webnovel

Pilot

"Very good, Mr. Chua. Maganda ang presentation na pinakita mo sa klase. The descriptions and examples are all done good. Sana ganyan din ang ibang reporters." Pinandilatan ako ni Mrs. Villegas.

Oo na. Ako na naman ang pinaparinggan niya.

Inaamin ko naman. Hindi ako matalino. Ni ganda nga hindi ako pinagkalooban ng Diyos.

"Hayaan niyo na po Ma'am. Wala naman po talaga tayong maaasahan sa mga ganyang estudyante." Ani Darren habang nakatingin din sa akin.

That was a slap ! Okay. That was hard also. Ang sakit. Pero anong magagawa ko. Ganoon ang tingin nila sa akin.

"Okay. Thank you Darren. Kaya sa mga susunod na reporters, please make some effort. Huwag niyo na gayahin si Gianne, ha?" Dagdag pa ni Ma'am.

Okay na po Mrs. Villegas. I get it. Huwag niyo na po masyadong idiin.

Yumuko nalang ako at bumuntong hininga. Kasalanan ko bang hindi ako magaling, matalino at kasing perfectionist ng lalaking nasa harap ko? But swear to God, I am really trying. Hindi pa ba sapat na batayan iyon para huwag nila akong ipahiya sa lahat?

"Huy, low class. Mag-aaral ka naman kasi. Puro kasi Wattpad ang inaatupag mo." Huminto sya sa harap ko para sabihin iyon.

Dumukdok na lang ako lalo sa desk. Umpisa pa lang ng araw ko pero ganito na agad. Paano pa hanggang uwian kung palagi kong makikita ang hambog na lalaking ito?

Napabuntong hininga na lang ako. That was five years ago. The most worst days of my life as a student. Nakagraduate ako ng limang taon sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Nakapasa naman ako kahit papaano. Umuulan nga lang ng tres ang Transcript of Record ko. Pero okay na iyon kaysa naman sa hindi ako nakapagtapos. At least kahit hindi ako masyadong nag-aaral, nakatapos naman ng saktong limang taon. Kahit doon man lang ay maipagyabang ko. Maipagmalaki kong nakatapos ako ng isang mabigat na kurso. At sa limang taon din na ginugol ko sa pag-aaral, kasabay kong umusbong ang pangarap na sana makapagtrabaho sa ibang bansa katulad ng Dubai, Saudi, Singapore, Canada, Australia, name it. Kahit saan pa iyon ayos lang basta sa ibang bansa.

Sa katunayan, nag-apply na ako kahit fresh graduate at hindi pa nakakapagboard exam. Pero ang sabi ng agency, dapat daw may experience kahit isang taon lang. Kaya ito ako ngayon, naghahanap ng pwedeng tumanggap sa akin.

Kasama ko si Ate Nadine sa isang coffee shop. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya alam kong may alam siyang pwede kong pasukan. Naging mabait naman ako sa kanya noong nag-aaral pa lang kami. Committee rin naman kasi ako noon sa department namin. Kailangan ko iyon para makapasa. Dagdag points na rin kasi kapag active ka sa school activities.

"Ate Nadine, pwede mo bang ipasa ito sa company niyo? Kailangan ko lang talaga ng trabaho. Kahit 'yung mababa lang," desidido kong inabot kay Ate Nadine ang resume ko. Tumatanggap naman ang construction firms kahit hindi pa pasado ng Board Exam. Kahit maliit ang sweldo okay lang. Paraan ko lang naman iyon para masabing may experience.

"Sige, ta-try ko. Itetext na lang kita kapag okay ha?" masaya niyang tinanggap ang documents ko. "Ah nga pala. Try to text Liam and Pier. Alam ko may work na rin sila. Classmates mo sila dati sa ibang subjects, di ba?"

Sina Kuya Liam at Kuya Pier ang batchmates sana ni Ate Nadine, kaso dahil maloko sa pag aaral na-late sila ng isang taon. Marso ako nagtapos habang sila naman ay Octoberian ng nakaraang taon bago ako. Close rin naman ako sa kanilang dalawa. Kasama ko silang nanyonyopya sa Structural Theory at Special Topics noon pang magkakasabay kameng nag-take up ng subjects na iyon. May back subjects kasi sila kaya naging classmates kami sa ibang subject pero mas matanda sila sa akin ng dalawang taon. Mas nauna nga lang silang grumaduate sa akin.

"Sige ate!" nayakap ko tuloy siya. "Maraming salamat ah." Nakakatuwa talaga na kahit papaano may koneksyon ako na makatutulong sa akin.

Matapos ibigay ni Ate Nadine ang numbers ni Kuya Liam at Kuya Pier, umalis na rin siya dahil may kikitain pa raw siyang client. May magpapasukat daw ng bukid sa gawi ng Nueva Ecija. Nasa Pasay kasi kami kaya kailangan niyang umuwi kaagad. Mahaba-haba pa ang byahe niya. Sa isang surveying company napasok si ate natin na bumibili rin ng mga lote para i-develop. Ka-partner ng company nya ang National Housing Authority kung saan ay nagtatayo ng mga Tenant House para gawing pahulugan sa Pag-ibig Funds.

Mainam sana kung may posisyon akong makuha sa kumpanya ni Ate Nadine. Magandang experience ito dahil ka-partner ng Government Projects.

