webnovel

Prologue

It was a great morning when Katrina or Trina and her friends took a one day trekking to a known treasure mountain in Tanay. Madalas silang nagkakayayaan na magkakaibigan na lumanghap ng sariwang hangin at mag-adventure na rin sa mga natatagong yaman ng kalikasan.

Isa sa mga kasama niya sa adventure niya ay ang best friend niyang si Kreisha simula pa noong nasa elementary sila. Kreisha is came from a wealthy family and she had everything while she's in the lower class. Hindi naman sila mayaman at hindi rin naman sila naghihikahos sa buhay. Parehas na nagsisikap ang mga magulang niya upang makapag-aral sila ng kapatid niyang si Tristan sa magarang eskwelahan. Kaya naman ay nagsumikap din siyang maging skolar upang makatulong sa gastusin ng tuition fee niya lalo na ngayong mag-co-college na sila.

"How's your drifting lessons? Balita ko ay maraming mga kompanya ang mag-sponsor sa sinumang maging champion this year sa car racing competition na gaganapin sa Batangas," wika ni Kreisha sa kaniya habang naglalakad ito kasabay niya sa makipot na daan paakyat ng bundok.

"Ayos naman. My twin brother is there to support me and trained me well. Hindi kasi bara-bara ang competition na sasalihan ko kaya doble ang training na ginawa namin. Isa pa, malaking kompanya ang nasa likod ng sponsorship na ginagawa namin ni Tristan kaya gagalingan ko pa. Dagdag tuition fee na rin," tugon niya.

"I see. Mag-ingat ka lang talaga at hindi basta-basta iyang pinasok niyong magkapatid. It's a risky but I know that it's your passion. Ako naman ay nakapag-decide na rin na sundan si Raven sa Amerika. Doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."

Nagulat siya. "Ha?! Seryoso ka ba? Susundan mo ang tipaklong na Raven na iyon sa Amerika? Hanggang ngayon ba ay crush mo pa rin ang malukong Ranzel Venecio na iyon?!" eksaherada niya. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay crush pa rin nito si Raven.

"Oo," nakanguso nitong tugon. "Wala, eh. Tinamaan talaga ako sa kaniya at mamamatay ako kapag hindi ko siya nakita."

Napangiwi siya sa narinig mula rito. "Sus, maryosep! Ang lalaking iyon ay kasumpa-sumpa ang ugali at hindi siya nababagay sa tulad nating biniyayaan ng kagandahan ng langit." Biglang may nalaglag na sanga mula sa puno malapit sa kaniya. "Ay, kamote!"

Tawang-tawa ito. "My god! Hindi umaayon ang kalikasan sa sinasabi mo, Trina. Pagbigyan mo na ako at diskarte ko na ito kay Fafa Raven! Suportahan mo na lang ako at makikita mo na magiging asawa ko ang unyangong iyon!"

"Hay, bahala ka." Tumigil siya sa paglalakad. "Teka at na-ji-jingle ako." Palinga-linga siya sa paligid. "Hintayin mo na lang ako sa itaas at hahanap lang ako ng puwesto. Call of nature na me."

"Are you sure? Kaya mo na?"

"O-Oo." Hindi na niya mapigilan ang pantog niya at puputok na kaya nagmamadali na siyang tumakbo sa bahagyang pababang bahagi ng bundok.

"Mag-ingat ka, Trina. Sumigaw ka lang at dito na lang kita hihintayin!" sigaw ni Kreisha.

Hindi na siya sumagot bagkus ay naghanap na siya ng talahiban o punong maaari siyang makapagtago. Mabuti na lang at maraming mga talahib sa paligid kaya malaya siyang gawin ang nais niya. They are the last group in the trekking so she was expecting that no one would be there.

Here I am! Binuksan niya ang zipper ng suot niyang pantalon saka mabilis na ibinaba ito at umupo na siya. Hinding-hindi siya makikita roon dahil nakatago siya sa malaking puno na may makapal na talahib. Hay, salamat! Nakapagbawas din. Wala sanang ahas dito. Maya-maya lang ay narinig niya ang yapak ng mga paa na papalapit sa direksiyon niya saka siya nag-angat ng tingin upang tingnan kung sino o ano ito.

"Pwede na rito," sambit ng isang lalaki. Mabilis nitong tinanggal ang pagkakahigpit ng sinturon at bubuksan na sana ang zipper subalit natigilan ito nang sumigaw siya.

