webnovel

Where Is Your Hand Touching

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 156: Sa'n ka nakahawak

Unang reaksyon ni Zhang Qiang na mag-makaawa. "'Di ko kailangan, madam, 'di ko po kailangan! Parang awa mo na hayaan niyo na po ako! Wala lang ako sa sarili kaya kung anu-anong sinasabi ko, 'di na ako magtatangkang tatanggapin ang pera mo!"

"Sinong may sabing bibigyan kita ng pera?" sinipa ni Ning Xi ang lalaki.

Agad na tumayo si Zhang Qiang at puno ng pagkainosente ang mukha. "Pero 'di ba sabi mo…"

Nakakabaliw naman kausap 'tong pabago-bagong isip na babaeng 'to.

Tinignan lang siya ni Ning Xi nang masama. "Maghintay ka lang dito sa bahay mo hanggang may marinig ka mula sa'kin. Basta mananahimik ka, maraming pera ang maghihintay sa'yo. Kung hindi…"

Ah? Gusto niya ulit na i-contact siya? 'Di ba naibigay naman na niya lahat? Hindi na dapat mag-krus ang mga landas nila? Bakit mangungulit pa? Ayaw niya ng pera! Mas gusto niya 'yung buhay niya!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter