Si Zeamra Rish Ońete ay nag-iisang babae sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang kaniyang kapatid ay sina Ryan Jade Ońete at Rios Jake Ońete. Sila ay nakatira sa Tuguegarao. Siya na lang ang hindi pa nakakapagtapos sa kanilang magkakapatid at siya ay nasa 1st year College pa lamang. May lalaki siyang kinaiinisan lagi at ito ay nakasagutan niya ng unang pasukan sa kanilang paaralan. Ito kaya ang makakatuluyan niya o isa lang itong ala-ala sa kaniyang buhay. Baka naman dumaan lang ito sa kaniyang buhay para asarin lang siya ng asarin?
Hindi ko alam ang aking gagawin.Nagulat ako sa nangyari.Wala akong masabi.Pero bakit ganon?parang may kumirot sa puso ko??bakit feeling ko nasasaktan ako??nasasaktan ako sa nalaman ko na may kasintahan pala si Dexter.Bakit hindi niya sinabi sa kaniya na may Girlfriend pala siya??bakit niya inilihim??
Ang kaniyang balak sana na umihi ay hindi na niya itinuloy dahil bumalik na siya sa kanilang room.
Habang naglalakad siya ay paulit-ulit ang sinabi ng babae sa kaniya.
'𝐵𝑂𝑌𝐹𝑅𝐼𝐸𝑁𝐷 𝐾𝑂 𝐴𝑁𝐺 𝐿𝐴𝐿𝐴𝐾𝐼𝑁𝐺 𝑁𝐼𝐿𝐴𝐿𝐴𝑁𝐷𝐼 𝑀𝑂'
'𝐵𝑂𝑌𝐹𝑅𝐼𝐸𝑁𝐷 𝐾𝑂 𝐴𝑁𝐺 𝐿𝐴𝐿𝐴𝐾𝐼𝑁𝐺 𝑁𝐼𝐿𝐴𝐿𝐴𝑁𝐷𝐼 𝑀𝑂'
'𝐵𝑂𝑌𝐹𝑅𝐼𝐸𝑁𝐷 𝐾𝑂 𝐴𝑁𝐺 𝐿𝐴𝐿𝐴𝐾𝐼𝑁𝐺 𝑁𝐼𝐿𝐴𝐿𝐴𝑁𝐷𝐼 𝑀𝑂'
'𝐵𝑂𝑌𝐹𝑅𝐼𝐸𝑁𝐷 𝐾𝑂 𝐴𝑁𝐺 𝐿𝐴𝐿𝐴𝐾𝐼𝑁𝐺 𝑁𝐼𝐿𝐴𝐿𝐴𝑁𝐷𝐼 𝑀𝑂'
'𝐵𝑂𝑌𝐹𝑅𝐼𝐸𝑁𝐷 𝐾𝑂 𝐴𝑁𝐺 𝐿𝐴𝐿𝐴𝐾𝐼𝑁𝐺 𝑁𝐼𝐿𝐴𝐿𝐴𝑁𝐷𝐼 𝑀𝑂'
Itong linya lang ata na ito ang tumatak sa kaniyang isip.Ang tanga tanga mo na talaga Zeamra.Bakit hindi mo kasi naisipan na itanong iyon sa binata.Alam mo naman na may itsura ito diba??Alam mo naman na gwapo siya eh bakit hindinmo tinanong??𝑘𝑎𝑢𝑠𝑎𝑝 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖.
Hanggang sa nasa pintuan na ito ay tahimik parin siya,naglalakad itong nakayuko.Pinipigilan lang niya na umiiyak.𝐺𝑜𝑠ℎℎℎℎ!!!𝑍𝐸𝐴𝑀𝑅𝐴!!!𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑔𝑖𝑙 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎.𝐻𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑚𝑖𝑦𝑎𝑘 𝑝𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒 𝑙𝑎𝑛𝑔.Sabi nito sa sarili.
Alam niya na pinagkakatinginan na siya ng kaniyang kaklase at maging ang kaniyang guro dahil sa kaniyang itsura.
Nasa tapat na siya ni Dexter ng magsalita ito.
"Heyyy Zeamra,what's wrong??"tanong nito pero hindi niya pinansin bagkus dire-diretso siyang umupo.
"Heyyy bakit hindi mo ako sinasagot??"tanon ulit ni Dexter sa kaniya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita ulit ang binata pero nagulat siya dahil ang lakas ng boses nito.Napaigtad nalang siya.
"DAMMMNN ITTT ZEAMRA!!!BAKIT HINDI MO AKO SINASAGOT?TINATANONG KITA KUNG ANONG NANGYARI SAYO AT GANIYAN ANG ITSURA KO PERO BAKIT HINDI KA NAGSASALITA?"tinignan niya ang binata pero nabigla siya dahil lumabot bigla ang mukha nito.Dali-daling lumapit sa kaniya si Dexter at hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Heyyyy baby???bakit hindi ka nagsasalita??ano bang nangyari?magsalita ka naman ohh huwag mo lang akong titigan.Pinag-aalala mo ako."malumanay na tanong nito habang hawak-hawak pa ang kaniyang pisngi.Pero mas lalo siyang nasaktan ng tinawag siya nitong babe.Sino ba siya para tawagin ako ng ganiyan?Diba may GIRLFRIEND siya kaya bakit niya ako tinatawag ng ganiyan.Dahil sa inis tinanggal niya ang kamay ng ninata sa kaniyang pisngi..
