6 Chapter 5

Napahalukipkip na si Chubby sa bintana upang maiwasan lang niyang tingnan ang binata. She couldn't believe that she will meet him on board. Sa dinami-daming pwede kong katabi bakit siya pa? Anong gagawin ko? Magpapalipat kaya ako ng upuan? Medyo halata. Magtulog-tulugan? Pwede-pwede. Deadma? Keribels! Hay, jusko! Lamunin na sana ako ng lupa kaso nasa eroplano ako! God! Bakit ako natataranta? Relax, Chubby. Relax!

"Are you going to Dubai?"

Narinig niyang wika nito dahil hindi pa naman nag-play ang music sa cell phone niya. Pinapakiramdaman pa niya ang binata sa tabi. "Oo." Hindi niya ito sinulyapan at pormal lang na tinugon ang tanong nito na parang wala lang.

"Are you up to business or luxury travel?" muli nitong tanong.

"Travel."

"Ah. I see."

Kaybilis ng tibok ng puso niya at nakakabingi na. Kung ilang beses din niyang pinigilan ang damdamin niya ngunit mas lalo lang lumala. Ang alam niya ay move on na siya ngunit nang makita ito, tila nanumbalik ang lahat. He's very handsome as ever while staring his magnificent chestnut eyes earlier. Mas lalo na naman siyang humanga roon ngunit kailangan niyang magpigil. Tama na puso ko. Tama na ang paghanga dahil pagod na akong magmahal. Pagod na rin akong umiyak.

"How are you?"

Natigilan na naman siya. Hindi siya sanay na tinatanong ng binata at ayaw nga nitomg makalapit siya. Halos isinumpa na rin siya nito. Nag-iba ang ihip ng hangin? Sinulyapan niya ito at saktong nagtama naman ang kanilang paningin. She saw him stares at her gaze with serious look. It was a different glance to her rather than before.

"I'm fine." Mabilis naman siyang nagbawi. Hindi ko kayang makipagtitigan. Nyemas namang tukmol na ito! Help me out of his sight, please!

"I'm fine too. If...you're asking me."

Hindi ko tinatanong! Pinagkrus niya ang mga braso.

"Nakauwi ka na pala. Kailan lang?"

"Two weeks ago." Hindi na kita maiiwasan lalo na at halos walong oras tayong magkasama.

"What a small world right? Hindi ko talaga ini-expect na magtagpo tayo rito."

"Ganoon talaga." So? Anong gusto mo? Sa mars ako titira? Ako mag-aadjust? Marahan siyang pumikit dahil umiiwas siya sa mga tanong nito. Ayaw niyang isipin nitong interesado pa rin siya kahit na gustong-gusto niyang tanungin siya. Mahirap magkunwari pero kailangan.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi na siya inabala nito. Naramdaman na siguro ng binatang kunwari ay ayaw niyang makausap ito. But, she wanted to sleep because it is really hard for her to find her comfort.

NAGISING siya nang biglang maramdaman niya ang malakas na turbulence sabay napahawak siya sa kamay ng binata. Napalingon siya sa bintana na malakas ang kulog at kidlat habang ang ibang tao naman ay nagpapanic.

"Ay!" sigaw niya. Iniwas niya ang tingin sa bintana.

"Hey! It's alright."

"Oh, my god! Kukunin na ba ako ni Lord?!"

"Hindi pa. Kumalma ka lang at maya-maya lang ay mawawala rin iyan," sambit nito sabay ngumiti.

Napasulyap siya sa kama niya. She noticed that their hands grasp each other and Raven holds it tight that seems he doesn't want to release it. Gusto niya itong bawiin ngunit mas lalong lang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Paano ako kakalma? Ni hindi ko pa nga nakikita ang magmamana sa kagandahan ko! Ni hindi ko pa nakikita ang magiging future husband ko?!"

"Hindi pa end of the world! At iniisip mo pa ang future husband mo sa kalagayan na ito? Hindi ka makakapag-asawa!" asar nito.

Masama ang tingin niya rito sabay bumawi ang kamay niya rito. "Bastos ka talaga kahit kailan!"

Tumawa lang ito nang malakas hanggang sa lumakas pa ang kidlat at noon lamang siya naalimpungatan.

"Huh?!"

"Hey. Are you okay?"

Naningkit ang tingin niya kay Raven habang napuna niya na napasubsob na  siya sa balikat nito habang magka-holding hands sila. Napuna rin niyang may kumot na siya. Shit! Mabilis siyang umayos at bumitaw sa pagkakaholding hands dito.

"S-Sorry!" Shit! Anong ginagawa mo, Chubby!

"It's okay! Mukhang nanaginip ka at masarap ang tulog mo. Kinumutan na rin kita dahil nanlalamig ka na kanina pa."

"Kinumutan mo ako?"

"Nakikita mo naman."

"S-Salamat." Sabi ko nga.

PASADO alas-onse ng gabi nang makarating sila sa Dubai International Airport. Umiwas na rin siyang makasabay pa si Raven sa immigration hanggang paglabas at baka hindi na niya kayanin pa. Pagkalabas niya ay sinundo naman agad siya ng shuttle patungo sa kaniyang hotel na tutuluyan pansamantala. It was unforgettable moment again and I hope that I can no longer feel his presence anymore. Ayoko ng maging baliw sa pag-ibig.

Antok na antok siyang nag-tap sa pinto upang buksan ang kaniyang room sa isang five star hotel sa Dubai. Naiinis na siyang hindi man lang nagbubukas iyon. Ano ba? Antok na ako papasukin mo kaya ako? What kind of card is this? I can't open the door. My god!

"Are you sure that it is your room?"

Napatigil siya saka niya nilingon ang lalaking pamilyar ang boses. "Raven!" Namilog na rin ang mga mata niyang makilala nga ito.

"That's my room."

"Huh?!" Tiningnan niya ang room number sa pinto saka bumaling sa key card niya. Sumulyap din siya sa katapat na pinto. What the heck are you doing, Chubby!

Lumapit ito sa kaniya. "Hanggang dito ba naman sa hotel na ito ay sinusundan mo pa rin ako?" Subalit napangiti naman ito.

Napangiwi siya sa sinabi nito. "I'm not! Malay ko bang dito ka rin pala nag-check in." Naglakad siya patungo sa kaharap na pinto at nag-tap saka ito bumukas.

"Chubby..."

Akma na sana siyang papasok ngunit natigilan siya. "Ano na naman?" Humarap siya rito. "Don't think na sinusundan kita rito dahil hindi ko alam. Malay ko ba sa buhay mo? As if naman na crush pa kita!"

"Hindi na ba?" May halong pang-aasar ang boses nito. "Pustahan tayo, crush mo pa rin ako hanggang ngayon. Don't worry, nagpapahabol na ako ngayon."

"Ayos ka rin pala. Grow up, Raven! I'm here in Dubai to meet my future husband!"

"Ah, type mo na pala ang mga Arabo. Hindi sila kumakain ng karne ng baboy!" Sabay nag-tap na ito at pumasok.

Gigil na gigil siya. "Bastos ka talaga!" Ang kapal ng mukha nito porkit nakatulog lang ako sa balikat niya. May araw ka rin! Tuluyan na rin siyang pumasok sa loob.

avataravatar