3 CHAPTER 2

Hindi ko talaga alam kung nasa mundo ba ako ng panaginip o nasa reality ako. Ako? ipapakasal sa Aris na iyon?

Pagkagaling ko sa bahay dumiretso na ako dito sa computer shop na tambayan ko kasi may discount ako dito kapag nalalaro ako. Pero imbes na maglaro, nauwi ang pagpunta ko dito sa pagsesearch about sa mukhang manyak na si Aris Smith. Syempre kailangan ko muna ng ilang information about sa hayop na 'yon bago ako pumayag na magpakasal.

And guess what kung anong nakikita ko! Mga post na nagsasabing 'Aris Smith, the CEO of Smith Empire is a gay. It's the reason why he is still single and why he rejected the daughters of his business partners.' Ay baklang 'to siya pa talaga ang nagreject sa mga babae. Ito siguro ang sinasabi ng nanay niya na kumakalat na issue, almost million shares na rin and napakarami na ring nangbabash sa comment section, ilan sa mga comment ay....

'Crush ko pa naman siya, sayang bakla pala.'

'Kaya pala he rejected the famous model Maxine Chen, kasi bakla siya.'

' Nakakahiya, He is the face of Smith Empire tapos malalaman ng buong mundo na bakla siya. Smith Empire is one of the most powerful Company in the whole world tapos dudumihan niya lang ang pangalan.'

'He is already 25 years old, as far as I know sa age na yan dapat nagpapakasal na sila kasi 'yon ang golden rule sa Smith Family.'

Hay nako nakaka-stress itong mga comments. Tangina wala sa itsura niya ang pagiging bakla pero sabi nga nila karamihang gwapo may sabit. Pero syempre mas pogi pa rin ako sa hinayupak na 'yon.

"Boss kanina ka pa dito," boses mula sa likuran ko kaya gulat akong napalingon sa hayop na walang pasabi. "Gulat ka ata boss, ngayon mo lang ba nakita ang poging mukhang 'to?" pagpapapogi na sambit ni Cole.

"Akala ko kasi may multong nagpaparamdam sa akin," pabalang kong sagot sabay upo ulit. Kahit kailan talaga parang multo itong si Cole na bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Boss, interesado ka sa Aris na 'yan? Bakit mo sinisearch? Assignment ba natin?" sunod-sunod na nakakabobong tanong niya. "Diba 'yan iyong baklang CEO daw ng Smith Empire," dagdag pa niya. Akalain mo 'yon parang ako lang ang walang alam sa scandal ni Aris mabuti na lang at hindi ako pumayag sa gusto nila kundi baka pati ako maging trending.

"Ewan ko sayo Cole, tara kina Mang Kanor inom tayo," pagyayaya ko. Total nagpaalam na rin naman ako kay Erpats na hindi papasok kaya lulubos-lubusin ko na.

Tumayo na ako at isinukbit ang bag sa balikat. Akmang lalabas na ako ng shop nang mapansin kong hindi man lang umalis sa kinauupan si Cole at diretsong nakatingin lang sa akin. "Ano?" naiirita kong tanong sa kanya. Baklang 'to, bakit ba hindi na lang sa umamin kong nababakla na siya sa akin.

"Seryoso ka Boss iinom tayo imbes na pumasok tayo sa klase?" nagtatakang tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Ano bang nakapagtataka? Lagi ko naman itong ginagawa?

"Kung ayaw mong sumama, edi pumasok ka sa klase," ani ko saka lumabas na ng shop. Kailan pa naisip ng hayup na 'yon na piliing pumasok. Sa pagkakaalam ko mas tamad pa siyang makinig sa guro kesa sa akin. Siguro may chix na naman iyong nagustuhan sa klase.

"Boss, hintayin mo naman ako!" tawag niya sa akin habang patakbong humabol sa akin. "Ang bilis mo naman maglakad Boss!" hinihingal niyang reklamo sa akin. Aba't siya pa may ganang magreklamo, niyaya na nga kanina nag-iinarte pa.

Nginisihan ko lang siya, saka sabay naming tinahak ang kanto papunta sa bahay nina Mang Kanor. Si Mang Kanor ang kilala dito sa aming nagtitinda ng iba't ibang alak kaya malimit kami rito ni Cole.

"Mang kanor isang dalawang beer," ani ko kay Mang kanor nang makapasok kami sa kanyang beer house. Ito ang pinakatahimik na lugar para sa akin dahil malaya akong gawin lahat ng gusto ko. Naging tropa ko na rin si Mang kanor kaya alam ko na hindi niya ako papabayaan kung sakaling malasing ako.

"Ano ba yan Alexandra, umagang-umaga iinom ka! Hindi pa nga ako bumubukas ng Beer house ko," reklamo ng matanda sa maagang pangbubulabog ko sa kanya. Pero alam kong hindi naman niya ako matitiis dahil inabutan niya rin ako ng dalawang beer. "Tig-isang beer lang kayo ni Cole ha, 'wag niyo naman sana abusuhin ang katawan niyo," pagpapangaral niya sa amin.

"Opo Mang kanor, 'wag kang mag-alala ako bahala kay Boss," pagsasaludong ani ni Cole.

"Ikaw bahala sa akin? Eh diba kung ano ang gusto ko 'yon rin naman ang ginagawa mo," nginitian ko si Cole. Yung nakakalokong ngiti iyong tipong maaasar siya.

Tahimik lang akong umiinom habang nagkwekwento ng kanyang talambuhay si Cole. Talambuhay niyang halos memorize ko na dahil paulit-ulit niyang kinokwento tuwing nag-iinuman kami.

"Mang kanor isang bote pa nga po," tawag ko kay Mang kanor nang mapatumba ko na ang isang bote. Subrang kulang sa akin ng isa lang samantalang si Cole ay may tama na. Kahit kailan talaga napakahina ng lalaking it.

"Tama na iyan, umuwi na tayo!" Gulat akong napalingon ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Baklang Aris Smith? Anong ginagawa mo dito? Hanggang dito ba naman guguluhin mo pa ako!" tumayo ako at dinuro-duro siya. Wala siya sa terotoryo niya kaya wala siyang laban sa akin, 'wag niyang pinaiinit ang dugo ko.

"Halika na!" Sapilitan niya akong hinila papasok sa kotse niya. *Kidnapping ang ginagawa mong punyeta ka!*

"Teka lang, saan mo dadalhin si Boss!" Tama 'yan Cole, tumayo ka na diyan na hinayupak ka at tulungan mo ako.

"Uuwi na kami ng asawa ko," ani niya bago ako pinasok sa kotse. Naiwan namang nakanganga si Cole. *Bwesit ka Cole wala kang silbi!*

"Tangina mo, ibaba mo ako ngayon din! Kapal ng mukha mo! Hindi pa ako pumapayag sa gusto mo!" singhal ko sa kanya.

"Remember you signed the papers."

avataravatar