10 Chapter-10

Nauna na nang lumabas ng banyo ang mga kaibigan ko at bumalik sa aming lamesa. Ako nagdecide na magtagal sa loob ng banyo para hindi uli kami magpangita ni Captain Lim.

Ewan ko ba kung bakit, pero medyo nagselos ata ako doon sa babaeng kasama niya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, dahil kahit minsan ay hindi pa ako nagka boyfriend at hindi ko pa naramdaman ang ma-in-love. So, hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko.

Nang sa palagay ko ay nakaalis na sila Captain Lim at ang mga kasama niya, saka pa lamang ako lumabas ng banyo upang bumalik sa aming lamesa.

Kampanteng kampante ako na wala na sila, kaya naman ang ganda pa ng lakad ko akala mo eh, nag fashion show ako. Malapit na ako sa aming lamesa ng bigla akong mapatigil, dahil sa dati kong kinau upuan ay meron ng ibang taong nakaupo. Iyon ay si Captain Lim...

Hindi ko tuloy malaman kung ano ang aking gagawin, kung di diretso ba ako o' aatras. "Shit! Bakit siya nandoon, nasaan na ang mga kasama niya?" Bulong ko sa sarili habang tiningnan ko ang dating lamesang kinainan nila. Wala na! Bakante ang lamesa at malinis na ito.

'Anong ibig sabihin nito? Sasama siya sa amin?'Tanong ko sa isipan ko habang hindi pa rin ako tumitinag sa aking kinatatayuan.

Tatalikod na sana ako at balak tawagan si Linda upang tanungin ng...

"Sophia! Mabuti naman at bumalik ka na, ikaw na lang ang hinihintay namin." Si Linda ang tumawag sa pangalan ko at nagsimula na silang lahat magsipag tayuan. Wala na akong magawa kundi ang salubungin sila...

Habang sinasalubong ko sila, napansin ko ang isang sikretong ngiti sa labi ni Captain Lim. Ngiting parang nakakaloko. Ang masakit pa ay sa akin siya nakatingin habang naglalakad papalapit. Ibinaling ko na lang ang aking pansin sa paparating na si Linda at hinaltak ko papalayo sa grupo.

"Bruha! Explain mo nga sa akin bakit nandito ang mokong na iyan? Wag mong sabihin na sasama siya sa atin na mag clubbing? Nasaan na ang mga kasama niya?" Sunod sunod ang tanong ko kay LInda, pero munting tango' at ngiti lang ang sagot na nakuha ko galing sa kanya.

===

Dahil malapit na rin kami sa Pleasure Island, nagpasay ako na ako na ang mag drive. Para na rin magkaroon ng time na magbonding ang mga me partner. Ang kaso mo, malay ko bang sa front passenger seat din pala uupo si kumag.

Dahil nga kapitan siya ng barko, he has the right na umupo sa harapan kung gusto niya. E-di, ganon! Kaming dalawa ang nasa harapan habang ang apat na pares ay sa likuran.

Alangan na alangan ako habang nagmamaneho. Kasi nararamdaman ko na panay ang sulyap ni kapitan sungit sa akin at na tense tuloy ako. Lalo na ng hindi ko napansin ang kotse sa harapan namin ay tumigil na pala dahil pula ang ilaw. Muntik na tuloy kaming makabanga ng di oras. Mabuti na lang at mabilis ang aking paa at naapakan ko kaagad ang preno.

Sa awa ng diyos, narating din kami sa aming pupuntahan na walang aberyang nangyari. Isa isang nagbabaan ang lahat.

Nang makita ng mga kasama namin ang bukana pa lang ng Pleasure Island, nagsipag lakihan ang mga mata nito at namilog sa tuwa. Hile-hile rang clubs ang bumulagta sa kanila.

Nauna na si Linda at Chief Mate bilang leader na pumila para bumili ng ticket. Si Captain Lim naman ay nakatayong akala mo eh' modelo ng GQ habang naka sunglasses pa at makikita na mula ulo hanggang paa ay brand name ang suot niya. Bonga!

I mean, talaga namang gwapo siya at may katwiran umasta na kala mo kung sino. Kaya lang ang nakakainis ay sobra ang yabang. Porke ba gwapo siya at mukhang artistahin eh, ganoon na lang kung umarte.

Habang nagmumuni-muni ako at naaasar, nakabili na pala ng ticket si Linda at nakita kong kumakaway sa amin. Ipinasantabi ko na lang ang nararamdaman kong asar sa kanya at ayaw kong masira ang gabi ko.

====

Nang makapasok na kami sa loob ng Pleasure Island, excited na excited and mga kasama naming ibang crew, halos gusto nilang pasukin lahat ng madaan naming club.

"Eto! Dito, mukhang maganda, dito tayo!" Aniya ng isa sa mga kasama naming crew habang nakatayo kami sa harapan ng isang club.

Tumingin ang lahat sa itinuro niyang club at nag decide ang lahat na doon na lang kami.

The place was jam-packed, ang dancing floor ay punong-puno. Nagtingin-tingin kami kung may bakanteng lamesa, kahit isa wala kaming nakita. Pero ang mga kasama namin walang paki, isa-isang nawala ang mga ito at ng hanapin ko, nakita ko nasa dancing floor na pala.

Tanging, kami na lang pala ni Captain Lim ang naiwan ng nakatanga.

Hahanapin ko na sana kung saan ang banyo ng marinig ko siyang nagsalita sa likuran ko.

"This place is too crowded, baka gusto mong maglakad-lakad na lang tayo sa labas?" Halos hindi ko siya marinig sa sobrang lakas ng tugtog ng musika. Parte lang ng kanyang sinabi ang narinig ko, gusto niya na maglakad-lakad kami sa labas.

Is not a bad idea, dahil nabibingi na ako sa lakas ng tugtog. Kaya naman, minabuti kong lumabas at ng magkaintindihan kaming dalawa. Nauna na akong lumabas at sumunod naman siya.

Pagkalabas namin, "Ano kamo ang sinabi mo? Sorry! Sobra ang lakas ng tugtog sa loob, hindi ko narinig lahat ng sinabi mo. Ano nga iyon?" Nakatingin ako sa kanya ng diretso at ni hindi man lang kumurap ang aking mga mata.

Isang magandang ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi, habang ang kanyang mga mata na may mahabang pilikmata ay nakatingin din sa akin ng diresto bago siya sumagot. Inilapit muna niya ang kanyang mukha sa mukha ko, bago "Sabi ko, iwanan natin sila at maghanap tayo ng sarili nating kaligayahan." Ganon! Bigla tuloy tumaas ang kilay ko sa aking narinig.

"Captain Lim! Pwede bang paki clarify lang ang sinabi mo? Mukhang may double meaning yata eh?" Nakasimangot na ako dahil parang hindi ko yata gusto ang tono ng kanyang pananalita.

Sarili naming kaligayahan? Anong ibig niyang sabihin doon?' Inulit ko sa aking sarili kung ano ang kanyang sinabi, hindi yata ako madre at hindi lumaki sa kumbento. Therefore, It's a double meaning... In which I will soon find out kung ano ang ibig niyang sabihin.

avataravatar