72 Completely Suppressed By Me

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 72: Ikaw ang Under the Saya

Naunang lumabas si Ning Xi nang matapos na ang makeup niya.

Maayos ang bihis niya bilang isang batang swordsman na nakasuot ng pula at puting damit, may high ponytail, at makapal na itim na kilay. Dominante ang parang sa isang bayani ang pustura niya, kuhang-kuha niya kung ano ang dapat na itsura ng 16-year-old Meng Changge.

Kahit 'yung mga may ayaw kay Ning Xi, 'di maipagkakailang walang kapintasan ang itsura imahe niya.

Nag-alala si Guo Qisheng na masyadong maganda si Ning Xi at baka isang klase lang ng role ang kaya niyang gampanan. Sino'ng mag-aakalang napaka-flexible niya pala? Dahil kunteto naman ang direktor, pinuri niya nang kaunti si Ning Xi pero nagpa-alala pa rin sa aktres, "Ning Xi, mamaya kailangan mag-let go ka ha? 'Wag mong iisipin 'yung itsura mo, nakukuha mo? Sa scene na 'to, kapag mas barumbado, mas okay!"

"'Wag kayo mag-alala direk, sigurado ako kaya niya 'yan!" sa oras na 'yun lumabas na si Jiang Muye mula sa dressing room at nakasuot na ng costume.

Rinig sa buong set ang pagkagulat ng ibang mga tao nang iangat ni Jiang Muye ang kurtina; kahit si Ning Xi ay napataas ng kilay sa gulat.

Pagkatapos ng makeup, ibang-iba ang awra ni Jiang Muye. Nakasuot siya ng mahabang robe na kulay asul at may mga bamboo print. Makinis ang balat niya at may marahan at mabait na ekspresyon sa mukha. Para siyang nanggaling sa isang ancient painting.

Dahil natuwa siya, tumingin si Jiang Muye sa gulat na si Ning Xi at buulong: "Kumusta? Parang makakapagbuklod ng langit at lupa 'tong kagwapuhang 'to 'no?"

Sayang nasira ng bunganga niya ang lahat…

Nanatiling mahinahon si Ning Xi na para bang nag-uusap lang sila ni Jiang Muye tungkol sa plot at sumagot siya: "Mahinang bottom [1]…

"Ikaw…"

"Ako? Ano? Sorry pero sa pelikulang 'to, Ikaw. Ang. Under. The. Saya – at laging nasa ilalim ko!"

"Talaga? Eh bakit may naaalala akong eksena na makakabawi ako? Saka bed scene 'yun. Tsk tsk…"

Sa 'di kalayuan, pinapanood lang ni Jia Qingqing ang dalawang kanina pang magkalapit at nagbubulungan. Inggit na inggit siya at parang wala na sa sarili.

Simula nang dumating siya, kay Ning Xi na lang nakatuon ang atensyon ni Jiang Muye, at ni hindi man lang tumitingin sa direksyon ni Jia Qingqing ni minsan; wala man lang pagkakataon bumati si Qingqing kay Muye.

Sa tabi niya, sinusubukan siyang i-"comfort" ni Ning Xueluo at mahinang nagsalita. "Qingqing, 'wag ka nang magalit, ganito na talaga ang set-up eh. At saka, parte naman talaga ng strengths sa entertainment industry ang swerte. Sobrang swerte nga ni Ning Xi kasi kapartner niya si Jiang Muye. Tingin ko pagkatapos ng shooting nitong movie, aabot siya sa hanay ng mga second-tier actors o kaya kahit ata first-tier posible."

"Tch, first tier? Mang-aagaw siya, tingin mo hahayaan ko lang siya?" bumabaluktot na ang mukha ni Jia Qingqing habang nagsasalita.

"Qingqing, 'wag ka ngang maging impulsice, handa na ang kumpanya na i-nurture si Ning Xi. Kapag kinalaban mo siya, baka…"

"Ano naman kung kalabanin ko siya? Bakit ako matatakot sa isang haliparot na ang alam lang naman ay mang-akit ng mga lalaki?"

Lalong nagalit si Jia Qingqing nang marinig na handa pala ang kumpanya na alagaan si Ning Xi. Kung tutuusin kasi, pareho ang mga klase ng roles na ginagampanan nila. Kung susuportahan ng kumpanya si Ning Xi, ibig sabihin mawawalan si Qingqing ng resources.

Pasikretong napangiti si Ning Xueluo habang nakatingin kay Jia Qingqing na talagang galit na galit na.

Pwede niya nang gamitin si Jia Qingqing bilang panaksak, 'di pa niya kailangan kumilos, manonood lang siya at sila na ang bahalang mag-away.

Pero kailangan pa rin maging maingat, nitong nakaraan kasi parang masyadong sinuswerte si Ning Xi…

"Nasaan si Little Cui? Handa na ba 'yung prop?" sigaw ni Guo Qisheng.

"Ito na po, ito na po. Direk, okay na ba 'to?" nagdala ng lubid ang props manager.

"Okay na 'yan!" tumango si Guo Qisheng at tinawag si Jiang Muye. "Muye, kailangan kitang pahirapan saglit ha!"

"No problem, kailangan talaga 'to sa taping!" Mukhang determinado si Jiang Muye at nahiga sa isang malaking kama at hinayaan ang props manager na itali ang mga kamay at paa niya.

Tama, tulad ng sinabi ng direktor, intense ang eksenang 'to…

Umamin si Meng Changge kay Sun Huanqing tungkol sa nararamdaman nito, pero tinanggihan siya ng lalaki, kaya kinidnap niya ito at dinala pauwi…

[1] 'Bottom' ang tawag sa lalaking ginagampanan ang bottom position sa isang homosexual relationship.

avataravatar
Next chapter