254 What’s My Score Now?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 254: Ano Na Ang Puntos Ko Ngayon?

Tila hindi pa sapat, kaya binara ulit siya ni Lu Tingxiao: "Ano na ang puntos ko ngayon?"

 "Paano ko masasabi sa iyo yon! Tingin mo ba tanga ako? Ayoko na! Inaantay na ako ng katulong ko!" Agad binaba ni Ning Xi ang telepono.

Kawawa naman siya! Kagaya ng inaasahan, hindi na muna dapat siya makitungo kay Lu Tingxiao!

Para sa kanya, pagkatapos mag-usap ni Ning Xi at Lu Tingxiao sa telepono, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Sa isang tabi, may biglang sumulpot na mukha, mapait na nagrereklamo—

 "Brother, sabihin mo, may tinatago ka ba sa akin?"

Hindi tumanggi si Lu Tingxiao, at nagtaas ng kilay, "Halata ba?"

Sobrang nabigla si Lu Jingli, at halos gumulong na sa sahig. "Argh, may tinatago ka nga sa akin! Kapatid mo ako, ang iyong pinakamagaling na kanang kamay, warm jacket mo! Paano mo nagawang maglihim sa akin!"

 "Hindi ba magaling ka manghula?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter