53 Did I Please You?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 53: Napasaya ba kita?

Natigilan sa isang awkward position si Ning Xi, ang bra niya ay nasa kalagitnaan ng pagkakaalis; 'di niya tuluyang matanggal o maibalik. Ito na ata ang pinakamiserableng sitwasyon sa buhay niya.

Ang malala pa, custom-made ang bra na suot niya ngayon, may kapansin-pansing triangular Superman logo na naka-print sa magkabilang gilid.

Halatang napansin ni Lu Tingxiao ang Superman print at bahagyang tumaas ang kilay nito. Pero bilang isa siyang gentleman, 'di na niya ginawang big deal ang nakita at napaubo na lang, "Sorry… bukas kasi 'yung pinto, so…"

Nagsimula siyang umatras palabas ng kwarto.

"Wala 'yun, kasalanan ko, 'di ko sinara!" hinila na lang ni Ning Xi palabas ang bra niya at itinago sa kumot na parang walang nangyari bago siya sumagot. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay niya. "Keh, ang init ngayon, kayong mga lalaki 'di niyo maiintindihan 'yung ganitong klase ng girl trouble. Uhh, may kailangan ka?"

"Bakit late ka na? May date ka?" kaswal na tanong ni Lu Tingxiao.

"Anong date? May nakasalubong lang akong g*go tapos nakipag-trash talk ako saglit," sagot ni Ning Xi na para bang sobrang malas niya.

Nakapag-relax si Lu Tingxiao nang marinig ang pag-deny ni Ning Xi tungkol sa pakikipag-date. "Ipinagtira kita ng pagkain, maligo ka na tapos kain ka na rin."

"Kaya ko naman asikasuhin yung pagkain ko…" nahihiyang sagot ni Ning Xi.

"Pang-isang tao lang naman."

"Um, sige."

Pagkaalis ni Lu Tingxiao ay ini-lock ni Ning Xi ang pinto.

'Yung nag-iisang beses na nalimutan niyang nasa sariling bahay siya, nagawa niya pa talagang ipahiya ang sarili niya. Kailangan niyang mag-ingat mula ngayon.

Pagkatapos mag-shower at kumain, naging komportable lang si Ning Xi sa kama at nag-browse ng mga balita online habang nasa mesa si Little Treasure at may makapal na libro.

"Ning Xueluo expressed her affection for her handsome, rich boyfriend in public, award-winning actor Zhao couldn't hide his jealousy"

"Ning Xueluo praised Ning Xi as the perfect combination of beauty and talent"

"Ning Xi - No.1 Beauty in the entertainment industry"

"Meng Changge looking stunning at the opening ceremony of <The World> (Images)"

"First day of filming for <The World>, Ning Xueluo's handsome rich boyfriend paid her a loving visit"

"Breaking down the number of upcoming actress Ning Xi's wealthy admirers, red roses piled up on set on the first day of filming (Photos)"

Normal na headlines lang ang meron nung simula pero maya-maya naging kakaiba na, gaya ng, "Ning Xi - a secret mistress", "Who's the money guy behind Ning Xi?", "Ning Xi and her multiple men", "Ning Xi's personal life is a mess"…

Handa naman si Ning Xi kahit nu'ng nasa film studio pa lang kaya 'di na siya naapektuhan nang makita niya ang mga 'to.

Alam niyang kahit 'di nangyari 'yung mga pagpapadala nila Jiang Muye at YS, 'di magtatagal magkakaroon din ng chismis tungkol sa public image niya.

Puro malalabong salita at wala namang sapat na ebidenya ang laman ng mga tabloid, pero kapag masyadong naulit, baka paniwalaan ng iba, totoo man o hindi.

"Need help?" tanong ni Lu Tingxiao.

Umupo si Ning Xi habang hawak ang laptop at nakahawak sa baba habang tumatawa. "Big Boss Lu, gusto mo ba 'tong mapatanggal para sa'kin?"

"'Di ko ba kaya?" inabutan ni Lu Tingxiao ng baso ng gatas si Ning Xi at Little Treasure. "Low fat 'yang sa'yo."

"Thanks!" natuwa si Ning Xi at tinanggap ang tasa bago ulit nagsalita, "Thank you for your consideration, pero 'di na kailangan, sigurado ako time will prove everything."

"Naniniwala din ako sa'yo," sagot ni Lu Tingxiao.

Ikinagulat ni Ning Xi ang sinabi ni Lu Tingxiao at napahawaks a noo. "Lu Tingxiao, may nagsabi na ba sa'yong magaling ka sa 'Liao Mei'?"

"'Liao Mei'?" mukhang naghihinala si Lu Tingxiao; halatang 'di niya alam ang ibig sabihin ng Internet term.

"Mm…ibig sabihin, marunong ka talagang pumorma sa mga babae!" paliwanag ni Ning Xi.

May ngiti sa mga mata ni Lu Tingxia. "Thank you for the compliment. So ibig sabihin ba, napasaya kita?"

At dahil do'n naging intimate bigla ang paligid.

Nagblush si Ning Xi at pinagsisihan ang sinabi niya –'Mag-ingat ka nga sa sasabihin mo! Tignan mo napupunta tayo sa delikadong mga topic!'

Buti na lang at alam din ni Lu Tingxiao kung kailan titigil. "May mga binabasa lang akong documents sa study, kayong dalawa, magpahinga na kayo, good night."

Ning Xi: "Good night~"

Little Treasure: "…"

Kahit walang sinabi ang munting siopao, bakas sa mukha niya na parang gusto niyang sabihing "Dali alis na, 'wag mo nang istorbohinang oras namin ni Tita Xiao Xi."

avataravatar
Next chapter