27 Chapter 23: Let Me Stay

"A-aray!" Napaaray ako dahil sa paglagay ni Dice ng disinfectant sa ilan sa mga galos na natamo ko dahil sa mga kalmot nila Aina.

"Bakit ayaw mo sabihin sa akin ang totoong nangyari?" He asked.

Magkakaroon lang ng gulo kapag sinabi ko sa kaniya kung ano talaga ang nangyari sa 'kin.

"N-nadapa lang ako." I lied.

Bigla naman siyang natawa. "Nadapa? You won't cry like a baby just because of that." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Minsan naiisip ko na lang na psychic powers si Dice. "... and I think these wounds explain it all." Itinuro niya ang braso ko na may bakat ng kuko. Inilipat ko naman ang tingin ko sa kaniya at pinagmasdan ang expression ng muka niya. He's calm.

"Okay lang kung ayaw mong sabihin sakin ngayon, I'll wait until you're ready to tell me." He looked directly into my eyes. Then, Itinaas niya ang baba ko gamit ang kamay niya. "...kahit na sa tingin ko alam ko na kung ano talaga ang nangyari." Hinawi niya ang buhok ko upang makita ng maayos ang sugat ko sa leeg. He's treating my wound gently, and calmly. Habang busy siya sa ginagawa niya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. He's so close!

"Is it okay kung dito muna ako? A-ayokong makita ako nila Papa nang ganito." Pakikiusap ko sa kaniya.

"No. You should tell him what happened." Hindi man lang niya pinag isipan ang request ko.

"Pero ayokong malaman nila Papa yung rumors na kumakalat sa school. Baka kung anong magawa nila!" Pagpapaliwanag ko. Please, sumang ayon ka sakin kahit ngayon lang!

"Kid, you see... Mr. de Dios might be worried like crazy rn. He said he can't contact you that's why he called me. You should go home and explain what happened, okay? I'm sure they'll understand. Let's go, I'll drive you home."

I looked down to avoid his eyes. Mukhang nagustuhan na yata niya ang buhay na di ako kasama. That's right. Without a troublesome kid like me in this house, siguro mas masaya siya.

"I understand." Sagot ko in a monotone voice.

"Alright. Get changed, I'll wait outside."

Lumabas na siya sa kwarto ko. Kaagad ko namang sinara ang pinto. Right now... I don't know what to feel. Nag ooverthink na naman ako. Alam kong gusto lang niyang gawin ko ang tama pero bakit pakiramdam ko itinataboy niya ako?

Lantang gulay akong kumuha ng damit sa closet at nagbihis. Bago ako lumabas ng kwarto ay may napansin ako. Ngayon ko lang napansin na medyo gulo-gulo ang kama ko. Sinuri ko ito ng mabuti hanggang sa may nakita akong dalawang bote ng alak sa gilid ng kama. Bakit naman magkakaroon ng bote ng alak doon eh hindi naman ako umiinom? Hindi kaya...

Tama ba 'tong naiisip ko?

You stupid! Why are you always making me feel like this?

Halos madapa ako dahil sa pagmamadaling makalabas ng kwarto. At nang binuksan ko na ang pinto, nakita ko agad si Dice na naghihintay sa sala. Nakaupo siya sa sofa at parang malalim ang iniisip. I rushed towards him and hugged him tightly.

"K-kid, a-are you trying to choke me?" He said. Ayokong makita niya kung gaano kapula ang mukha ko kaya nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya.

"Let me stay here, please?" I asked. "I won't let go kapag di ka sumagot." Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

Ilang sandali pa ang nagdaan, nagtaka ako kung bakit hindi pa rin siya sumasagot kaya dahan dahan akong bumitaw at tiningnan siya. Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala ako sa hita niya. Waaaaaah!

"W-what am I supposed to do with a kid like you?" Sabi niya. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay at saka isinandal ang ulo sa sofa. He's acting weird. "Okay. I'll let you stay here, I'll call Mr. de Dios now so..." Dagdag pa niya habang nakatakip pa rin ang mukha.

"T-thank you." I awkwardly said ang then tumayo na. He let out a long sigh saka kinuha ang phone niya at dumiretso sa kitchen.

Ano naman bang naisip ko at nagawa ko 'yooon? Nagiging mapusok na yata ako habang tumatagal!

Ilang sandali pa ay bumalik na siya at kaagad ipinasa sa akin ang phone.

