1 SIMULA

"Balance is the visual weight of objects, texture, colors and space is evenly distributed....." kanina pa putak ng putak itong si Paulito the panot, our great teacher  na walang sawang nagtuturo ng basic principles of graphics and layout, as if naman magagamit ng mga kaklase ko sa pagkakargador.

Madalas kasi sabihin ng mga guro namin na lahat ng nandito sa section E ay walang future. Oh diba, ang gagaling magmotivate ng mga guro namin, ang sasarap rin tuloy hambalusin ng rolling pin.

'E, kung imidlip muna kaya ako? Halos wala rin akong tulog kagabi, kalalaro ko ng Dota. Siguro naman hindi ako mapapansin ng panot na gurong 'to.'

Bahagya akong napangiti sa naisip ko, kahit kailan talaga napakatalino ko. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may tumama sa noo ko. At, ang salarin ay ang white board marker na ngayon ay nasa sahig na. Pinaningkitan ko ng mga mata ang gurong panot na walang hiyang bumato ng marker. Hambalusin kita ng upuan d'yan sir e'.

"Maria Alexandra Batungbakal, tumayo ka!" ang bantot talaga ng pangalan kapag itong si sir Paulito the panot ang bumabanggit ng pangalan ko. " Ang sabi ko tumayo ka! BINGI KA BA!"

" Oo na ito na sir, tatayo na. Nagagalit ka pa e'," padabog akong tumayo at hinarap si sir. " 'wag niyo rin po akong sigawan sir, sige kayo magiging panot ka forever," pagpapatuloy ko. And, guess what? Nanlilisik na ang mga mata ni sir, umuusok na rin ang tainga at ilong niya. Yung itsura na anytime maaaring masasakal na ako.

"Bastos kang bata ka!" gigil niya akong binato ng eraser, mabuti na lang nasalo ko. Akala mo sir ha', catcher kaya 'to.

" Sir 'di na po ako bata, binata na po ako. Si sir talaga ang tanda-tanda na pero tatanga-tanga pa," pambabara ko. At, napuno na naman ng tawanan ang buong silid. Samantalang si sir napakahigpit na ng hawak sa table niya na kapag hindi makapagpigil ay maaari na niyang paliparin. Iniisip ko nga, kung hindi siguro bawal ang manakit ng estudyante, malamang kanina pa ako napatay si sir. Siguro nagdidiwang na ang mga kaklase ko dahil may libreng tinapay at kape kapag napatay ako dito.

Natigil ang aking pag-iisip nang biglang gigil at padabog na iniligpit ni sir ang mga gamit n'ya. "Kababaeng tao pero walang modo," rinig kong reklamo ni sir kaya bahagya akong natawa.

Chill lang naman akong umupo habang nakatingin sa kanya na papalabas na ng classroom. Akalain mo 'yon napa-walk out ko si panot.

Nang wala na akong makitang bulto ni sir ay tumayo na rin ako at isinukbit ang bag sa balikat ko. 'Time for Dota', nasabi ko na lang sa isip ko. Sa totoo lang mas gusto ko pang maglaro magdamag kaysa naman makinig sa boring niyang aralin.

"Oh Maria, saan ang punta natin?" agad kong nilingon ang unggoy na si Arman na walang hiyang tinawag akong Maria. " Oh teka lang, ang sama naman ng tingin mo sa 'kin, hindi naman ako ang kaaway mo," sambit niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang nagsusurrender. Maya-maya lang bigla s'yang binatukan ni Cole, ang dakilang tropa ko.

"G*ago 'wag mo kasi siyang tawaging Maria  kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, Alex ang itawag mo kay boss. Wag kang tanga, " singhal nito kay Arman bago bumaling ang tingin sa 'kin. "Boss, maglalaro ka? Tara sama ako."

Tinanguan ko lang naman siya bilang pagsang-ayon bago siya akbayan at sabay na lumabas ng classroom. Itong bugok na 'to ang partner in crime ko palagi, katulad ko Dota player rin siya at kilalang barumbado sa lugar namin.

"Boss, ang galing mo kanina. Di ko akalain mapapawalk out mo ng ganun si sir Paulito," puri niya sa nagawa ko kanina na para bang bilib na bilib pa siya. Hindi na bago sa 'kin 'yon, napakadali namang pikonin ang gurong iyon. "Idol na talaga kita boss," hayop na 'to bilib na bilib sa 'kin akala mo naman napakaganda ng nagawa ko.

"Ano bang silbi ng pagiging tarantado ko kung simpleng pagpawalk out lang sa gurong 'yon ay di ko pa magawa diba," pagyayabang ko naman. Ay aba, syempre may karapatan akong magyabang dahil sa section namin nag-iisa akong babae pero ako lang ang nakakagawa nun, well sabagay 'di pala ako babae dahil binata na 'to pre.

"Tawang-tawa talaga ako sa itsura ni sir kanina, parang iiyak na ewan," natatawang sambit niya. Hindi ko talaga alam kung bakla o straight na lalaki itong si Cole, ubod ng daldal ang hayop na 'to daig pa ang mga babae. Kung hindi ko lang talaga tropa ang g*gong 'to, for sure kanina ko pa 'to nasapak. "Alam mo nakunan ko pa ng video 'yong kanina, ang astig  mo boss," dadag pa niya. Kung hindi ko lang talaga kilala si Cole, maaaring iisipin ko na may gusto siya sa 'kin. Kanina pa niya kasi ako pinupuri na parang kasing galing si Super Man ang favorite hero ng bugok.

Daldal lang  siya ng daldal habang naglalakad kami sa kanto papunta sa Computer shop. Kunyari lang naman ako na nakikinig at interesado kahit wala naman akong naiintindihan sa sinasabi niya.

"Alam mo ba boss yu----"

"Andito na tayo, ang ingay mo," hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil kanina pa talaga ako naiingayan sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon natagalan hanggang makarating kami dito.

Papasok na kami sa loob ng computer shop ng biglang nagvibrate ang phone. Hayop sino na naman kaya itong tumatawag, larong-laro na ako e'. Napipilitan akong kinuha ang phone sa loob na pantalon ko at sinagot ang tawag na walang tingin-tingin sa caller ID.

"Sinong hayop na istorbo 'to? " walang pakundangan kong sagot sa tawag. "Larong-laro na ako e!" kung sino man ang nasa kabilang linya, sigurado akong sinusumpa na ako sa mga isip nila dahil a kabastusan ko.

"Bastos na bata! Umuwi kana agad," hala si Erpats pala. Agad kong napatay ang tawag, lagot na.

avataravatar
Next chapter