"Aaaaahhhhh!" Dali-dali niyang itinaas ang pantalon niya sa sobrang kaba at pagkabigla sa lalaking gusto pa siyang ihian.

"S-Shit! What the fuck⸻" Gulat na gulat din itong makita siya saka nagmamadaling ayusin ang sinturon at mag-zipper.

"Bastos ka!" Pinulot niya ang tangkay ng sanga sa paligid saka niya ito ipinaghahampas sa binatilyo. "You're insane! Hindi ka ba marunong magtabi-tabi po, ha?! Siraulo ka!" sigaw niya.

"Hey! Hey! I don't have an intention to⸻" Pinipigilan nito ang bawat paghampas niya gamit ang mga kamay nito. "Will you—stop this?!" galit nitong wika.

Natigilan siya nang makilala niya ang boses ng binatilyo. Noon lamang niyang napagtanto kung sino ito nang makilala niya ang pinaghahampas niya. "K-Kameron?!" Nanlaki ang mga mata niya habang lihim na napalunok. Sa lahat ng lalaking pwedeng makita niya sa kabundukan ay ang kapatid pa ng best friend niyang si Kreisha Marie Severino.

"W-What are you doing, huh? Are you going to kill me?" asik nitong tanong. "Look, hindi ko alam na nandiyan ka. At wala akong nakita! Sa dami-daming pwedeng pagkublihan mo, dito ka pa talaga?"|

"At bakit nagagalit ka?" asik niyang tanong dito. "Ako na nga itong muntik mo na rin makitaan tapos kung umasta ka parang ikaw itong biktima! At sa dami-daming pwedeng itutok mo iyang.... iyang anek mo, sa akin pa talaga? Aba! Nasaan ang manners mo, Kuya Kameron?" Nakapa-meywang pa siya.

"Hoy." Sabay turo nito. "May tour guide tayo at may mga kasama. You can ask them if you want to pee. Ni hindi ka man lang nagpasama kay Kreisha para bantayan ka. What if there something will happen to you? Kasalanan ko na naman?!" Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

"K-Katrina! Kuya Kameron! W-What happened?!"

Sabay silang napalingon kay Kreisha na naroon na sa kanilang gawi at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

|Kayong dalawa. Bumalik na kayo sa grupo niyo at baka kung ano pa ang mangyari sa inyo rito. Akyat na!" utos nito.

Nagtitimpi siya habang mahigpit ang pagkakahawak sa tangkay subalit binitawan din niya ito at tumalikod. "Tara na, Kreisha. May sapak sa utak iyang bastos mong kapatid!"

"B-Bastos?" nagtatakang tanong ni Kreisha.

"Oo!" Sabay hinawakan niya ang kamay ni Kreisha at naglakad pabalik.

"T-Teka... A-Anong nangyari, Trina?"

Hindi siya sumagot kay Kreisha.

"Iyong zipper mo ay bukas!" sigaw pa ni Kameron.

Hindi niya ito nilingon. "Bastos!" Binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ni Kreisha at inayos ang zipper niya.

Mukhang alam na ni Kreisha ang nangyari kaya napabungisngis na lang ito sa tabi niya habang siya naman ay nagpupuyos ang damdamin. Subalit sa ibang bahagi ng isipan niya ay natutuwa pa siya sa nangyari. Blessings in disguise pa na napansin siya ng isang Kameron Severino. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang nakatagpo ko ay ang first ever crush ko since high school? Subalit napangiwi lang siyang maalalang muntik na siya nitong ma-ihian. Mukha ba akong kabute? Naghahalo ang emosyon niya sa kilig at inis ngunit sa bandang huli ay nanaig pa rin ang feelings niya para dito.

Kameron was there companion and always looking for their safety. Nakalimutan na niya ito na nasa hulihan pala ito upang bantayan sila ni Kreisha. Pumayag lang itong mag-trekking sila basta kasama lang ito. At isa iyon sa mga bagay na hindi niya makakalimutang tagpo nilang dalawa.

Hi, everyone! This is the fourth series of my billionaire stories from The Billionaire's Part-Timer, Her Billionaire's Attorney, and The Captain's First Love. Another exciting story from Kameron and Trina. Enjoy reading!

Magzz23creators' thoughts
Next chapter