10 Chapter 9

"Good morning, sweetie!" Mom greeted, may apron itong suot habang inaayos ang mga pagkain sa table. Nakakamangha dahil ngayon na lang ulit siya nakapag-handa ng umagahan namin na naiintindihan ko naman dahil abala sila sa trabaho.

After she arranged the dishes on the table, she approached and kissed me on the cheek. Wait, this lady in front of me was completely different.

"M-Ma, an-anong nakain mo?" Iyon lang ang lumabas mula sa bibig ko.

Umiling ito habang may ngiti sa labi "Oh nothing, ang gaan lang ng pakiramdam ko ngayon." Aniya

Sa pagkakaalam ko nag-aaway pa sila kagabi ni Dad kung kaya't anong nakakagaan sa loob do'n. Natigil lang ako sa pag-iisip ng magsibabaan na ang mga kapatid ko. Mukhang gulat rin ito ng makita si Mama, kagaya kanina hinalikan din sila nito sa pisngi bago maupo sa hapag.

"Ate, what happened to Mom?" Bianca murmured while looking at the food.

I just shrugged, hindi ko rin naman alam. Basta masaya akong ganito kami, magkakasama.

Sunod naman na bumaba si Dad, nakakunot ang noo nito habang palapit samin. Tahimik lang siya hanggang sa makaupo na. Nagdasal kami ng mataimtim bago sinimulan ang pagkain.

Tahimik lang ang lahat kung kaya't parang ang haba ng oras na iyon. Nagliligpit na ako ng pinagkainan ng magsalita si Caden.

"Blood." Caden pointed out Mom's shoulder, napansin ko rin ang pagbabago at pagkabalisa ng mukha nito bago biglang tinakpan ang braso.

"W-wala ito," He even glanced at Dad.

Something's off with them, hindi ko lang maanalisa ng maigi.

"Did you hurt her?" I was stunned by the sudden question of Caden, walang reaksiyon ang mukha nito habang nakatingin sa ginoo.

"W-what are you talking about?!" He shouted.

That was alarming.

"It was a harmless question, Dad." He looked at him intently. "Are you guilty?"

Mas lalong kumunot ang noo nito at mukhang sasabog na sa galit.

"Ilang taon ka na nga ulit? Huwag mo sakin ginagamit ang tonong iyan, dahil hindi kita anak!"

All of us gasped in astonishment. Am I that too busy not to know?

"Ano ka ba naman Victor! Napag usapan na natin 'to, huwag mo idamay ang mga bata." Mom pleaded.

"Bakit hindi? Ako itong pinagbibintangan mong may iba pero ikaw ang unang nagloko!"

Mom harshly breathed while looking at Dad. "That was a mistake! I paid for it every single day whenever I caught your unfaithfulness to me!" Lumingon ito sakin, "dalhin mo ang mga kapatid mo sa itaas."

Bago sakin ang pangyayaring ito, mukhang hindi maganda ang kinalalabasan ng mga hakbang na ginagawa ko.

Naupo ako para mapantayan ang taas nila Bianca at Caden. "Sa taas muna kayo, mag-uusap tayo mamaya, ha." Naluluhang tumango ang dalawa bago umakyat.

"Huwag! Gusto kong malaman niyo ang totoo. Yes, I fooled your Mom and I don't fucking regret that." That made them stop, sinenyasan ko ang dalawa na dumiretso pa rin. They're too young to witness this kind of circumstance.

I let out a sarcastic laugh before facing him again. "So, you don't regret ruining our family?"

"Anak, ako ang sumira sa—"

Pinutol ko ang sasabihin nito.

"Ma, look at yourself! Why are you still defending him?" I shouted.

Is it really like this when it comes to love? It's scary because you've got to give them everything, become selfless, and stand with the pain.

"He's still your D-dad," she stuttered.

Plain bullshit

Wala sa kondisyon akong nagtungo sa kuwarto. Hindi rin naman ako makakapag-pokus sa trabaho kaya mas maiging dito na lang ako. Nasa gitna ako ng panonood nang pumasok si Mama, kasama niya rin ang mga kapatid ko.

Naupo sila Bianca at Caden sa tabi ko habang nasa harap naman si Mama. Nakangiti pa ito at tila marami ang gustong sabihin.

