga pang-sementeryo lang eh. Para tumibay ang loob. Tsk..

Hindi ko namalayan na mabilis na pala akong nahawakan nung dalawa. Napagtanto ko rin na naka-upo sa harap ko yung weak na si Von, inaaliw ang sarili habang naka-upo siya sa swivel chair at pinapa-ikot niya iyon.

Napansin ko nasa loob na pala ako ng ibang kwarto ngayon. Pero, in fairness ha, hindi na siya lungga ng mga gagamba, mukhang bumawi naman na yung weak na si Von dito--maaliwalas at maganda ang paligid.

"Ano na namang palabas 'to? papakatay mo na ba ako sa dalawang pipitsugin na 'to?" sabay duro ko sa dalawa. Narinig kong napa-tawa naman yung g*go!

"What do you think, ms. Celeste?" mapang-asar niyang sabi. Aba, mukhang nagsisimula na naman siyang hamunin ako ha? Duh. Baka akala naman niya, mananalo siya? tsk. What a freaking weak!

Pinagto-toss niya yung mga daliri niya habang naka-tungkod ito sa ibabaw ng mesang nasa harap niya, ng mapansin kong maayos na ang pagkaka-upo niya.

"Ipapalibing? Oh, diba sabi ko saiyo kanina, isasama kita?" nakita kong inawat niya ang pagto-toss sa mga daliri niya nang masama siyang tumingin siya sa akin. Tumayo siya sa kina-uupuan niya at saka humalukipkip.

"Let her go. And you two can leave us now.." pag-utos niya sa dalawa niyang tauhan. Naka-luwag naman ako ng kalagan na ako nung dalawa, pagkatapos ay pinabayaan na nila ako ng umalis na sila. Inayos ko ang sarili ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya, nang naka-taas ang isa kong kilay. And I crossed my arms.

"What do you need? Hindi ka pa ba kontento sa pagpapa-kulong mo sa akin sa dun sa kwarto na mala-tirahan ng mga gagamba?" nauuyam at asar kong sabi. Sa halip na tumugon siya sa sinabi ko, ang pag-hakbang niya ang naging tugon niya ng nag-lakad siya papalapit sa akin. Ilang distansiya lang ang pagitan namin ngayon.

"Bakit? May sinabi ba akong mali? Ayaw mo bang sumama sa pag-lilibingan ko?" hindi ko pa rin inaalis ang pang-iinis ko sa kanya. He let out a deep breath at inalis niya ang tingin niya sa akin.

Anong problema ng weak na 'to? Pipi na ba siya ngayon?

Ay akala ko, pipi na. Nagsalita rin sa wakas.

"I don't want to have a fucking warfare in you, just for your nonsense words. I brought you here so you may know the purpose of it." tinignan ko lang siya habang nag-sasalita siya. Pagkatapos ay nag-kibit balikat ako.

"Okay." walang gana kong sabi. Naisipan kong tumungo sa swivel chair na inuupuan niya kanina, at umupo ako doon.

Ipinatong ko naman ang mga hita ko sa ibabaw ng table, in a crossed legs. Habang ang mag-kabila kong kamay ay naka-patong sa armrest.

Napansin kong napa-dapo ang tingin niya sa mga hita ko. Pero kaagad niyang inalis ang tingin doon. Napa-ngisi ako. Huwag niyang sabihing, type niya ang mga hita ko?

"Put it down. It's not effective to lure me, slut." normal niyang sambit. Ngumisi ako.

Medyo narindi lang yung mga tenga ko sa pagkaka-sabi niyang slut. But, well. Hindi rin naman na bago sa akin. Say something everything to me, weak. State to me frankly that I'm hussy, promiscuous, whore, prostitute or whatever, hindi ko naman ika-yayaman yung pag-huhusga mo. G*go! I mumbled to myself, nauuyam akong naka-tingin sa kanya.

Inalis ko ang mg naka-patong kong mga hita sa ibabaw ng table, nang ipatong ko naman ang mga bisig ko doon at pinag-saklop ko ito. Hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kanya.

"So, ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin, ha? my Weak master?" pag-didiin kong sabi sa kanya.