Umuwi na rin ako pagkatapos naming magkita ni Ate Nadine. Tinawagan ko ang dalawang kinakapatid ko sa Department namin dati at sinabi ang pakay ko. Natuwa naman sila sa malaman nilang nakagraduate ako kahit puro palya ang pag-aaral ko noon. Ganoon din kasi sila kaya ramdam nila 'yung saya ko.

"Sige Kuya Pier. Bukas pupunta ako sa office niyo. Salamat ah."

"Mas maganda siguro kung isend mo na 'yung resume mo para naman maipasa ko na agad. Ako na lang magpiprint." At binaba na niya ang tawag nang pumayag ako.

Sinunod ko ang sinabi ni Kuya Pier. Sinend ko sa email address niya 'yung soft copy ng resume ko. Sinabihan niya ako na Quality Assurance Engineer sa site ang kailangan nila. Malaki raw kasi ang project na hawak niya. Project Engineer kasi kaya nasa kanya lahat ng sisi kapag pumalpak siya. Kailangan niya raw ng katulong.

Syempre, iga-grab ko na 'yung opportunity. Sayang naman. Pero bago niya ibaba ang tawag, sinabihan niya akong matutuwa raw ako sa trabahong papasukan ko.

Hay naku. Ngayon pa nga lang natutuwa na ako dahil marami na akong mapapasahan ng resume. Kahit naman siguro isa sa mga iyon matatanggap ako di ba?

Naipilig kong muli ang ulo nang sumagi sa isip ko si Darren Khen Montero Chua. Hanggang ngayon binabangungot pa rin ako kahit ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Limang taon niya ring pinahirapan ang buhay ko. Limang taon ako nagdusa sa ugali niyang iyon. At siguro dahil doon kaya ako lumaban. Ipinakita kong kahit low class ako, kaya kong marating ang narating ng iba. Nakagraduate ako ng saktong limang taon. Walang back subject, walang repeat.

Minsan niya na kasing sinabi sa akin na. "Kapag hindi pwede, 'wag nang ipilit pa. Masasaktan ka lang."

Hindi nawala sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Para bang iyon ang dahilan kung bakit ako nagsumikap kahit na hindi ko kaya. Gusto ko kasing patunayan na kapag gusto ng tao, makakaya niya kahit gaano kahirap.

Napamulagat ang mata ko nang bigla magring ang cellphone ko. Mas lalo akong nagtaka ng pangalan ni Kuya Pier ang nasa screen.

Kakakausap ko pa lang sa kanya, di ba?

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sinagot ko na ang tawag.

"Hello Kuya. Bakit napatawag ka?" nagtataka kong tanong.

"Tangina this," humagikgik muna siya ng tawa.

Mas maguluhan ako. Nasabi ko na ba na mahilig magmura ang nasa Engineering Department lalo na mga lalaki?

"Bakit?" nasabi ko lang. Naguguluhan ako eh.

"Gianne Carla Lazaro Guevarra. Tanggap ka na at magsisimula ka na bukas," gumuhit na naman ang humahagalpak niyang tawa.

Pero teka. Anong sabi niya?

"Tanggap na ako? Ganoon kadali?" hindi ako makapaniwala.

"Syempre, ako pa? Malakas yata ko kay Lord." Ayan na naman siya sa famous line niya.

"Ang lakas mo talaga Kuya Pier! Ang galing mo Kuya!! Thank you, thank you! I love you na talaga Kuya!" hindi ko mapigilan yung saya ko. Thank you Lord!

"I love you too baby Gianne Carla Lazaro Guevarra!" balik-sigaw rin niya.

"Kailangan talaga buong pangalan?" At saka ako humagikgik.

"Syempre naman. Para mas lumakas ako kay Lord. Basta bukas dalin mo na lang 'yung documents mo, hintayin kita dito. Kakausapin ka lang ni Da-- I mean ng may-ari ng firm tapos okay na. Give all--"

Natigilan siya sa pagsasalita nang may isang boses pa akong narinig.

"Engineer Pier Valdez! Puro break time ang ginagawa mo!" galit ang boses na iyon.

"O sige na baby bunso. Nasa main office kasi ako. Narinig ako ng dragon. Babye na. Bukas na lang." Binaba na niya ulit ang tawag.

Tanggap na ako! Seryoso ba ito?

Sa sobrang saya ko, nagtatatalon ako sa salas. Agad kong kinuha ang cellphone para tawagan si Mama.

Ilang ring lang ay may sumagot na.

"Hello baby anne," masaya nitong bati.

"Ma, I have a very good news for you. Magkakatrabaho na po ako!"

"Talaga baby? Good news nga iyan. Saan naman?"

"Sa pinagtatrabahuhan po ni Kuya Pier, kakilala ko dati sa school."

"Mabuti naman kung ganoon. Galingan mo ha?"

The most heart warming voice I had ever heard. Nakakataba ng puso 'yung pinupuri ka sa mga simpleng ginagawa mo. Ganoon si Mama. Kahit na nafu-frustrate na ako, nandyan pa rin siya para palakasin ang loob ko.

"Sige po Ma. Aayusin ko na yung documents ko." Binaba ko na 'yung tawag after naming magkwentuhan pa ni Mama.

Nakakatuwa talaga. Ang saya-saya ko!

Ngayon Darren Khen Montero Chua, ipakikita ko sa'yo na hindi ako low class. Na hindi ako isang taong walang kinabukasan!