webnovel

HER FATHER'S BRIDE

General
Ongoing · 4.7K Views
  • 1 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Chapter 1CHAPTER 1

CHAPTER 1

NAHIHIMBING si Charmaine nang may mahihinang katok na gumising sa kanya.

Marahang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang daddy niya.

"Good morning, Baby! Happy birthday! Breakfast in bed!" masiglang bati nito nang mapansing gising na siya. Nakapinta sa mukha nito ang isang ngiti habang patungo sa kama niya.

Inilapag nito ang hawak na tray sa side table ni Charmaine.

Napangiti siya nang makitang may takip ang mga pagkaing dala nito. Sigurado siyang may niluluto na namang kalokohan ang daddy niya.

"So, how was the sleep of my birthday princess?" tanong nito nang makaupo sa tabi niya. 

"Hmmn, 'twas fine but sleepy still." Sinundan niya pa ng paghikab ang mga sinabi.

 Masuyong tumawa naman si Wesley sa tinuran ng anak at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga, bumangon ka na nga riyan para makakain ka na. Dahil kung hindi--"

"Dahil kung hindi, ano? Ano? Ano? Papaluin mo ako?" nakatawang pigil niya sa mga sasabihin nito. "Sige ka, isusumbong kita kay Ramon!" Para siyang batang nakikipaghamunan lalo na nang banggitin niya ang pangalan ng nobyo. 

Biglang sumeryoso ang mukha ng daddy niya nang mabanggit ang pangalang Ramon.

Hindi niya iyon pinansin. Sanay na siyang malamig ang pakikitungo nito sa kasintahan. Magalang naman ang nobyo rito. Nagmamano pa nga ito sa tuwing bumibisita sa mansyon, pero alam ni Charmaine na ayaw ng daddy niya ang pagmamanong ginagawa ni Ramon. Hindi kasi mapagkakamalang thirty-five years old na ito lalo pa't nasa mid-20s lang  ang hitsura nito. 

"Will that monkey attend tonight?"

Napagikhik siya. "Hmmmn, siguro. Gusto naman daw niyang pumunta eh, pero tingin ko hindi na lang siya pupunta kasi nandun ka. Alam mo naman 'yon 'di ba? Daig pa ang nakakita ng multo sa takot 'pag nakikita ka. Ikaw naman kasi, you're so mean to him."

Pero sigurado siyang darating ang kasintahan. Hindi nito matitiis na hindi siya makita sa padiriwang ng debut niya. Isa pa, gusto niyang makasayaw ito sa 18 Roses dance niya.

Hindi nito tinugon ang paghagikhik ni Charmaine. Bagkus, pinagsalikop nito ang mga kamay sa mukha niya. Ngumiti ito kapagkuwan. "I love you, Honey."

Ginusto niyang mapabuntong-hininga ngunit hindi niya iyon ginawa. Sanay na siyang hindi nito pinapansin ang anumang bagay na may kinalaman sa kasintahan.

Napapikit siya ng mata. "I love you too, Dad." Iminulat niya ang mga mata bago muling nagsalita. "You're the best dad in the whole wide world."

"You're the best also, Baby."

 Binawi nito mayamaya ang kamay. "I'll go ahead na Honey. Don't forget to eat your breakfast."

Bahagyang lumungkot ang mukha ng dalaga. "O-K."

Hinalikan siya nito sa noo, tumayo at tuluyan nang umalis ng kuwarto.

Inihatid naman ng tingin ni Charmaine ang daddy niya hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng kuwarto.

Pinalipas niya muna ang dalawa o tatlong minuto bago siya tuluyang bumangon at humarap sa mga pagkain sa mesa.

Inalis niya ang takip nito at napabungisngis nang malaman kung ano ang mga nakahaing pagkain -- fish fillet at fried fish na nilagyan ng smiley sa pamamagitan ng catsup. Sa madaling salita, seafood. Mga pagkaing allergic siya. Kung ibang tao ang gumawa niyon sa kanya, siguradong magagalit siya pero iba si Wesley Villaroso. Sadyang alam nito kung paano siya pasasayahin.

 Tatawa-tawa siyang pumunta ng kusina.

NAABUTAN ni Charmaine sa kusina si Yaya Romina. Ito ang nag-alaga sa kanya mula noong bata pa siya. Ito na ang kinalakhan niyang ina dahil na rin sa sanggol pa lamang siya nang mamatay ang mommy niya. Sabi ng daddy niya, namatay raw ito dahil sa panganganak sa kanya.

Marahil dahil si Yaya Romina ang tumayong ina sa kanya kaya madali na nitong makilatis ang dahilan ng bawat kinikilos niya--  kung ano ang dahilan ng bawat pagluha niya at maging kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi. Palagay na ang loob niya sa tagapag-alaga kaya madali na lang para sa kanya ang magsabi ng sikreto rito. Katunayan, alam nito ang lahat sikreto niya lalo na 'yong mga bagay na kinahihiyaan niyang sabihin sa ama.

