1 Prologue

TAHIMIK kong pinapanood at pinapakinggan ang lalaking kumakanta habang nag gigitara sa aking harapan.

I'm not gonna fight back what I've become

Yeah, I've got bruises where I came from

But I wouldn't change if I could restart

I ain't gonna hide these beautiful scars

I've been going way too hard on myself

Guess that it's the reason that I'm feeling like hell

But I wouldn't change if I could restart

I ain't gonna hide these beautiful scars.

Tumingin ito saakin at ngumiti ng pagkatamis tamis. Kinuha ko ang iniinom kung pineapple juice at ininom saka ako muling humarap sa kanya, after he finished the song binaba niya ang hawak na gitara saka kinuha ang ininom na juice. Iniwas ko na lamang ang aking panangin sa kanya at saka ako tumingin sa papalubog na araw.

"What do you think?" He asked.

"Hmm... Good." Sabi ko saka tumawa.

Nangasim bigla ang kanyang mukha.

"Good lang? Ang ganda ganda ang boses ko tapos good lang? Asan ang hustisya doon pinsan? Ang sama sama talaga ng ugali mo saakin." Asik niya habang umiiling.

Humagalpak naman ako ng tawa sa reaction ng kanyang mukha.

"You know what, you're so cute when you're acting like that. Saka ako tumawa. Hindi na ako magtataka kung saan nakuha ng anak ko ang pagpapacute sa tuwing pinag sasabihan ko." Biglang sabi ko pagkatapos kong tumawa. Lumingon naman siya saakin ng may naglalakihang mata.

"Really!? That's good to hear. Ayaw mo non mas marami siyang nakuha saakin kesa sayo."Sabi niya habang tumatawa. Sinamaan kulang siya ng tingin at hindi nalang ako nag salita.

"By the way... I heard from Elle that his still looking for you around the Philippines .. pinutol niya ang sasabihin at nag buntong hininga. When are going back to manila? It's been 4 years cinth. Alam natin pareho na hindi mo maitatago sa bata ang tungkol sa mayaman niyang ama." Sabi niya habang naka tanaw sa anak kung nag lalaro sa dalampasigan, making a mountain using the sands.Kumagat ako sa cookies na kinakain saka muling nagsalita.

"I don't know, He's always been asking me about his father. Winawala ko na lamang ang usapan para hindi na humaba pa."

My poor baby always asking for his father. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na hiwalay na kami ng tatay niya at hindi ko alam kung paano ko ipapa-intindi sa anak ko iyon. My son is a genius, well? Saan paba mag mamana.

Kuhang kuha niya ang mukha ng kanyang tatay mula sa medyo kulot nitong buhok, sa mga mahahabang pilik mata at malalim na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Nakakaloka! Ako ang nagdala ng siyam na buwan sa kanya pero wala manlang siyang nakuha saakin. Mismong ugali ay nakuha niya sa tatay niyang palaging seryoso.

"Your father is also looking for you cinth. Matanda na si tito, wala kabang balak ipakilala manlang ang nag iisa niyang apo?"Aniya tutok na tutok sa akin at lumingon ulit sa anak ko na kumakaway na ngayon.

Lumingon din ako sa anak ko at hindi na sumagot pa. I missed my father, though . Kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa kanya noon, I already forgave him for what happened. Simula ng mangyari ang gabing iyon, nalulong sa alak si papa kaya napabayaan niya ang kumpanya. Masyadong magulo ang buhay namin ng iwan ni mama si papa dahil nahuli niya itong my ka talik na iba sa mismong bahay namin. Wala ako ng mga oras na iyon because I am with someone. Huli na ng malaman ko ang tungkol sa nangyari.

And that is the reason why my mama died. She's dead. After what she saw in their own room, my mother run away, the reason of her own death. Malakas na malakas ang ulan non mabilis daw mag patakbo ng sasakyan si mama kaya hindi na nito namalayan ang paparating na sasakyan at biglaang pagkabangga sa malaking track.

"O, paano uuwi naku baka maiwan ako ng flight ko pamanila." Bumalik lang ako sa realidad ng marinig kung mag salita ulit ang pinsan ko. And please naman cinth, pakisagot ng mga tawag ko nagka anak kalang hindi kana marunong gumamit ng cellphone? For god sake ang hirap mong kontakin." Parang nauubusan ng pasensyang sabi niya.

