webnovel

You Can Become a Groom Straightaway

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 110: Pwede ka na kaagad maging Groom

Mapanglaw na sumagot si Ning Xi, "Lu Tingxiao, pag-uusapan ba talaga natin 'to habang ganito 'yung posisyon natin? Magsuot ka kaya muna ng damit?"

Kung hindi, 'di siya makakapag-focus sa pinag-uusapang issue!

"Fine," sagot ni Lu Tingxiao mula sa likod.

Parang nabigyan ng pardon si Ning Xi at agad na lumayo sa kwarto.

Hay, natural talagang public speaker si Lu Tingxiao. Ilang salita lang pero parang kumurot sa puso ni Ning Xi lahat lalo na 'yung tungkol kay Little Treasure.

Kaya lang kapag nanatili pa kasi siya, at kung tatlong buwan pa talaga, natatakot siya na 'di na ata talaga magandang tignan…

Habang pinag-iisipan niya 'yon, may naramdaman siyang malambot sa binti niya. Pagyuko, nakita ni Ning Xi si Little Treasure na 'di niya napansing dumating. Tulad ng nakasanayan, niyakap ng bata ang binti niya, at may hawak na painting sa kabilang kamay.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter