webnovel

It Should Belong To My Stomach

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1026: It Should Belong To My Stomach

Ito ang unang beses na nakakita ang munting siopao ng isang tunay na rabbit, kaya nag-alangan muna ito bago ginamit ang maliit niyang kamay para haplusin ang katawan ng hayop.

Nang matapos siya, nanlaki ang mata ni Little Treasure.

Ang lambot! Mabalahibo!

'Di maiwasan ni Ning Xi na matawa sa kakaibang sigla sa emosyon ng bata. "Haha! Ang saya 'di ba?"

Tumango ang bata at patuloy na hinaplos nang marahan ang kuneho.

Kumakawag-kawag pa ang rabbit sa kamay ni Ning Xi pero kumalma ito nang haplusin ng bata.

"Whoa! Ang taba ng rabbit! Dali, ihawin natin!" masiglang sabi ni Lu Jingli.

Nang marinig ng munting siopao ang sabi ng tito niya, bigla siyang tumingin nang masama kay Lu Jingli at niyakap nang mahigpit ang rabbit.

"Ihawin mo mukha mo! Puro pagkain lang alam mo!" Naiinis na sabi ni Ning Xi.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com