webnovel

Fallen In Love With Someone Else

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1289: Nahulog Para Sa Ibang Tao

Nandilim ang paningin ng dalawa sa galit at hindi nila pinigilan ang mga suntok nila. Masusuntok ka rin kung sinubukan mo silang ipaghiwalay.

Kaya, walang balak makialam sina Qin Ran, Han Yucheng, at Luo Fan. Lumayo sila.

Ano ba yan! Hindi ba alam kung gaano kamahal ang insurance para sa mga katawan nila? Isang maliit na bukol lang, malaki ang oras na masasayang; lahat yun ay pera! Ang mag-away at masuntok sa mukha? Sino ang sasagot noon?

Ngunit, bago tumama ang mga kamao nina Mo Yuxiu at Li Lekai sa isa't isa, pinigilan ni Ning Xi ang mga kamay nila.

Agad naghiwalay ang dalawa.

Habang hawak ni Ning Xi ang kamay ni Mo Yuxiu, umurong siya at parang nakuryente siya. Nawalan na siya ng gana makipag-away kay Li Lekai.

Pero hindi handang pagbigyan agad ito ni Li Lekai. Tinulak niya ang kamay ni Ning Xi at parang gusto na niyang patayin si Mo Yuxiu habang sumusugod siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter