2 Chapter 1

"Nice. Very nice. First day of school sucks!" I sarcastically said to myself.

I am here in front or should I say, at the middle of the front gate of my NEW SCHOOL.

"New school, huh? Let's see if what's the difference between this school and that old fuckin' school of mine." I continued.

First day, if I know, walang kwenta naman ang pagpasok kong ito, kung hindi lang dahil kay Ate Aphro hindi ako papasok ngayon. Kahit ayaw kong pumasok no choice ako, mapagalitan pa ako ni Ate.

Oo. Ate's boy ako, so what? Got a problem with that? If there is, then let my fist handle your face, ng maisunod ko kayo do'n sa tambay na sinubukan akong pagtripan ng papunta ako dito.

Naglalakad na ako papasok tapos 'yong mga students na nandito sa labas ay nakasunod ang mata sa'kin at iyan pa naman ang isa sa ayaw ko sa lahat, 'yong pinagtitinginan ako. Siyempre new face. Ganyan naman palagi.

Anyway, kung itatanong niyo kung bakit ako nagtransfer, well nakick-out ako. Why? Masiyado daw kasi akong gwapo para manatili pa do'n kaya kinick-out nila ako. Mga inggitero kasi eh hindi na nakuntento sa kung anong meron sila, but kidding aside, the real reason kung bakit ako nakick out... ay malalaman nyo rin mamaya.

Nah, just want to. May masama?!

Back to the story.

Andito ako ngayon sa may hallway, looking for some place ng marinig ko ang isang babae at halata namang ako ang tinutukoy niya. Ang kapal ko lang.

"Ang cute niya," sabi ng babaeng nadaanan ko este madadaanan palang pala.

Seriously? Cute? Ako? Mukha ba akong tuta? Kuting? Maniniwala sana ako pag sinabi niyang gwapo ako! Yabang lang 'no? Eh ano bang magagawa ko, totoo naman talaga. Walang halong biro. Just stating the fact here, anyway. Hindi ko na kasalanan kung gwapo ako at kung ayaw niyo akong paniwalaan. You want my picture? Just tell me.

Well, enough at the meantime Justin, alam mo namang gwapo ka talaga at hindi babawas 'yon, dadagdag lang kaya magfocus ka nalang sa kung ano talagang hinahanap mo. Yeah.

Wait, did I already introduce myself? If not yet, then my name is John Justin Garcia, just call me JJ for short, much better if you'll call me gwapo. 17 years old and a 4th year high school student in this freakin' school, 'yan lang muna ang masasabi ko.

Aish. Focus JJ. Focus!

Naman kasi. Saang lupalop ng planeta naman ba kasi nilagay ng school na 'to ang faculty room? Kanina pa ako palinga-linga dito sa kakahanap, hindi ko naman makita.

Sigh. Makapagtanong na nga lang, hmm... at naghanap na nga ako until I spotted this three girls, giggling with the scene of me. Tsk tsk iba na talaga ang gwapo– hep, I know na paulit-ulit na, niriremind ko lang kayo baka kasi makalimutan niyo pero dahil sa may konsiderasyon naman ako sa mga tenga niyo, kaya eto last na 'to– ANG GWAPO KO TALAGA, pero sana matitino ang mga 'to. Malapitan nga.

Papalapit palang ako sa kanila. Sumasakit na ang tenga ko sa 'di makabasag na boses nila. Grabe. Note the sarcasm please.

"OMG GIRLS! Ang gwapo!" sabi no'ng babaeng may bangs at may clip sa buhok. Hindi naman bagay sa kanya.

"Ay ewan. Basta ang alam ko lang ay nakatingin siya sa atin at papalapit. OMO! OMO!" sabi no'ng kasamahan nilang pandak pero cute naman.

Hindi na sana ako tutuloy kaso no choice na ako, wala din naman kasing ibang students dito sa hallway maliban sa tatlong 'to and I need to hurry.

Nang makalapit na ako. Nagtanong na ako kaagad.

"Hey, itatanong ko lang sana kung—" hindi na nila pinatapos ang itatanong ko sana ng sabay-sabay silang nagsalita.

"Kung ano ang pangalan namin?"

"Hindi. I just want to know if—"

"If my boyfriend na kami? No we don't have." silang tatlo.

"Aish! Shut up, will you?! Let me finish it first, ok?! I just want to ask if you can tell me the way to the faculty room!" I said, angrily. Sorry, hindi na ako nakapagpigil. Nagmamadali ako eh.

