2 CHAPTER 1

Halos madaling-araw na ng makauwi ako, ang sakit tuloy ng ulo ko. Bukod sa paglalaro ng Dota niyaya pa akong mag-inuman ng hayop na Cole na 'yon. Parang naka drugs na naman tuloy ang itsura ko dahil sa mapula kong mga mata.

Inaantok pa akong bumangon mula sa aking higaan at bangag na tinungo ang banyo. 'Hang over na naman ako'. Agad kong pinabuhos sa katawan ko ang malamig na tubig mula sa shower ko. 'I need to fresh myself​ baka sakaling mawala ang hang over ko'. Hindi ko alam bakit ba ako napapayag ng hayop na 'yon na makipag-inuman, Dota lang naman ang pinunta ko sa shop.

After refreshing myself, inayos ko na ang sarili ko. Hindi tulad ng pag-aayos na natural na ginagawa ng mga babae, bumihis lang ako ng ripped jeans at jersey shirt ko. I'm not the typical girl na nagmemake up, hindi pa ako nagiging tanga para gawing clown ang sarili ko. Kinuha ko na ang baseball cap at backpack ko saka lumakad na ako pababa sa kusina. 'Gising na kaya si Erpats'.

"Oh mabuti naman at gising ka na," gulat akong napatingin kay Erpats na nakaupo sa pinakadulo mesa. Pero mas nakakagulat na makitang sa ganito kaaga ay may bisita na siya. "Halika sabayan mo kami sa pagkain," anyaya niya sa 'kin. Walang imik kong tinungo ang bakanteng upuan saka walang pakialam na nilantakan ko na ang pagkain na nasa harap ko. 'Gutom ako kaya 'wag kayong titingin-tingin sa 'kin', ramdam ko na nakatingin sa akin ang mga bisita ni Erpats habang kumakain ako. Ano bang problema ng mga hayop na 'to.

"Hinay-hinay lang sa pagkain anak baka mabuluan ka," paalala sa 'kin ni Erpats, tinanguan ko lang naman siya pero patuloy pa rin sa pagkain. "Anak, ito pala ang pamilyang Smith," literal akong napanganga nang ipakilala ni Erpats ang pamilya na bisita niya ngayon. Sino nga ba ang mga Smith? Sila lang naman ang inutangan namin noong namatay ang nanay ko. At ano ang ginagawa nila dito? Iyon ang hindi ko alam.

"Ahh anong ginagawa nila dito?" Literal kong natanong, at walang modo pa talaga ang dating ng pagtanong ko. "Maniningil ng utang Erpats? Sige aalis na po ako," tatayo na ako ng hawakan ni Erpats ang kamay ko para pigilan.

"Wag ka muna pumasok ngayon, may pag-uusapan tayo," aniya. Ano bang pag-uusapan, kung tungkol lang naman ito sa utang namin ay hindi naman ako interesado at wala akong alam d'yan.

"Erpats sino ba ang nagsabing papasok ako ngayon? May usapan kami ni Cole, maglalaro kami ngayon," taas-noo kong pagmamalaki kay Erpats ang pag-aabsent ko. Ay aba syempre mabuting anak ako kay Erpats kaya dapat hindi nagsisinungaling. " Saka wala naman akong kinalaman diyan sa pag-uusapan niyo kaya mas mabuting umalis na lang ako," akmang aalis na ako ng hilahin ako ni Erpats at sapilitang pinaupo.

"Maaari bang 'wag mo muna pairalin ang bastos mong pag-uugali! Makinig ka muna sa 'kin!" sigaw na ani sa 'kin ni Erpats. Hala siya, seryoso na nga siya dahil pinagtaasan na niya ako ng boses. Simula bata kahit may pagkatarantado ako ay hindi niya ako sinisigawan, maliban nalang kapag subra na ang ginagawa ko.

Wala na akong nagawa kundi manahimik sa kinauupuan ko at hintayin na mag-usap sila.

"Pasensiya na po kayo ma'am, sir sa inasta ng anak ko," paghingi ng paumanhin ni Erpats sa mag-asawang Smith bago tumingin sa binatang Smith. " Hijo pauman------"

"It's ok," pagputol niya sa sasabihin ni Erpats, bastos rin pala itong lalaking 'to. " She have a strong attitude and I like it," pagpapatuloy binatang Smith na hindi ko talaga alam ang pangalan at wala akong balak alamin.

"Anak," baling sa akin ng aking dakilang ama, tinitingnan ko lang siya ng may pagtatanong sa facial expression ko. "Kailangan mong pakasalan si Aris Smith," ani niya sa akin bago tinapunan ng kunting tingin si Aris.

Literal akong napanganga sa sinabi ng tatay ko. Hindi ko alam kong nakadrugs itong si Erpats o baka naman tulog pa ako. Binata ako tapos ipapakasal niya ako sa binata rin, tangina gisingin niyo ako.

"No!" sigaw ko ng sa wakas ay nag sink in na sa utak ko ang sinabi niya at narealize ko na hindi nga ako nananaginip.

"Nakiki-usap ako sayo anak, gawin mo 'to," nagbabadya na ang mga luha sa mata ni Erpats habang sinasabi ang mga katagang iyan. "Ito ang hinihingi nilang kabayaran sa mga utang natin. Alam mo naman na hindi ko kayang bayaran ang lahat ng iyon," tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya na parang talon na tuloy-tuloy na umaagos. Hindi ko kayang makita na umiiyak si Erpats dahil kahit tarantado ako nagiging mahina ako pagdating sa kanya.

"Erpats hindi ako handa diyan, tangina babae rin hanap ko!" Oo ayaw kong makita na umiiyak ang tatay pero hindi naman ibig sabihin ay papayag na ako. Hindi ako pera na pangbayad sa utang at lalong hindi ako tanga para magpakasal sa mukhang manyak na Aris na 'to.

"You don't have  choice," malamig na turan ni Aris na pachill chill lang sa upuan. 'Hayop ka Aris, may choice pa ako. Ilibing kaya kita ng buhay ngayon.' Sa ganitong sitwasyon nagiging murderer talaga ang utak ko.

"Hija na pag-usapan na namin ito ng tatay mo. Kailangan namin ng babaeng ipapakasal pansamantala sa anak namin para mawala na ang issue na bakla siya," mahinahong paliwanag ni Madam Smith. "And since malaki ang utang ng pamilya mo sa amin, naisip namin na iyon nalang ang gagawin naming kabayaran," dagdag pa niya.

"Pwede pag-isipan ko muna, aatakihin ako sa puso diyan sa sinasabi niyo e,"  akmang aalis na ako ng hawakan ni Aris ang kamay ko.

"Ano ba problema mo Brad? Aalis na ako."

"Sign this paper first." Inabot niya sakin ang isang folder na may mga nakasipit na papel, agad ko namang pinirmahan kahit di ko pa nababasa kung para saan 'yon. Walang lingon naman akong lumakad palabas ng bahay.

avataravatar
Next chapter