Nagulat ito sa kaniyang ginawa"Heyyy babe anong problema??"tanong niya ulit dito.
Hindi nalang niya ito pinansin dahil nasa kanilang dalawa na ang atensyon ng lahat.Buti nalang hindi nagsasalita ang kanilang guro.
"Heyyy Zeamra anong problema??"tanong muli nito.Dahil sa inis ay sinulyapan niya ito at tinignan ng masama.
"Huwag na huwag mo akong kakausapin."madiin na sabi niya sa binata.
"Bakit?bakit hindi pwede??Diba okay naman tayo kanina?pumayag ka pa nga eh na hindi mo ako tatanggihan kapag niyaya kita,diba??pero bakit ganiyan ang sinasabi mo??ano ba talaga ang problema??"alam niyang naiinis na sa kaniya ang binata pero hahayaan nalang niya.Ayaw niya itong kausapin baka bigla nalang bubuhos ang pinpigilan niyang luha.
Ng hindi na nagsalita pa ang lalaki ay naginhawaan ito.Ayaw ko muna siyang kausapin kasi bumabalik sa kaniyang isip ang sinabi sa kaniya ng babae kanina.
Buti nalang mabait si ma'am ngayong oras na ito kaya hindi sila napagalitan.Itinuloy nalang niya ang kaniyang naudlot na pagtuturo.
Uwian na ng hapon kaya dali-dali niyang kinuha ang kaniyang mga gamit.Dahil hindi na niya makayanan pang makasama si Dexter.Ayaw niya man maramdaman ito pero nasasaktan siya.
Kakakilala palang nila ni Dexter pero may ganito na siyang nararamdaman.Ayaw ko yung pakiramdam na ito.
Pagkatapos niyang iligpit ang kaniyang gamit ay mabilis pa sa alas kwatro siya na lumabas.
Hindi niya din maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit niya ginagawa ito.kung bakit niya iniiwasan si Dexter.Dahil ba sa babae kanina??Baka naman gumagawa lang ng kwento yun Zeamra.Baka sinabi niya lang iyon kasi may gusto siya kay Dexter at ayaw niyang may kaagaw ito.𝑃𝑎𝑛𝑔-𝑎𝑎𝑙𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖.
Pero paano kung totoo iyon?Bakit kasi hindi sinabi ni Dexter agad na may kasintahan ito ehh di nasabihan pa siya na malandi at mang-aagaw.
Buong buhay niya hindi niya naranasan ang ganito.Ang sabihan siya na mang-aagaw at nanlalandi ng boyfriend ng iba.
Dahil nasa ibang planeta na naman ang kaniyang pag-iisip,hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kaniya ang binata.
"Hoyyyy Zeamra?Ano ba ang problema??Bakit nagmamadali kang umalis na parang may iniiwasan ka?Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko mula kanina pa?"mahinang tanong ng binata sa kaniya.
Mas binilisan niya pa ang paglalakad para hindi niya makasabay ang binata pero sadyang matigas talaga ang ulo nito at hinigit ang kaniyang kamay na ikinagulat niya.
Nagpupumiglas siya pero malakas ang binata.Hinayaan nalang niya ito dahil wala naman siyang magagawa.Ayaw na niyang magpumiglas dahil nasasaktan ang kamay niya sa higpit ng pagkakahawak ni Dexter sa kaniya.
"Ohhh ano na??hindi mo parin ako sasagutin?Nakailang ulit na ba ako ng tanong sayo kung anong problema mo?pero anong ginagawa mo?nananahimik ka lang."sabi ng binata habang hawak hawak ang kamay.
"Ahmmm ehh w-wala masama l-lang ang pakiramdam ko."pagsisinungaling na sabi nito na nauutal pa.
"Zeamra,alam kong hindi yan ang totoong rason.Anong problema mo?may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan kanina?kasi simula nung pumunta ka sa CR naging ganiyan ka na."sabi nito sa kaniya.
Ano bang pakialam nito kung nagkakaganito siya.Ehhh kung tutuusin siya naman ang may kasalanan.Kung sinabi sana niya kaagad na may kasintahan siya eh di sana walang susugod nalang bigla sa kaniya at sabihan siya ng hindi magagandang salita.
Tinignan niya lang ang binata ng walang emosyon.
"Masama nga lang ang pakiramdam ko,siguro nagkakaganito ako dahil malapit na naman ang kwann ko,yung ano.You know period like that."pagsisinungaling na naman nito sa binata na kaagad naman nitong naintindihan ang kaniyang sinabi.
"Ohhh yun lang pala eh.Akala ko galit ka na sa akin.Kasi hindi mo ako pinapansin kanina eh.Parang hindi mo ako nakikita,nandun lang naman ako sa tabi mo pero hindi mo ako kinakausap.Huwag mo na yun uulitin ha?pinag-aalala mo ako eh."sabi nito sa malumanay na tono.Hindi naman siya galit sa binata nagtatampo lang siguro kasi ayun yung hindi niya sinabi yung totoo sa kaniya.
Matagal na siyang kinukulit-kulit ng binata tapos hindi man lang niya binanggit na may kasintahan.
"Ahmmm oo hindi na mauulit."mahina nitong sabi.Kahit hindi yun totoo dahil simula ngayon hindi na niya papansinin ang binata,ayaw niyang makasira ng relasyon.Hindi yun itinuro ng kaniyang magulang."Mauna na ako baka hinahanap na ako sa amin eh."sabay talikod nito sa binata.Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng binata basta dire-diretso nalang siyang naglakad palabas ng gate nila.