"Ano muna ang pangalan mo?" 'yong nakablush-on ng makapal. Parang sinampal lang ng kaliwa't kanan.

"Kung pwede lang sana sagutin niyo nalang ang tanong ko. Alam kong hindi naman mahirap sagutin 'yong tanong ko. So if you don't want to, then just say it. Stop wasting my time!"

Naman, ayos trip ng mga 'to. Nakakapikon ang pagkamakulit. Hindi ba nila nahahalatang nagmamadali ako?

Aalis na sana ako nang muling magsalita 'yong pandak pero cute.

"Just go straight then at the first corner, turn right. May sign board naman 'yan." mabuti pa ang isang to.

"Thanks." I said to her then umalis na ako. Ulit.

Ok na eh.

Nakakailang hakbang palang ako ng sumunod sa akin 'yong may clip at humarang sa dinadaanan ko at tsaka hinarap at tinanong ako.

"Gano'n lang 'yon?" she asked.

"What?!" iritado ko na talagang sabi sa kanya. Pag ako talagang naubusan ng pasensya dito sa kakulitan niya. Babangasan ko 'to, kahit hindi 'yon nakakagwapo.

"Hindi mo manlang ba kukunin ang pangalan namin o kaya 'yong mga cellphone numbers namin bilang kapalit sa pagtulong namin sa'yo?"

Wow lang ah. Wow talaga. This girl infront of me is unbelievable.

"Sorry miss ha? Pero if I know, I already had mine. My own name and number kaya 'di ko na kailangan ng sa inyo at tsaka pagkinuha ko pa 'yong names and numbers niyo mawalan pa kayo. Kaya kung pwede lang kung wala ka nang itatanong o gustong ipakuha sa'kin, aalis na ako dahil may pupuntahan pa ako, ok?" I said tapos naglakad na papaalis sa harap niya but then ng may naalala akong sabihin tumigil ako at hinarap siyang muli. "Wait, baka pati VRGNTY niyo gusto niyo ring ipakuha sa'kin?" nakakaloko kong tanong.

"At oo nga pala before I forgot again. Ang pangit ng clip mo sa'yo hindi bagay at ikaw, 'yong may makapal na blush-on, pakinipisan naman 'yan para kasing pinadel eh at 'yung isa ninyong kasama, well she's cute, pandak pero pwede narin." with that naglakad na ulit ako.

Teka, may naalala ako. Nasabi ko 'yon? Alahoy, ansama, pero yae na. Like I care, tss. Wapakels ako diyan.

"'Oy teka!" 'yong may clip. Aish, ito talaga 'yong pinakamakulit sa kanila. Sagaran.

"Bakit? Ipapakuha mo ba? Sabihin mo lang. Free ako anytime basta para diyan," I said while giving them my famous evil-pervert-grin.

She stiffen at the moment I said that at nagsilakihan ang mga mata.

Bastos na kung bastos ang labas. Wala akong pakialam, ang kukulit eh tsk. Girls are really a nagger and I hate it pero to tell you guys, hindi pa ako naka-ano. Alam nyo na 'yan. Virgin pa ako.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya kaya binilisan ko na ang paglalakad para makaalis na doon.

Habang naglalakad ako papuntang Faculty Room, kapansin-pansin ang mga student na nagmamadaling umakyat papuntang second floor, yata?

Anong meron? Ehem, curiousity kills pa naman. Sigh. Anyway pala, wala na akong panahon pang alamin 'yon. I need to hurry.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa tapat ng faculty room. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may nahagip na chismis ang aking tenga. Watta term. Nahagip.

Mapakinggan nga, chismoso lang.

"Grabe siya. Nakakatakot talaga." sabi no'ng babaeng natambay doon malapit sa kinaroroonan ko

"Ay girl tama ka diyan. Walang sinasanto, kaya nakakatakot kalabanin 'yong grupo nila." pagsang-ayon naman no'ng isa.

"At isa pa, kaya walang nangangahas na saktan ang mga kaibigan niya dahil malamang basag ang mukha." the first girl added.

"Yeah right pero paminsan-minsan, merong kumakalaban." then pag-a-agree naman no'ng pangalawang babae.

"Tanga na 'yon at mga gusto ng mabaldado." girl two with conviction on her voice, 'yong tipong sure na sure talaga siya sa sinasabi niya at tapos ay nagtawanan na silang dalawa.

Tungkol sa ano kaya ang pinag-uusapan nila? Gusto ko sanang tanungin but hindi ko na ginawa.

Hindi na ako nakinig pa doon. Pumasok na ako sa faculty room.

avataravatar