187 Mysterious Package

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 187: Mysterious Package

"Darling, natakot ka ba?" Tumingin si Ning XI kay Little Treasure nang may kaunting pag-aalala.

Umiling si Little Treasure at kumapit lang sa braso niya. 'Di siya mukhang takot, sa totoo nga niyan, mukha siyang malungkot.

Bakit ba kasi five years old lang siya?

Gusto na agad niyang lumaki.

Sa ganun, mapoprotektahan na niya si Ning Xi at 'di lang manood mula sa tabi.

Halatang nabasa ni Lu Tingxiao ang iniisip ng anak niya: Trabaho 'to ng daddy mo, 'wag mo nang subukang gawin.

"Iilan lang ang may alam ng address ko, sino kayang nagpadala ng packages…" Ungol ni Ning Xi habang kinukuha ang isa sa mga express box. Tinignan niya ang pangalan ng nagpadala pero 'di mabasa 'yung sulat kaya 'di niya maintindihan.

Magtatanong pa lang sana si Lu Tingxiao kung kailangan ni Ning Xi ng kutsilyo pero nabuksan na kaagad nito ang kahon gamit ang kamay niya.

Mukhang kailangan ng bawat babae ang ganitong skill.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter