697 I'm Not Interested In Your Husband!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 697: Hindi Ako Interesado Sa Asawa Mo!

Habang nag-uusap ang dalawa, malakas na bumukas ang pintuan sa likod nila.

"Hu Hongda, sinungaling ka! Bastardong duwag! Ang kapal ng mukha mong makipagkita sa haliparot na 'yan sa likod ko?!" histerikal na lumapit ang babae.

Akala ni Ning Xi ay dumating na si Lu Tingxiao, ngunit si Ming Fangfang pala ito...

Agad na nataranta si Hu Hongda nang makita si Ming Fangfang. "Da-darling...bakit ka nandito?"

Nagwala na si Ming Fangfang. "May nagtext sa'kin at sinabing makikipagkita ka sa bruhang 'yan! Hindi ko 'to pinaniwalaan noong una! Pero akalain mo 'yun! Kakapangako mo lang sa'kin na hindi na kayo magkikita ulit!"

"Ano? May nagtext sa'yo?" Nagdilim ang mukha ni Hu Hongda. Isang tao lang ang nakakaalam tungkol sa pagkikita nila ni Ning Xi kaya ang tanging tao lang na makakpagtext kay Ming Fangfang ay si...Fang Ya!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter