webnovel

Why Don't They Die?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 2036: Bakit Hindi Sila Mamatay?

"Boss, hindi maganda ang eroplano. Gutom na ako!" Sabi ni Han Momo na nangingilid ang luha.

Hinimas ni Ning Xi ang buhok ng batang babae. "Tara na. Pakakainin kita ng masarap!"

Pagkatapos nilang ilagay ang kanilang bagahe sa kotse, ang tatlo ay dinala ni Ning Xi sa isang sikat na kainan.

"Wow! Tatlong Michelin stars! Mahal ba dito?"

Tumawa si Ning Xi. Huwag kayong mag-alala, hindi naman maghihirap ang inyong boss kapag dito kayo kakain!"

Nakakita ang apat ng mauupuan sa sulok sa may bintana. Nag-umpisa ng umorder si Momo, samantalang nagkwento naman si Qiao Weilan tungkol sa trabaho kay Ning Xi.

Tumingin sa labas ng bintana sa kanto sa hindi kalayuan si Gong Shangze. Bigla, sinabi niya, "Dati akin ang lugar na iyon."

Tumingin si Ning Xi kung saan nakatitig si Gong Shangze at nakita niya ang isang pulubi na nakahiga dun natutulog, nakalugmok.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter