webnovel

She Was The One Who Chased Me

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 97: Siya ang Naghabol Sa'kin

Pagkarating ng tatlong bisita nila, wala nang kinalaman kay Jiang Muye ang mga kaganapan.

Nagpapunta ng Michelin star chefs si Lu Tingxiao para ipagluto sila, may dalawang bote ng alak na dala si Lu Jingli galing sa bahay nila, at sinolo ni Little Treasure si Ning Xi.

Kakaiba ang hangin sa paligid ng limang taong nakaupo sa palibot ng mesa.

Mabuti na lang at andun si Lu Jingli kaya kahit pa'no naiwasan ang awkward silence.

"Tara, i-welcome home natin ang big star! Second Uncle raises a glass to you!"

"Thank you!"

"Siya nga pala, 'di ko pa natanong sa'yo, pa'no mo nakilala si Xiao Xi Xi?" Pasimpleng kumakalap ng impormasyon si Lu Jingli para sa kapatid niya.

Naging masama ang mood ni Jiang Muye sa tanong na narinig niya. Mukhang nag-aalangan siyang magkwento at sumagot nang bahagya, "Nagkakilala kami sa school abroad. Sabay kaming gumraduate."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter