1293 My Dearest Is Here

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1293: Nandito Na Ang Mahal Ko

Nakita niya na dumating ang "hari".

Sa sobrang takot ni Ye Ying muntik na bumigay ang tuhod niya at malapit na siyang mapaluhod.

Bwisit!

Bakit biglang dumating ngayon sila CEO Lu at Second Master, eksakto sa eksenang ito? Siguradong ilalabel siyang inefficient!

Sumunod si Lu Jingli na hindi pinapansin ng kapatid niya kanina, pagkatapos niyang magreklamo. Gayunman, pagkatapos niya isipin ang mga tsismis na pwedeng makuha dito, ginanahan ulit siya.

Pero, sinong mag-aakala na pagkarating nila, ganitong eksena ang makikita nila!?

Xiao Xi Xi, 'di mo ako nabigo kahit kailan!

Nang makita nila na pumunta mismo ang CEO ng Lu Corporation, umayos ang lahat at binati siya.

Dahil nag-aaway sina Mo Yuxiu at Ning Xi, hindi nila napansin na dumating sina Lu Tingxiao at Lu Jingli.

Agad silang sinalubong ni Mai Huaian at ngumiti, "CEO Lu, nandito na kayo! Sakto, ongoing ang auditions!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter