webnovel

Twenty-nine

The italic part are korean

----

Chapter 29

"Yerin, I have to tell you something." Napatingin ako sa cellphone ko at nilaro laro.

"Hmm?" She's busy texting someone. At feel ko si Rolly-- Roland ito. And now I'm questioning Rolland's gender. Nakahiga si Yerin sa higaan ko at magpapagulong gulong ito habang nagtetext.

Napanguso ako. "I was wondering. Maybe Jeydon is here." Bigla kong nasabi at tinignan ang star na nakapasok sa butas ng headset ko. Hindi na ko gumagamit ng headphones para hindi ito matanggal at baka mawala pa.

Napatingin ito sa repliksyon sa salamin ko at nakakunot noo ito. "Huh?" Bumunghalit ito ng tawa.

"Your imaginations Tiana." Umiiling ito at umupo. "You know what-- try to be free." Tumayo ito at lumabas.

Free huh? Hindi ng siya free kay Rolly.

Napailing ako at nagready para sa school. Walang pasok ngayon si Yerin and she's staying in my house temporarily. Gusto niya lang daw ako makasama.

When I am satisfied about my looks ay lumabas ako. Niready ko na din ang aking books at mga kailangan mamaya. I'm really busy-- too busy ni hindi na ako makakatulog ng maayos so that I want to be on top again.

Maaga akong pumasok sa school because I'm posting some posters about sa Blood letting activity for tomorrow. Baka may interested. Konti ang mga estudyante ngayon, some of their courses are engineering and Information Technology. Busy doing for their projects and also saamin sa medicine. Busy for our duty exposures and some programs.

Habang naglalakad ako sa labas ay napatingin ako sa langit at napapikit dahil sa sinag nang araw. It's really hot right now. Hindi ba uulan?

Napailing ako at dinala ang ibang papeles sa organization room at inarrange sa mga folders. Napalingon ako nang may pumasok bigla sa room.

"President Kang?" Napatayo ako at yumuko sakaniya.

"Don't." Pagpigil nito at kinuha ang nga papers. "I'll help you."

Napanguso ako. Hindi siya ganito saakin noon. Pero why now? Napailing ako sa aking iniisip at bumalik sa aking trabaho.

Habang natapos kami ay tumayo ito bigla. Napaangat ang tingin ko sakaniya. Kagulat naman itong lalaking to biglaang tatayo at titigan ako.

"What?" I mouthed him.

"I like you Tiana." Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatayo sa sinabi niya.

"I really like you." Ulit nito. Napakurap ako sa aking mata. I'm loss of words. Bubuka sana ang bibig ko pero wala naman akong masabi.

"Tiana, can you be my girlfriend?" Napatakip ako sa bibig. What? For real?

Umiling ako at umiwas ng tingin. Naalala ko ang sabi ni Yerin sakin. Explore? But how can I explore when my heart belongs only to Jeydon?

Napaatras ako. "I'm sorry Pres." Umiiling ako.

Napahilamos ito sa kaniyang mukha at tumalikod. "I won't force you to like me. But I swear, I liked you since in the beginning." Aniya at seryoso ang bawat bitaw nang salita at tsaka ito lumabas.

Napaupo ako sa upuan at napabuga ng hangin. Ang intense kanina. Kinakabahan ako. Napatingin ako sa pintuan at hinimas ang aking dibdib. "Aish, nakakagulat naman si Pres. Binigla ako." Kausap ko sa aking sarili at napailing.

I still love Jeydon.

Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti pa nang makita ko ang star na nakasabit. Nasa kaniya pa rin kaya ang moon? Napanguso ako. Sira na yata itong saakin dahil bigla biglang umiilaw.

Habang nag scroll ako sa IG. Napatakip ako sa aking bibig nung nag update si Jeydon sa kaniyang IG stories. Word siya na SN. Ano nga ba yung SN?

Lumabas ako sa room ng narinig kong nag bell na. Muntik pa akong malate sa pharmacology class at buti naabutan ko pa si Maam.

Habang nag dodoodle sa aking notebook ay may kausap pa si Maam sa labas.

"Tiana, President Kang is looking for you. He is worried why you didn't came here first." Ani Kim sa likuran ko.

Ngumiti ako. "Busy stalking." True. I'm stalking Jeydon. Humagikhik ito.

Kinuha ko ang aking cellphone habang nagtitipa ng mga gagawin ko mamaya for time management.

Napatingin ako sa harapan ko dahil kanina ko pa may napapansin na nakatingin saakin. Napanguso ako nang nakita kong nakatingin saakin si President Kang. Nang nakita niyang tumingin ako sakaniya ay umiwas ito ng tingin.

Napangiti ako. Sarap naman nito asarin. Pero nahihiya din ako at the same time sa bilgaang pag confess niya.

"Ayieee!" Joohyun pokes my cheeks at inaasar ako. "I saw it." Asar nito.

Umiling ako at tumatawa. "No." Iniwagayway ko ang aking kamay.

Napayuko uli ako at nanlaki ang mata ng mata ko nung umilaw ang star.

"Maam's here." Ani ng katabi ko kaya napatingin ako sa harap at tuluyang nanlaki ang mata. My jaw dropped.

"Good morning class. Meet Jeydon Perez. He's a transfer student from Philippines. So take good care of him." Pagpakilala mi Maam.

Nakatuon parin ang tingin ko kay Jeydon. Those face-- namiss ko lahat. His hair now is brown, mas lalo itong tumangkad at pumuti and he's wearing our school uniform.

Nakita kong may binulong si Maam kay Jeydon at tumango ito.

Nakasunod parin ang tingin nito saakin. He's smiling at me. Pumipintig ang puso ko at naririnig ko kung pano bumilis ito. Parang bumagal din ang oras dahil biglang nagslow motion ang lahat.

Umupo ito sa tabi ko. For real? Si Jeydon ko.

"Hello my Seatmate." Ngumiti ito at tumingin sa hawak kong cellphone. Napatingin ako sakaniya nung kinuha niya din ang cellphone niya at itinabi saakin. Nakita kong nakailaw ang moon ni Jeydon nung ipinagtabi nito.

Napatingin ako sakaniya at napangiti. I'm not dreaming at all. He's here. My Jeydon is here.

"Magkaseatmate na naman tayo--" pinutol ko na ang sasabihin niya nang bigla ko siyang yinakap. Damn it. I don't mind about my classmates and our teacher. But I'm really happy right now.

----

Really short update. Last chapter na :))

Next chapter