"Are you okay, Shi? Dice told me you want to stay there, is it true? Ano bang nangyari? Hindi mo ba alam na alalang alala kami ng Mama mo sayo?" Bungad ni Papa. Para na siyang nagrarap dahil sa bilis ng pananalita niya.

"Yes, Im... okay. Gusto ko po sana na dito muna ako sa condo namin kahit isang araw lang. I'll explain everything kapag nakauwi na po ako diyan." I said.

Kinabahan ako dahil sa sandaling katahimikan. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Pap dahil boses lang niya ang naririnig ko at hindi ko siya nakikita. "If that's what you want, Anak." He lowered his voice even though hindi naman nakaloud speaker. "Wala pa rin akong tiwala dyan sa Dice na 'yan. You better be careful."

"Got it, Pa." Sagot ko na lang, baka kasi humaba pa ang usapan kapag sinabi kong ako ang hindi dapat pagkatiwalaan.

"Alright. Give the phone back to that punk." He said. Sinunod ko naman siya kaagad at ibinigay kay Dice ang phone.

"Yes... Of course not, I would not dare to... Yes... Yes... I understand... Goodbye, Mr. de Dios." Hindi ko narinig kung ano ang sinasabi ni Papa pero siguradong pinagbibilinan na naman niya si Dice about sa akin. It's like I'm a kid na iniwan ng magulang sa babysitter.

...

Tapos na kaming kumain at katatapos ko lang din maligo. Damang dama ko ang hapdi ng mga galos ko at ang sakit ng mga pasa ko. Nasa kwarto lang ako ngayon habang nagmumuni-muni.

Bakit kaya paulit-ulit na nangyayari 'to sa 'kin? Bakit ba ayaw nila sakin? Bakit nila 'to ginagawa?

Alam na kaya ni Dice 'yung tungkol sa mga tsismis sakin? Nakita na niya 'yung picture na 'yon dati, he said he trust me. I don't have to worry about that issue, dahil alam naman ni Dice ang totoo at wala akong pake sa mga taong naniniwala do'n pero... damay ang reputasyon nila Mama at Papa, pati sina Ciro at Erine. I need to do something about this. Kailangan ko 'tong ayusin.

Natrauma ako noon nang dahil sa bullying, verbal, physical, I experienced it all. Kahit na natatakot pa rin ako hanggang ngayon, siguro kaya ko na. Kaya ko nang lumaban. Hindi ko nga lang alam kung paano. Pero isa lang ang sure ako, I need to clear this misunderstanding without anyone getting hurt.

Kinabukasan. Sinabihan ako ni Dice na wag munang pumasok dahil sa mga injuries ko pero nagpumilit ako. Lalo lang lalala ang issue kung hindi ako magpapakita sa school. Kailangan ko ring makipag-usap kay Ciro at Erine.

Pagdating ko sa school ay napansin kong mas marami ang napapatingin sa akin ngayon. Dahil na rin siguro sa mga bandaid sa katawan ko at pasa sa pisngi. Nang makarating na ako sa room ay dumapo agad ang paningin ko kina Aina. Umaarte sila na para bang walang nangyari. Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit ko pa ring maglakad papunta sa upuan. Halos lahat ng nasa room namin napapatingin sa akin. Iba ang tingin nila ngayon kaysa kahapon. Kung kahapon ay masama ang titig nila, ngayon hindi ko masabi kung ano.

Nang makarating si Erine sa room ay kaagad niya akong pinuntahan.

"Okay na ba ang mga sugat mo? Masakit pa?" Tanong ni Erine.

"Oo, okay naman na." I answered.

"That's a relief." Sabi niya sabay hinga nang maluwag.

Huh? Hindi ba niya tatanungin kung saan galing ang mga sugat ko? Sa pagkakakilala ko sa kaniya, dapat pinagsasabihan na niya ako ngayon at nagbabanta na siya sa mga gumawa sa 'kin nito. At kapag sinabi ko kung sino ang dahilan ng mga sugat na 'to, susugurin na niya agad ang mga ito pagkatapos ay pipigilan ko naman siya bago pa man siya makagawa ng gulo. But that didn't happen. Kahapon pa siya ganito. She's acting strange. Alam ko na apektado siya sa mga kumakalat na chismis at inilayo niya ako kahapon dahil ayaw niyang malaman ko ang mga tungkol doon.