"Naku Hija! Kumusta ang pakiramdam mo? May masama bang nangyari sa'yo? Hindi ka ba nangangati?" May pag-aalala sa mukha nito. Hinawakan pa nito ang balikat ni Charmaine at ininspeksyon ang balat niya para malaman kung namumula siya.

Napahagikgik siya sa inasal ng tagapag-alaga. "Yaya, wala namang nangyari sa akin. Hindi ko naman po kinain eh," natatawa niyang sabi. Hindi niya masisisi si Yaya Romina kung nag-alala man ito.

Bilang taong tumayo nang ina sa kanya, ramdam niyang ang pag-aalalang mayroon ito ay pag-aalalang mararamdaman nito kung may tunay na anak ito. Mahal siya nito, iyon ang dahilan. Hindi na  nga nito nagawang makapag-asawa at magkaroon ng tunay na anak dahil sa labis na pagmamahal sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon," tila nabunutan ng tinik na sambit ni Yaya Romina. "Ang daddy mo naman kasi, kagurang nang tao eh, ang dami pa ring alam na kalokohan."

Pareho silang napatawa sa sinabing iyon ng matanda.

MARAMING tao ang dumalo sa party ni Charmaine. Karamihan, malalaking pangalan -- mga pulitiko, celebrities, at mga kilalang negosyante. Siyempre, 'di mawawala ang mga bestfriend niyang sina Sarah, Jessica, Daisy, Rizza at ang mga aso't pusang sina Ivan at Jelly. Panay pa rin ang pagbabatukan ng dalawa kahit naka-formal attire sila.

Bumaba si Charmaine mula sa isang hagdan matapos ipalabas ang isang video presentation na naglalaman ng pictures niya mula pa noong baby siya hanggang noong magdalaga. Naroon din ang video ng pagbati mula sa mga kaibigan at mga kamag-anak niya sa abroad.

Bakas sa mukha ng mga dumalo ang paghanga sa kagandahan ni Charmaine. Nakasuot siya ng isang kulay rosas na Cinderella gown. Iyon ang pinili niya dahil gusto niyang maging simple lang sa harapan ng mga tao. Bahagya lang din ang make-up na inilagay sa mukha niya, dahilan upang lalong umangat ang natural niyang ganda.

Tumingin siya sa daddy niya. Makikita sa mukha nito ang pagkamangha sa anak. Ngumiti siya nang madako ang tingin niya rito at gayundin ito sa kanya.

At si Ramon? Mababakas dito ang pagiging proud na ito ang boyfriend ni Charmaine.

Si Ivan ang unang naging kasayaw ng debutante. Napapahagikhik siya tuwing naaapakan niya ang paa nito. Hindi kasi ito marunong sumayaw.

Seventeenth dance niya ang daddy niya. Nakatingin lang ito sa kanya habang nagsasayaw sila.

Kakaiba ang pakiramdam ni Charmaine habang kasayaw ang ama. Para kasing may kung anong pakiramdam ang nababasa niya rito. Kinakabahan ba ito? Nanlalamig ang mga kamay nito. Naisip na lamang niyang marahil dahil nangangamba itong magkamali sa pagsasayaw.

Si Ramon ang huli niyang kasayaw at maluwang ang ngiti nito habang nagsasayaw sila.

"You look… so beautiful."

"Hmmn, talaga?" nagniningning ang mga matang paniniguro niya.

Tumango si Ramon. "And I'm proud to be the luckiest guy in the world because I'm your boyfriend," sinserong tugon nito. Pakawika niyon, tumigil ito sa pagsasayaw, tinitigan ang mukha niya nang may pagmamahal... at siniil siya ng isang halik.

Ipinikit niya ang mga mata. Kinikilig siya sa tuwing hinahalikan siya ng lalaking bumubuo sa pagkatao niya.

Iminulat niya ang mga mata matapos ang nakakikilig na halik na iyon. Nakangiti ito sa kanya. Ginantihan niya ang ngiting iyon.

Ngunit natigilan siya nung mapadako ang paningin sa kinatatayuan ng ama. Nakakuyom ito ng kamay at masama ang tingin sa nobyo. Hindi siya sigurado pero… parang nakabasa siya ng pagseselos sa mga mata nito.

"Is there any problem?" kunot-noong tanong ni Ramon nang mapansin ang pagtigil niya. 

Napatingin siya rito. "H-ha? Wala. Wala naman."

Pinili niyang balewalain ang nakita at ipagpatuloy na lamang ang pagsasayaw. Siguro nga normal lang sa isang Wesley Villaroso ang magselos lalo pa't nakita nitong hinalikan ni Ramon ang kaisa-isa nitong anak.

Hindi na niya nakita ang daddy niya pagkatapos ng sayaw nila ni Ramon. Inisip  lamang niyang pumunta ito sa karamihan para makipag-usap sa mga bisita. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong hanapin ito, agad na kasi siyang hinila nina Rizza. Titili-tili pa nga ang mga ito dahil sa sobrang kakiligan.

You May Also Like
Table of Contents
Volume 1

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT