2 1. The Target

Lucy Gabriela Celeste

IT'S about five o'clock na at nagmadali na kaming kumilos kasabay ng pag-luwas namin sa lugar na pinag pulungan namin.

Inihanda na ni Blade ang isang itim na kotse na sasakyan namin patungo sa lugar na iyon na kung saan ay, isang tagong lugar sa Manila.

Sumakay na ako sa passenger seat. Si Blade ang driver at sila Nick at James ay nasa back seat dahil may ini-hahanda sila sa screen monitor, at ibang mga bagay na kakai-langanin para sa gagamitin namin mamaya.

Papalubog na ang araw at tamang-tama lang ang pag-silay ng gabi para gawin ang pakay namin. Sinulyapan ko sa rear-view mirror sila Nick at James na hindi pa rin magkanda-ugaga sa kanilang ginagawa.

"Tapos na rin." Sabay napasinghot si James na humuhugot ng hininga.

"We're actually near on our target place." Tinignan ko ang location map sa screen at ilang metro nalang ay malapit na kami.

Pina-harurot na ni Blade ang pag-mamaneho niya hanggang sa tumigil na ang pag andar ng kotseng sakay namin ngayon sa isang malaking lumang establisyemento na nakatayo dito sa isang masukal na iskinita, at halatang walang masyadong tao ang nag-daraan dito.

"Lucy. Its your turn." Pagkasabi niyon ni James ay umakto na akong lumabas pagkatapos kong buksan ang pinto ng sasakyan.

Naka-suot ako ng black draped skirt, stiletto, orange sweetheart neck attire, naka-low bun hair ako at may dala akong minaudiere bag.

"Miss. Do you have an appointment?" Sandaling may humarang sa akin na dalawang bouncer ng itanong nung isa sa'kin iyon.

"Ah. I haven't. I just want to have some game in casino.." Sabi ko at nginitian ko sila na mapang-akit. Isiniwalat ko ng bahagya ang legs ko na bahagyang naka-luwa sa'king slit na skirt at napa-titig naman ang dalawang bouncer. Napansin ko ang pag-alon ng lalagukan ng isa, habang hindi pa rin maawat sa ka-titig ang isa.

"Can I?" Mapang-akit kong tanong.

"Sige, makakapasok ka na." Sambit niya at umalis na yung dalawang bouncer sa harapan ko at nagpatuloy na akong maglakad papasok sa loob.

Siya nga pala, meron kasing isang gambling place sa unang palapag ng malaking establishimentong ito at hindi halata at expose sa paligid dahil ito ay tago.

Pa entrance palang ako ay nasilayan ko na ang mga tao sa paligid na nag-susugal. Ang iba ay nanunuod at ang iba naman ay palakad-lakad na animo'y may minamasid sa paligid. At halatang mukhang guwardiyado ang paligid dahil sa mga naka-formal attire ang naka-bantay sa paligid, at napansin kong may mga armas itong mga hawak-hawak.

Itinuon ko muna ang sarili ko sa'king dinadaanan patungo sa lugar kung saan nag-susugal ang mga manlalaro.

Umupo ako nang tuwid sa isang bakanteng upuan. Nakuha ko ang atensyon nila na umupo ako at sumali.

"Newcomer?" Tanong sakin nung lalaking may hawak ng baraha. Actually, ngayon lang ulit ako nakapag-laro nito. Ilang buwan na rin akong hindi nakaka-paglaro nito dahil sa kabi't-kabilang operasyon na isinasagawa ng grupo namin.

Kumuha ako ng isang sigarilyo sa bag ko at sinindihan ito. Sa katunayan, natutuhan ko ito kila Nick, James at Blade nang bagong salta pa lang ako sa grupo. Malaking tulong rin ito kaya, unti-unti ay nasanay ako. Hanggang sa kalaunan ay nananalo ako. Maraming bagay rin silang itinuro sa'kin ukol sa trabahong ginagawa namin.

Anyway. Istilo ko ito para makita ni James ang mga armadong lalaki sa paligid na ngayon ay patuloy pa ring nag-mamasid. Meron kasi akong isang maliit na camera na naka-lagay sa damit ko at headphones sa tenga ko na natatakpan ng buhok ko.

"Lucy, Just keep your eye on him. Guwardiyado na namin ang exit." Rinig ko sabi ni Nick sa earphone.

Hanggang sa magsimula na ang laro at hindi naman ako mapakali sa kamamasid sa paligid habang nag-lalaro.

"Tapos na ba ang pinapagawa ko?"

"Tapos na boss. Ipatatawag ko na si Jack para kunin ang mga droga."

Nagpantig ang dalawa kong tenga ng marinig ko ang mahinang usapan nung isang naka semi-formal na suot ng lalaki na may edad na at mukhang mga escort niya ang dalawang lalaking nakabantay sa magkabilang side niya at nakatayo malapit sa pwesto ko.

Sinulyapan ko saglit ang barahang hawak ko, napansin ko ang pag-lapag ng isang manlalaro, sumunod ang isa. Saka ko inilapag ito.

Jackpot.

Sakto namang natapos na ito. Halos hakutin ko ang lahat ng perang taya ng apat na players at sa di-inaasahan ay lumago pa ang pera ko.

"Oh. Your lucky huh.." mahinang sabi nung katabi kong matandang lalaki na naka semi-formal ring suot at sabay nginisian ako.

Kinindatan ko siya. "Thank you." Sabay nginitian ko.

Umakma na akong tumayo para sundan ang lalaking iyon na sa pag-kakaalam ko ay ang founder ng gambling na ito, may-ari ng kompanyang gumagawa ng drugs na kung saan ay kilalang sources ng mga mamamakyaw ng droga dito sa pilipinas. Siya rin ang drug lord na target namin.

Kinuha ko sa bag ko ang maliit na cellular phone at tinawagan ko si James.

"Kasunod ko na ang target." I said in a lower and serious tone.

Pagdaka'y nagpatuloy ako sa'king paglalakad ng maingat dahil sinusundan ko ang target.

avataravatar
Next chapter