"Erine... Alam ko na." I said in a quiet voice.

"A-alam mo na? I'm so sorry I didn't mean to—"

"Thank you." Sabi ko bago pa man siya matapos magsalita.

"T-thank you?" She asked.

"Thank you dahil sa ginawa mo kahapon, I know na ayaw mong malaman ko ang rumors dahil alam mong maapektuhan ako. Pero Erine, sa tingin ko walang mangyayari kung tatakasan ko lang 'to." I explained.

"Whoa. Ikaw ba talaga 'yan Shi?!" Halos mapatalon kami sa gulat ni Erine nang bigla na lang nagsalita si Ciro na nasa tabi na pala namin.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot ha, Ciro? Nag-uusap kami dito oh." Pagtataray ni Erine.

"Sorry na hahaha. Pero seriously, Shi, you shouldn't care about those rumors. Alam naman nating di 'yon totoo. Diba, my love?" Ani Ciro saka inakbayan si Erine.

"M-my love?!" Mahinang sigaw ni Erine. "Tigilan mo nga ako Ciro!" Akala ko tatanggalin niya ang kamay ni Ciro na nakapaligid sa balikat niya pero hindi niya ginawa.

"May hindi ba ako alam...?" I asked. I think they've gotten closer.

"Ano kasi, Shi—"

Hindi na pinatapos magsalita ni Ciro si Erine at inunahan na niya ito.

"We're now dating." Ciro said in a calm voice. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magwala.

"W-wow, really?" Nagpanggap ako shocked. Hindi naman kasi nakakagulat. I kinda expected this. "I'm happy for the both of you." I said then smiled at them.

"Shi... you don't need to worry about the rumors, maaayos din 'to." Erine whispered. It's as if siguradong sigurado siyang matatapos din ang mga kumakalat na chismis.

"Mukhang ayos naman sila ah."

"Parang di naman totoo 'yung mya chismis."

"Baka naman pinapakisamahan lang nila Ciro si Shihandra?"

"Duh, paniwalain kasi kayo masyado sa mga sabi-sabi."

"May evidence kaya, look at the pictures, they look so real!"

"She's really a slut, wag niyo na ipagtanggol."

"Grabe naman kayo makajudge, let's know her side muna."

Ang lakas ng pag uusap ng ilan sa mga kaklase namin. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang iparinig sa amin o sadyang ganyan lang sila.

Sana hindi ito makarating kila Papa.

Dahil kung sakali man na malaman nila ito,

natatakot ako kung anong pwedeng mangyari.

I might get a slap on the face again, even though i didn't do anything wrong. Baka may kunin na naman sila sa akin bilang parusa. Baka gamitin na naman nila ang pera nila bilang panakip butas para hindi kumalat ang mga ibinibintang sa akin. Ayaw nilang masira ang reputasyon nila bilang isang maimpluwensyang pamilya, and I understand them. I... deserve to receive those punishments, pero hindi ko alam kung bakit natatakot pa rin ako.

Matagal na noong huli ko itong naramdaman. Ngayon lang ulit ako natakot tungkol sa mga iniisip sa akin ng ibang tao. I want to scream. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko ginawa ang binibintang nila.

"Shi... okay ka lang? Shi?" Kanina pa pala ako tinatawag ni Erine. Nag space out na naman ako.

"Erine, mag usap tayo mamayang lunch. I need to ask you about something." I said.

"Sure." She responded.

"Sama ako dyan ha." Sabat naman ni Ciro.

"Yeah, of course." Sabi ko.

Maya maya pa ay nagsimula na ang klase. Hindi ko mapigilang mapatulala sa mapaisip ng malalim. Just were did that photo came from? It seems na hindi pa alam ni Dice 'yung tungkol dito kaya hindi ko siya matanong kung saan niya nakuha 'yon. Tinanong ko siya noon pero hindi naman niya sinagot. Hindi rin naman siguro si Dice ang magkakalat ng mga picture na 'yon diba? Knowing him, alam ko na hindi niya gagawin 'yon.

I have to think of a plan. Damay sina Erine kaya kailangan present din sila sa plano.

Pero wait...

Hindi ba't nakita rin ni Erine 'yung picture na 'yon?

I dont want to doubt her pero... there's a possibility and I hate it. No, hindi rin niya magagawa 'yon.

Gusto ko nang matapos ang problema na 'to!

avataravatar
Next chapter