"May pupuntahan lang ako saglit, pero hindi naman ako magtatagal. Basta, ang gusto ko lang magpakabait kayo at gawin ang mga bagay kung saan kayo sasaya." Nilingon nito si Caden. "P-pasensiya na, anak, nilihim namin sa'yo pero tandaan mo na kahit gano'n pa man mahalaga ka sakin, samin."

Sunod naman ay si Bianca, "Hi, baby! Now I believe that maturity doesn't always come with age but still listen to your brother and sister, okay?" She nodded.

She looked at me with her eyes gleaming, malalim iyon at hindi ko magawang basahin. "Only you can control your future." Short yet accurate.

Inakap niya kaming tatlo saka hinalikan ang bumbunan namin. "I love you three, so much!"

"Ma, para namang iiwan mo na kami!" I laughed "Have a safe journey! I love you most!" I gave her a peck of kiss.

"I love you, Mommy!" Bianca shouted while hugging Mom's neck.

"I understand everything, Mom. Just stay safe, always." Caden spoke.

That heart to heart conversation soothed me. I thank the Almighty for giving me such a wonderful mother. She's everything to me, and I do not know what to do if she ever leaves us.

Init na init akong naupo sa wooden beach chair habang sumisimsim ng buko juice na hawak. Kararating lang namin ni Heidi kaninang alas sais sa pribadong beach nila. She invited a lot of guests and friends just because she's bored and of course, as a very good friend I joined. Hindi naman ako gano'n ka kill-joy.

I abruptly opened my eyes when I felt someone in front of me. Natatakpan kasi nito ang sinag ng araw.

"What do you need?" I raised a brow, it was Cole. Oo, kasama siya dahil inimbita ni Heidi. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang dami nitong oras.

Tinutok nito ang hintuturo sa hawak kong buko juice.

"What? BJ, gusto mo? I asked.

"I would love to!" He smirked while staring at me seductively.

Am I being sensual or him? No! Absolutely wrong, Skye Erin.

"Let's go?" He asked. Nakaturo ito sa cabin niyang nasa kaliwang banda.

My eyes grew bigger then punched his shoulder —really hard.

"Hey! Masakit 'yon ah," aniya habang hinihimas ang braso.

I smirked, dapat lang sa kaniya 'yon.

Tumayo na ako saka bumalik sa dalampasigan. Mas maayos nang malayo ako sa kaniya kesa masaksihan ang panay na pang-haharot nito. I swam in the area that's up to my chest. May mga nagtatawanan sa kabilang banda ng dalampasigan habang nagpapasahan ng bola. Ayokong makisali dahil wala pa ako sa kondisyon makihalubilo. I shrieked when I sensed someone holding my feet.

"Parang tanga, eh," Usal ko, nakakainis talaga.

"I like teasing you!" He pinched my nose

"Gusto ka ba?" I rolled my eyes.

Cole chuckled "Parang hindi natulala sakin noon."

That made me gulped. So he saw it.

"Noon, noon lang," I smiled sarcastically.

Natuwa ako dahil ang daming pagkain na pwedeng pagpilian dito, isa pa mababait rin ang mga kaibigan ni Heidi magkakakilala na kami noon pa dahil nagkikita kami kadalasan sa mga shows at ibang pagtitipon. Kinagabihan pinuntahan ko si Heidi sa silid na abala sa paggamit ng cellphone. Nakakunot rin ang noo nito, nang maramdaman ang presensiya ko agad rin naman siyang ngumiti ngunit parang pilit.

"Watch the n-news," She was stammering.

Binuksan ko ang telebisyon gamit ang remote control na nasa gilid. Kinakabahan ako dahil malamig ang hawak sakin ni Heidi, kabado ito at medyo naluluha.

"PH police investigating woman found dead inside a hotel room..."

Pinigilan ko ang panginginig, unti-unti na rin nababasa ang mga mata ko. Mabilis pa sa alas kuwatro kong kinuha ang cellphone ni Heidi.

"Rocielle Plamenco Claveron, a wife of Victor Claveron was found dead..."

I don't know this feeling I haven't felt this kind of pain before. Hindi ko maproseso at matanggap, parang hindi totoo, ayoko.

"W-why?" Kapos na hininga kong sabi.

Dahan-dahan akong bumagsak sa sahig. She is my favorite person, guide, greatest adviser, nurse, friend, and my everything.

"Why did you leave us so soon?

avataravatar
Next chapter