webnovel

Chapter 1

Chapter 1

Nasa isang motel ang dalawa, Jes and Dani to celebrate their anniversary at the same time ang pagtatapos ng apat na taong pag aaral sa kolehiyo.

Magkaiba man sila ng kursong kinuha hindi naman ito hadlang sa kanilang relasyon. Isang nurse ang natapos ni Jessica at Pharmaceutical naman ang kay Daniella.

"Finally, natapos na ang paghihirap natin sa school. Now mag focus na naman tayo sa job hunting."turan ni Dani habang nakayakap sa kasintahang si Jes. Isang matamis na halik sa noo ang sinagot ni Jessica sa kanya.

"Pwede ka naman mag apply sa hospital babe."wika ni Jes habang hinahaplos ang pisngi ni Dani. "I can ask Ate Vilma kasi siya ang pharmacist doon. Pwede kita irecommend. Gusto mo?"Nakita niya ang pagkunot ng noo ng dalaga.

"Yung diyan sa hospital? Eh nakakasura na nga ang apat na taong pag aaral ko diyan tapos diyan din ako magwowork? Gusto ko sa ibang lugar para maiba naman."

"Eh babe, ang sa akin lang naman sana na hindi ka mahirapang maghanap ng mapag aplayan. Kilala ka na diyan Eh."esplika ni Jessica. Siya kasi Sinabihan na ng school na diyan na Lang mag work at tutulungan siya ng school na mabigyan ng magandang recommendation. Which is pumayag naman si Jessica.

"Tsk! Ewan ko. Saka na lang muna ako maghanap ng work babe. Gusto ko muna mag relax. Sakto kasi Sabi nila Papa baka mag out of town kami. Parang pa gift na din nila kasi graduate na ako. Sama ka if available ka."

"Kilan ba yan?"

"Hmm,Wala pa namang saktong date but I'll just text you kapag may fix date na."

Sunod sunod na tumango si Jes at hindi na nagpumilit pang pag aplayin si Daniella sa pharmacy na nasa harapan lamang ng hospital. Para hindi na nila pag awayan ang ganitong issue, nanahimik na lamang ito.

Weeks later, naging abala ang dalawa sa paglilipat ng kanilang mga gamit. Jessica received a gift from her parents, a condo unit somewhere in Quezon City not far from the hospital she'll be working with.

Aware na din ang kanilang mga magulang sa kanilang relasyon and they're not against about it. Even their friends accepted them with open arms.(Sana All)

They will live in one roof like what they've planned. Sabay din silang namili ng kanilang mga gamit at sila na din ang nag decorate sa kanilang magiging bagong tahanan.

Habang nasa store ang dalawa, Dani accidentally bumped into another person and when this fella looked who's behind her, shocks can be seen in her eyes.

"Oh my! Daniella?!"she's sound excited as she saw Dani.

"M-Miles? Dang! How are you!?" And they hugged each other. It doesn't matter kung makita sila ni Jes sa ganung tagpo.

"I'm great! And how about you?! Mukhang gumaganda lalo ah.."nakangiting Sabi ni Miles at pinasadahan ng tingin si Dani. Biglang lapit ni Jes sa kanila na this time bitbit ang mga napiling mga gamit.

"Oh yeah, remember Jessica? She's my girlfriend."pa kilala niya. "Babe, this is Miles, Kuya Ethan's girlfriend."

"Hi Miles... kamusta.?"

"Hello Jessica, ito okay lang. Teka mukhang gamit ng bahay ang mga yan ah." Tinutukoy niya ang mga bitbit ni Jessica.

"Hahaha! Nagbabahay bahayan na kasi kami ng babe ko." Biro ni Dani sabay akbay kay Jessica.

"Naku, ang cute niyong dalawa.."

"Kalilipat lang namin ni Dani sa condo na bigay ng parents ko kaya ito namimili kami ng mga gamit sa loob ng bahay."turan ni Jes. Tatango tango naman si Miles sa sinabi ni Jessica.

"Eh ikaw, nagbabahay bahayan na din ba kayo ni Kuya Ethan?"

"Tsk! Ewan ko nga ba diyan sa Kuya mo. Lately, Hindi ko na siya mahagilap. May mga babae pa ba siyang iba?"

"Huh? Hindi ko alam. Bakit? Hindi na ba siya nagpaparamdam sayo?"

"Madalas niyang sinasabi na busy siya. Naisip ko nga baka meron siyang iba. Pwede naman akong maghanap ng iba kung ayaw niya na sa akin. Madami kaya diyan sa tabi tabi."

"Uy Ano ka ba Miles! Kausapin mo na Lang si Kuya at sabihin mo sa kanya yang hinanakit mo. Wag mo muna husgahan si Kuya kasi baka busy Lang siya. Hindi sa kinakampihan ko siya ah. Sa akin lang mag usap muna kayo. And if kung hindi na talaga niyo mahal ang isat isa then set each other's free." Wika ni Daniella. Nakikinig Lang si Jessica sa usapan nila.

She knows Ethan na for her hambog, babaero, mabarkada, laging natotrouble. Pero since babae ang gusto niya kaya napunta siya kay Daniella. Si Daniella na isa sa masugid niya na manliligaw.

2 years ago...

"Uy Jes, may crush daw sayo ang sikat na volley ball player ah." Si Katya.

"Huh?, hehehe.. Sino naman yan? At saan niyo naman nasagap yang tsismis na yan?"

"Hindi tsismis ito uy ano ka ba.."si Katya na tatawa tawa.

"Kilala mo ba yung sikat na volley ball player? Yung si Dani?"kumunot ang noo ni Jessica. "yung ano...yung hayop tumira ng bola?"dagdag pa nito na lalong nagpagulo sa isipan ni Jessica dahil wala siyang gaanong kilala sa mga varsity player ng volleyball.

"Naku girl, yung maganda pero kilala siyang mahilig din sa maganda.." turan ni Lucy.

"Ah... lesbian siya?"taas kilay na Tanong ni Jessica. Makikita ang tinatagong ngiti.

"Oo. Dami kaya chix nun."