Tumango ako. "Sorry palagi ko kasing nakakalimutan pag nagiging busy na ako." Totoo naman halos hindi na ako gumagamit ng cellphone simula nong nandito ako paano ba naman kasi maliban sa anak ko masyado na akong nalilibang dito, maraming gawain like pagdidilig ng mga halaman ni aling ninita.

Si aling ninita ang nag mamay-ari ng bahay na ito dito sa davao na tinitirhan ko simula nong umalis ako ng manila at nagtungo dito. Paano ko nalaman dahil si aling ninita ang dating nag palaki sa amin ni vin nong mga bata palang kami, pero dala ng katandaan pinalitan siya ng kanyang anak kaya umuwi siya dito sa kanilang probensya sa davao at walang nakakaalam kung hindi ako at si alvin lamang. "I told you right?... I have my new hobbies here." Sabi ko pa muna sa kanya.

"Yeah right..." naiinis na niyang tugon. Lumapit sa akin at humalik sa aking noo at tinapik pa ang aking balikat. Oo masyado kaming close maliban kai Elle na best friend ko, si alvin ang palaging nanjan para saakin.

"Mag-iingat ka... and please don't till Elle were am I, you know that girl sa subrang daldal baka masabi sa asawa niya at mabanggit kay.... hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko, ayuko na muna siyang maalala o pag usapan kung maaari lamang. He's not good okay? At asawa kasi ni elle ang best friend niyang si luke.

"Yeah...yeah what ever cinth, basta tatawag ako pagkarating ko ng manila babalitaan agad kita about our business also and your father is worried about you, you know?.. nagbuntong hiningi siya. Umalis ka ng walang nakakaalam maliban saakin."

"I'm sorry, I am not yet ready to face him you know what happened, right?." Tumango siya at hindi na nag salita.

"Tara na hatid na kita sa labas, mag paalam ka muna kai Aling ninita, pupuntahan ko muna ang anak ko. Wait for me here." Saka ako tumayo at nag tungo sa suplado kung anak.

"Hey, big boss. Come here, your tito is leaving na. Say goodbye!" Sabi ko saka naman siya tumayo at pinagpagan ang pwet gamit ang kanyang kamay. Umanggat ang kanyang tingin sa'kin.

"Why so early mommy?" He pout. Ang cute cute talaga ng batang to suplado nga lang.

"Kailangan na kasi siya sa manila baby, you know tito is a very busy man. Lets go,"Sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko, inabot naman niya.

"Hey, big boy tito is leaving na. You take care of your mommy, don't be too hard on her okay?" Si alvin sabay apir sa anak ko.

"Are you coming back here tito? Can we come with you?" Sabi ng anak kong nakatingin sa tito vin niya. Sinulyapan naman ako ni vin saka nag buntong hininga.

"Yes! Big boy I'll comeback here to visit you and your mommy. When you're big boy na and when your mommy is ready, we will go to manila. Is that okay with you?" Mahabang sabi ng pinsan ko, at tumango tango naman ang anak ko. Pero halata sa mukha nito ang napipilitan lang.

"Okay,"

Sabay sabay kaming pumasok sa bahay. Tamang tama naman ang dating ni Aling ninita galing pa siyang palengke.

"I'm leaving na ho Aling ninita, kayo na ho ang bahala sa kanila, wag niyo hong kalimutang tawagan ako pag may nangyari mang hindi maganda dito." Sumulyap pa siya saakin.

"Oho, naman señorito ako na po ang bahala sa señorita cinth at sa señoritong ito. Tinignan niya si kit. Mag iingat ho kayo sa inyong byahe pa maynila." Sabi ni Aling ninita.

Pagkatapos naming ihatid si Alvin sa labas ay pumasok narin kami nina Aling ninita sa loob ng bahay. Simula nong mag punta ako dito ay nakaugalian ko nang palaging tanawin ang karagatan at hintayin ang papalubog na araw. Kulay kahel na ito pati ang karagatan, hudyat na papalubog na nga. In that way pansamanta kong nakakalimutan ang mga nangyari, ang dahilan kung bakit ako napapad dito sa davao.

avataravatar