1 ANG PAGPUPULONG

Isa isang nagsi pagdatingan ang mga lalaki at babaeng naka pormal na damit. Ang iba ay may dalang laptop, ang iba ay may dala dalang attache case at kung anu ano pang kagamitang pang opisina.

"Naririto naba ang lahat ng kinatawan?"

ika ng isang matipunong lalakeng naka itim na polo at kurbatang pula.

"Wala pa ata ang kinatawan ng kaharian ng gintong oras" sagot ng isang may katabaang babae na nakaupo malapit sa kanya.

"Ako pa ba ang mawawala? Naghihilik pa ata kayo ay nadirito na ako" isang payat at matandang lalaking may mahabang puting buhok at kapansin pansing napakarami nitong orasan sa magkabilang braso.

Kaswal na nagtawanan halos ang lahat ng nasa pagpupulong. Isa itong silid na may napakahabang mesa at naka paligid dito ang labin tatlong tao.

"Pormal ko nang sinisimulan ang pagpupulong na ito, at kung inyong nanaisin maaari na tayong mag si pag balik sa ating mga tunay na anyo." Ika ulet ng matipunong lalaking nakaupo sa dulo ng mesa at may pinakamalaking upuan sa lahat.

Sa isang malik mata ay nag bagong anyo ang lahat. Nagsipag laho ang kanilang pormal na kasuotan at napalitan ng iba't ibang makukulay na damit. Ang iba pa ay nakasuot ng bakal bakal na pangubli. Habang ang iba ay halos matabunan ng kung anu anong elemental ang kanilang sarili.

"Hay sa wakas. Kanina pa akong hindi komportable sa ganoong anyo " Isang nilalang na tila may mukha ng isang alimango at nababalutan ng makakapal na shell at corals.

Halos sumang ayon ang lahat sa kanya.

"Sir! Sir! Excuse me po naiwan ko po yung vacum cleaner ko sa loob pasensya na po talaga" biglang pasok ng isang naka unipormeng Janitor sa kanilang silid.

Paglinga nito sa paligid ay nangandidilat ang lahat ng mga taong nakaupo sa kanya. Tila nakakita ng multo. Ang janitor naman ay takang taka sa reaksyon nila. Maiintindihan nya pa kung galit ang mga ito sa kanya. Ngunit sa itsura ng mga ito ay tila mga takot at nagpipigil pa ng mga hininga.

"Kunin mo na ang kagamitan at pakiusap wag mo na kaming istorbohin ulet. Please?"

"Opo sir pasensya na talaga." dali dali nyang kinuha ang pakay at umalis. Humihiling na sana ay hindi nya ikatanggal ng trabaho ang kapangahasan.

Samantala bumilang pa ng halos isang minuto bago tuluyang nakahinga ng maluwag ang mga kakaibang nilalang na nasa loob ng kwarto.

Sari saring paksa ang kanilang pinag usapan. Maliit at malalaki. Mula sa pagpaparusa sa mga duwendeng nang gumagamit ng mahika sa mga batang pilyo. Hanggang sa paglilikas sa mga hayop na unti unting nawawalan ng tirahan dahil sa illegal loggings at iba pa.

Bawat problema o katanungang isinasangguni ng bawat miyembro ay kaagad na nasosolusyunan at napapayuhan ng kanilang pinunong naka upo sa kanilang gitna. Nakasuot ito ng malagintong baluti na kumikinang at halos lumiliwanag.

"Salamat pinuno ng kalangitan at pagpapasya" pasasalamat ng isa, matapos matugunan ang kanyang suliranin.

"At ngayon dumako na tayo sa pangunahing paksa kung bakit tayo nag kita kita ngayon."

Biglaang naging seryoso ang kaninang magiliw na awra ng mga nilalang.

"Nabigo tayo, nandirito na pala sila, hindi pa natin alam. Hanggang ngayon! matagal na pala silang nakikihalobilo sa mga mortal. Binigo natin si bathala. Ngayon ay susubukan nating itama ang mali. Kahit na mistula tayong mangangapa sa kadiliman nang hindi nalalaman kung ano ang hinahanap."

avataravatar