Nakita kong tumungo siya papunta sa harapan ko. Lumapit siya sa ibabaw ng mesang pinag-patungan ko kanina at inilapat niya ang mga kamay niya doon, at naka-tungkod ang magkabilang niyang mga kamay nang humarap sa akin.

"I know you're eager to know it, Lucy Gabriela Celeste." he paused. Let me inform you again that I'm not a weak. Second, for giving me that nickname, you broke again my rules. Don't you know my fucking last word? huh?" sambit niya. Pero base sa tono ng pananalita niya, mukhang bibigay na siya. He's totally a weak bastard!

"Your last word?" nag-kibit balikat ako. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan. "I'll die? right? pero bakit hindi mo pa gawin?" pang-iinis ko sa kanya. "Well, I'm actually waiting, kanina pa nga eh.." I said teasing him. Napansin kong parang nagnga-ngalit ang mga ngipin niya.

Hindi na rin nakaka-gulat nang makita kong nasa harap ko na siya ngayon, at malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Marahas niya akong hinawakan sa'king baba. Ngumisi lang ako sa kanya.

Halos naamoy ko na nga yung hininga niya ng magsalita siya. Oh, well. I'd rather that it's addicting.

"I'll rather buried you alive than killing you using my gun. I think it is not enough to kill an evil weed like you." kalmado niyang sabi. Pilit kong nginisian siya. Sabay marahas niya akong binitawan. Humalukipkip siya ng tumalikod siya sa akin.

"You have ten days to do your job starting tomorrow. At kapag hindi mo nagawa, you'll not see your bandits anymore--nor Lewis. Mark my word, Lucy Gabriela Celeste." Pagdaka'y nakita ko siyang nagsimula nang humakbang paalis.

Sandaling kumulo ang ulo ko sa kanya ng sambitin niya ang mga 'yon. So, 'yon pala ang sasabihin niya sa'kin dito? At para gamitin niyang panakot sa'kin? Tss. G*go ba siya? Anong karapatan niyang idamay ang mga kasamahan ko? pati si Lewis? Saka paano niyang nalaman ang totoong dahilan ko? Hawak niya si Lewis? Pati sila Nick, Blade at James? Pinag-lalaruan ba ako ng hayop na 'to?

Mabilis akong humarang sa dinadaanan niya ng habulin ko siya. Pina-iinit ang dugo ko ng hayop na 'to eh.

"Nasaan silang tatlo? Pati si Lewis!?" galit kong sabi sa kanya. Tumaas ang isa nitong kilay.

"I'll not tell it unless you're done in your job." he paused, naka-tingin pa rin siya sa akin.

"And by the way, make me impress first on it so I will give your reward."

"Hayop ka Von! Kapag may nangyari lang sa kanilang masama, isasama talaga kitang ibaon ng buhay sa hukay!" napa-ngisi siya ng nakakaloko.

"Then, let it be. Besides, like what you've said, if I'll die alive with you, I cannot taste anymore your lips. Do am right?"

"G*go! kahit mawala ka sa mundo, hinding-hindi ka masarap halikan!" gigil kong sabi sa kanya. Ang lawak rin ng imahinasyon ng hayop na 'to eh.

"Saka, ano bang akala mo sa akin? palaging tigang diyan sa labi mong ang pait? G*go ka!" pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka pag-nagkataon ay, tanggalin ko pa yung bibig niya!

"Really? Then why did you responded to my kiss lately? Don't you say you did not like it? huh?"

Sa irita ko sa kanya, umakma akong sasampalin siya pero pinigilan niya iyon. Pagdaka'y bigla niya akong tinulak papunta sa kanya at mapusok niya akong hinalikan ng ilang segundo. Pagdaka'y humiwalay ang labi niya sa akin at marahas niya akong tinulak.

"Now, will you again say to me that it's not tasty and dainty?" tumaas ang kilay niya at nakakaloko niya akong nginisian na animo'y parang demonyo. Pagdaka'y humakbang na siya at nilisan ang lugar na kinatatayuan ko ngayon.

Hayop ka talaga Von! Hindi ka na makakaganti sa susunod! Irita kong bulong sa sarili.

Hayaan mong pamagain ko mismo 'yang labi mo. Ngumiti ako ng may pagka-banas. You should be ready for it, my weak master Von Carter Cohen.

avataravatar
Next chapter