62 Kiss Me Here

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 62: Halikan mo 'ko dito

Sa loob ng itim na RV.

"Mabuting apo, alam mo ba kung sa'n nakatira ang lola?"

"Ning Xi, subukan mo pa akong tawaging apo…"

"A…po! Oh ayan kakasabi ko lang, ano naman?"

"Mapapatay talaga kita!"

"Sige gawin mo! Akala ko ba 'di mo gagawin!"

"Ah! Sinusumpa kitang babae ka, naisahan mo 'ko dun ah!"

Umaalog na ang sasakyan dahil sa mga kalabog sa likod. Naubusan na ng masasabi si Lei Ming habang nagdadrive. "Muye, sinabi ko naman sa'yo 'di mo maiisahan si Ning Xi pero ayaw mong paawat. Oh ngayon ano? Ang headline bukas hindi na tungkol sa pagsalubong at pagsundo sa'yo ng magandang babae pero ng isang matandang babae…"

"Shut up!" galit na sagot ni Jiang Muye habang iniipi ni Ning Xi sa likod ang braso nito.

Pinanood na lang ni Lei Ming mula sa rearview mirror ang nagaganap na labanan. Kahit na may mga itim na linya sa ulo niya, napangiwi pa siya. "Ning Xi pwede bang hinay hinay ka lang sa kanya? Parang awa mo na! May film pa yan, saka commercial, tapos magazine cover shoot ngayong buwan…"

"Got it, Lei Ming! 'Di ko tatamaan 'yung mukha niya… wag kang malikot!"

Wala na ang kagwapuhan, confidence, at mataas na energy ni Jiang Muye mula sa airport; nakasiksik na kasi siya sa back seat at nakaposas na parang kakawasak lang sa kanya.

"Ning Xi…p inilit mo 'kong maging ganito…"

Masaya si Ning Xi habang tinatamaan si Jiang Muye nang magulat siya nito pagkahila sa kanya ng nakaposas na mga braso ng lalaki.

Sa sobrang lapit ng mukha ni Jiang Muye, napaatras si Ning Xi at ngumiti. "Ano 'di mo 'ko matalo sa maayos na labanan, so dadaanin mo ako sa pa-cute ngayon?"

Bago pa man magtagpo ang mga labi nila, iniiwas bigla ni Jiang Muye ang ulo niya. "Ergh…"

"Hahaha…" tawang-tawa si Ning Xi kaya napahawak siya sa tiyan niya at nagpagulong-gulong. "Halika, halika! Dearest, halikan mo 'ko dito! Ang ganda ng makeup ni lola ngayon 'di ba?"

Tinignan ni Jiang Muye ang kulu-kulubot at baku-bakong mukha ni Ning Xi at napahiga na lang na parang patay na isda na walang ganang mabuhay.

Natapos rin sa pagtawa si Ning Xi at hinihingal na tumayo. "Ano, galit ka talaga? Sino bang nagsabi sa'yong i-setup ako? 'Di ba ako pwedeng gumanti?"

"Assh*le, ang tagal kaya nating 'di nagkita, 'di mo ba ako namiss kahit kaunti? Una mo talagang ginawa eh bugbugin ako!" tinitigan ng masama ni Jiang Muye si Ning Xi pero may bakas ng sakit sa mga mata niya.

Tumawa si Ning Xi. "Syempre namiss kita. Sabi ko naman sa airport 'di ba, miss ka na ni lola!"

"…" para 'di mamatay sa galit, 'di na nakipag-usap si Jiang Muye kay Ning Xi at itinaas ang nakaposas niyang mga kamay bago pagalit na nagsalita, "Dali tanggalin mo na nga 'to, saka sa'n mo ba nakuha 'tong handcuffs? Bawal na 'to sa China ah!"

Hinawakan ni Ning Xi ang kanyang baba. "Ito, nakuha ko sa sex shop sa TaoBao! 20% off pa, $9.90 lang!"

Jiang Muye: "…"

Lei Ming: "…"

Dahil sa pag-aalalang mag-away nanaman 'yung dalawa, pinalitan agad ni Lei Ming ang topic. "Naligaw ko na 'yung mga reporter at fans, sa'n na tayo?"

Naglabas ng maliit na salamin si Jiang Muye at inayos ang magulong buhok. 'Di na rin niya iniangat ang ulo bago sumagot, "Sa villa ko sa bandang labas lang ng city."

Biglang umayos ng upo si Ning Xi. "Pakibaba na lang ako sa tabi, magtataxi na ako mag-isa!"

"Heh, akala mo makakatakas ka tonight? Tignan natin kung sa'n ka makakatakbo!" Nanggigigil na sabi ni Jiang Muye nang may masamang balak sa mukha niya at inilock ang pinto ng sasakyan.

"…" bakas ang frustration sa mukha ni Ning Xi, inasahan niya nang mangyayari 'to.

Habang tumatagal na ang byahe nila naramdaman ni Ning Xi na parang may mali; bakit pamilyar masyado 'yung direksyon na 'to?

"Tycoon Jiang, may property ka pala sa B City? By any chance, sa Platinum Palace ba 'yun?" sinubukan ni Ning Xi alamin.

"Dun nga, ano naman? It's too late for you to hug my thigh now! Maliban na lang kung tawagin mo 'kong lolo!"

Sa oras na 'to medyo nasiraan ng loob si Ning Xi.

Ano bang coincidence 'to na sa Platinum Palace din pala ang villa ni Jiang Muye?

Sa di malamang dahilan, parang may naririnig siyang alarm sa utak niya at may masamang kutob siya sa mangyayari mamaya…

avataravatar
Next chapter